27

9 3 1
                                    

THE RAKETERO BOY

"AY, sorry, 'tol," sabi ng lalaking nakabangga sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kaniyang mukha. Kamukha niya si Allestair-kamukhang-kamukha. Siya ang kakambal ni Allestair?

Nagpatuloy siya ng paglalakad palayo at mukhang mayroong hinahabol. Sigurado ako na siya ang kakambal ni Allestair. Walang duda, siya 'yon.

Dahil hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong kausapin o kahit tanungin siya, sinundan ko siya sa abot ng aking makakaya. Mabilis kong inihakbang ang aking mga paa at bumaba rin dito sa overpass. Sa bilis niya ay napatakbo na ako para lang maabutan siya.

Habang tumatakbo ako ay marami ring tumatakbo sa isipan ko. Basta alam kong kailangan ko siyang sundan at makilala. Ako ang nakatakdang tumulong sa kanila para magkita na silang dalawa matapos ang ilang taong pagkakawalay sa isa't isa.

Ilang sandali pa, lumiko siya papasok sa isang eskinita. Wala itong pinagkaiba sa tipikal na eskinita. Masikip at halos magdikit-dikit na ang mga bahay rito. Umaabot din ng ilang palapag ang ibang bahay dahil wala nang pagtatayuang espasyo. Mas nahirapan ako rito kumpara sa kalsada kanina dahil pasikot-sikot. 'Buti na lang at hindi siya nakatakas sa mga mata ko.

Pumasok siya sa isang bahay na mukhang paupahan. Dumeretso ako roon at dahan-dahang pumasok sa loob. Maliit lang ang lugar kaya naman kaunting hakbang lang mula sa labas ay nasa loob na ako. Sandali akong natigilan. Na-realize ko na sobrang suwerte ko dahil may pamilya pa akong sumusuporta sa akin. May mga kabataan kasing katulad ko ang nabubuhay mag-isa at walang ibang aasahan kundi ang sarili nila.

Dahan-dahan at tahimik akong naglakad palapit sa isang maliit na cabinet. Sa ibabaw nito nakalagay ang isang picture frame. Litrato nilang dalawa ni Allestair noong mga bata pa sila ang nakita ko. Kapareho ito ng litratong nakita ko sa cabin ng lolo nila sa Bulacan.

Naupo ako at pinagmasdang maigi ang loob ng bahay. Maliit ito at sapat lang sa dalawa hanggang tatlong tao. Mayroong nakalatag na comforter sa sahig, may isang electric fan na panay alikabok, at may maliit na cabinet at dalawang upuan-sira pa ang isa. Sa kabilang banda ay naroon na ang lababo at ang lalagyan ng mga plato at mga kubyertos. Sa tabi niyon ay ang timba na mayroong lamang tubig. Iyon siguro ang ginagamit niyang panghugas ng pinagkainan.

Nanatili lang ako rito sa puwesto ko at hinintay siya dahil dumiretso siya sa likod ng kurtinang nakatabing, mukhang nagbibihis. Makapal ang kurtina kaya hindi niya ako nakikita. Hindi rin naman ako gumawa ng kahit anong ingay kaya hindi niya namalayan na may kasama siyang pumasok dito.

Maya-maya lang, hinawi na niya ang kurtina. "Gago ka!" Napamura siya sa sobrang gulat. Dinampot pa niya ang alarm clock na malapit sa kinatatayuan at akma itong ibabalibag sa akin. "Sino ka?! Ba't nandito kang sira-ulo ka?"

Hindi ako nakaimik kaya naman lumapit siya at hinawakan ang braso ko para palabasin ako.

"Teka, sandali lang," pagpigil ko sa kaniya. "Hindi ako masamang tao."

Huminto siya at tumingin sa akin. "Wala akong pakialam. Lalabas ka pa rin dito sa bahay ko," sabi niya, at tuluyan akong pinalabas saka niya isinara ang pinto.

Napakamot-ulo na lang ako at nag-isip kung ano ang maaaring gawin. Nakita ko ang maliit na bintana kaya lumapit ako rito. "May mahalaga akong sasabihin," sabi ko.

"May raket pa ako. 'Di ko kailangan ang sasabihin mo."

"Kilala ko si Allestair."

Halos katatapos ko lang magsalita nang biglang bumukas ang pinto. "Pasok."

Tumuloy akong muli sa loob ng bahay niya at saka naupo sa puwesto ko kanina. Nakaupo naman siya sa sahig at pinagmamasdan ako.

"Ano'ng alam mo sa kakambal ko?"

The Night We Met in Intramurosحيث تعيش القصص. اكتشف الآن