20

6 6 0
                                    

WE'RE JUST THE SAME

MAGDIDILIM na at halos palubog na rin ang araw. Napakaganda ng sunset kaya lumabas kami para tingnan ito at magmuni-muni kahit sandali lang.

Dumating na ang tatay ni Allestair kaya nakalabas na kaming tatlo. Dala na niya ang nilutong ulam na adobong manok. Napakabango nito. Gusto ko nang kumain pero hindi pa oras ng hapunan.

Pagkalabas namin, dumeretso kami sa parking lot ng ospital upang ma-picture-an ang sunset. Kakaunti naman ang mga sasakyan kaya kakaunti rin ang makakakita sa amin.

"Picture-an niyo ako, pang-profile picture ko lang. Gandahan mo ang kuha," utos ni Jiovanni sa akin at saka ibinigay ang cell phone.

"Ayan si Allestair, magsisintas ako ng sapatos ko," palusot ko dahil tinatamad ako.

"Akin na nga 'yan, madali lang 'yan." Nagmayabang naman si Allestair sabay hablot sa cell phone ni Jiovanni.

Inayos ko na lang ang sintas ng sapatos ko para makatotohanan naman ang palusot ko.

"Ngumiti ka naman, aba!" sigaw ni Allestair kay Jiovanni.

"Serious face muna, mas atat ka pa sa atat. Basta picture-an mo ako, huwag ka nang mareklamo," sagot naman sa kaniya nitong isa.

Hindi ko sila pinapansin, pinakikinggan ko lang sila, hanggang sa mayroon na naman akong nakitang dalaga na tumakbo sa 'di kalayuan. Sinundan ko ito ng tingin pero mabilis din itong nawala, parang bula-gaya ng palaging nangyayari. Tumayo ako at tinanaw ang direksiyon kung saan siya patungo.

"May titingnan lang ako saglit," paalam ko sa dalawa na busy sa pagpi-picture, at malamang ay walang pakialam kahit umalis ako.

Agad akong naglakad papunta sa kabilang banda ng parking lot. Habang naglalakad ay unti-unting nag-iiba ang paligid. Bumabalik na naman ako sa lugar kung saan ko siya nakita. Pero kahit ilang beses ko nang nakita ang lugar na ito, hindi ko pa rin mawari kung saan ito at kung anong lugar ito. Basta tuwing nakakabuo ako ng imahinasyon tungkol sa lugar na ito ay parang nararamdaman ko ang presensya niya at parang kasama ko siya. Pakiramdam ko ay senyales ito na malapit na kaming magkita.

At gano'n lang kabilis, narito na naman ako sa mundo ng aking imahinasyon.

Gabi na. Nakikita ko na siya, nakatalikod sa akin gaya ng kung paano ko siya nakita sa aking imahinasyon noon. Naiiba nang kaunti ang imahinasyon kong ito dahil nakasuot siya ng mask, tila ayaw niyang ipakita sa akin ang kaniyang mukha, na siguradong nakabibighani ang ganda. Lumapit siya sa akin at ako nama'y napahinto lang sa aking kinatatayuan. Nakatingin lang ako at nag-aabang sa kaniyang paglapit habang ang mapungay kong mga mata ay unti-unting lumuluha sa sobrang saya.

"Gustong-gusto na kitang makita, at nahanap mo na ako," nakangiti niyang sabi habang nakatingin lang sa akin.

Napangiti rin ako at hinagkan siya nang mahigpit. Tumulo na nang tuluyan ang luha ko nang hagkan ko siya.

"Salamat dahil hinanap mo ako," bulong niya sa akin habang kayakap ako.

Hindi ako nakasagot dahil patuloy pa rin ang luha ko sa pagtulo. Parang ayaw ko nang bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. Ramdam na ramdam ko siya. Ramdam ko ang yakap ng dalagang matagal ko nang gustong makita, mahagkan, makilala, at makasama. Sobrang sarap sa pakiramdam. Wala na akong iba pang mahihiling. Masayang-masaya na ako na nakita ko siya, lalo na ang mayakap siya. Para akong nalayo sa tahanan ko nang matagal, at ngayon, nakauwi na ako... sa kaniya.

Bahagya niya akong itinulak at humawak sa balikat ko. "Ako na ito..." aniya.

Napangiti ako kasunod ng pagpunas niya sa aking luha gamit ang kaniyang panyo.

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now