26

8 3 0
                                    

THE PUZZLE PIECE

MATAPOS ang ilang oras kong pag-upo at paghihintay, malapit ko nang marating ang destinasyon ko. Mabuti na lang at nasanay na ako sa pagbiyahe, hindi na ako masyadong nainip hindi kagaya noon. Nakatitig lang ako sa bintana kanina habang paakyat kami dahil nasa gilid kami ng kabundukan. Kinailangan kong sumakay nang dalawang beses sa bus papunta sa aking destinasyon.

"Paki-check pong mabuti ang mga gamit natin, baka po may maiwan tayo," paalala ng konduktor nang huminto ang bus sa terminal.

Bitbit ang mga gamit ko, bumaba na ako nang makababa na ang lahat ng pasahero. Nasa gawing likod kasi ako ng bus kaya pinauna ko na ang iba. Pagkababa ko, napatingala ako dahil nasa tapat na pala kami ng SM City Baguio.

Mahamog at medyo umaambon kaya naglakad ako sa gilid. Marami ring mga tindahan ng pasalubong pero nilagpasan ko lang dahil hindi naman ako nagbabakasyon-may kailangan akong gawin kaya ako nandito.

***

NAGLALAKAD ako sa Burnham Park at wala akong ibang maisip kundi ang kagandahan ng lugar na ito. Tanaw ko mula rito ang mga taong nagbibisikleta. Napakarami nila. Nagkusa ang mga paa ko na humakbang patungo sa direksiyong iyon na para bang niyayaya akong magbisikleta.

Pagdating ko roon ay nakahilera ang mga bike. Pinagmasdan ko ang mga ito at inisip kung magrerenta ba ako. Wala pang isang minuto, may isang lalaki na lumapit sa akin at inalok ako. Sa totoo lang, tinatamad ako dahil gusto kong mahiga. Isa pa, pagod na pagod ako sa biyahe, pero minsan lang kasi ito. Ang iniisip ko lang ay ang mga gamit ko.

"Huwag kang mag-alala, sir, safe ang bag mo sa akin." Inilahad niya ang kamay niya at napatingin ako sa lamesa.

"Salamat po," sabi ko na lang nang ibigay ko sa kaniya ang mga gamit ko. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan kaya hinayaan ko na. Ibinulsa ko na lang ang wallet at cell phone ko.

Nang makumpirmang nakalagay na sa lamesa ang mga gamit ko, nagbisikleta na ako sa kahabaan ng parke. Kasabayan ko ang iba pang mga kabataang katulad ko. Sa gawing kanan ko naman ay ang mga bata. Maraming tao rito at lahat ay nasisiyahan. Iba't ibang mga bike ang nagkalat saan man ako tumingin kaya kahit mayroong mga harang na malalaking gulong sa gitna ng daan ay kailangang maging maingat dahil anumang oras ay maaaring may magkabanggaan.

Damang-dama ko ang malamig na klima rito habang nagbibisikleta ako. Nakangiti lang ako at sinusulit ang pagkakataong ito na minsan ko lang maranasan.

Nakailang ikot din ako at nagpabalik-balik sa magkabilang dulo ng daan para sa mga bisikleta. Palagay ko'y nasulit ko naman ang ibinayad ko, kaya kahit hindi pa tapos ang isang oras ko ay bumalik na ako sa nagbabantay ng mga bisikleta at isinauli na ang ginamit ko. Nakipagbiruan pa siya sa akin dahil hindi ko na nga tinapos pa ang aking oras.

Matapos magpahinga sandali sa isang tabi, naglakad akong muli at nagtungo naman sa kabilang banda nitong Burnham Park kung saan naroon ang mga bangka. Tanaw na kaagad mula rito ang malawak na Burnham Lake.

Ilang hakbang na lang at makakarating na ako roon, pero napahinto ako dahil may nakita akong cell phone malapit sa mga halaman. Walang pagdadalawang-isip ko itong pinulot at itinago sa bulsa ng hoodie ko saka ako nagpatuloy sa paglakad papunta sa mga bangka. Hindi ko naman nanakawin ito, isu-surrender ko naman mamaya para maibalik sa may-ari.

Pagbaba ko rito sa puwesto ng bantay ng mga bangka, lumapit agad ang isang babae sa akin, kagaya ng ginawa ng lalaki kanina. Nang makapagbayad ako, sinamahan niya ako palapit sa bangkang gagamitin ko. Pero dahil mag-isa ako, mas mabuti kung may isa pang sasakay, at 'yon ang kasama ng babaeng nag-alok sa akin. Mabait naman siya at mukhang marunong magbangka. Malamang, Kiel, trabaho nila 'yon.

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now