25

11 4 3
                                    

A GLIMPSE OF SOMETHING

"KUYA! Gising!"

Napadilat ako nang marinig kong umiiyak si Cyruz at niyuyugyog ang balikat ko. Napabalikwas ako at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa sahig.

Ano'ng nangyari?

Bumukas ang pinto ng kuwarto at mabilis na pumasok si Celeine. Bakas sa kaniyang mukha ang labis na pag-aalala. "Bakit? Ano'ng nangyari dito?" Lumapit siya sa akin at inalalayan akong tumayo saka niya binuhat si Cyruz at muling ibinalik sa kama.

"Hindi ko alam... bigla na lang akong natumba at nawalan ng malay. Parang may mga boses na bumubulong sa akin kanina, 'tapos bumagsak na ako sa sobrang pagkahilo," kunot-noo kong paliwanag sa kaniya habang hinahawakan ang ulo. Napakasakit ng ulo ko, sobrang kirot at parang iniuntog nang ilang beses.

"Ayos ka na ba? Ano'ng kailangan mo?" nakapamaywang niyang tanong sa akin. Napabuga siya ng hangin at saka napaupo sa kama. "Akala ko naman, may masama nang nangyari sa inyo ni Cy."

Umiling ako at napaupo naman sa sofa rito sa kuwarto ni Cyruz. "Wala naman. Ayos lang ako, medyo nahihilo na lang," sagot ko.

Tumango naman siya. "Sige. Sabihin mo lang kung may kailangan ka." Kinumutan niya si Cyruz at tumayo na. "Matulog na kayo ni Cy," sabi niya nang maglakad palabas ng kuwarto. "Teka pala." Napahinto siya bago pa makalabas at humarap sa akin. "Paano ang pag-alis mo bukas? Tutuloy ka na talaga? Dapat kasi sa isang araw na para naman makapaglibot-libot tayo kahit sa Mount Samat lang, 'tapos sa Agwawan Beach." Kumindat siya at para bang sinasabi na huwag muna akong umalis bukas.

"Pag-iisipan ko," sabi ko at tumango rin.

"Sa isang araw na kasi, sayang naman ang araw ng gala..." Tiningnan pa niya ako nang nakakaloko bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

***

NAKATAMBAY uli ako rito sa garden area habang nagkakape. Maaga akong nagising, ganoon din si Cyruz. Hindi pa sumisikat ang araw ay bumangon na kami kaya naman ramdam na ramdam ko sa aking balat ang hamog. Nasa swing siya ngayon at masayang naglalaro, ako naman ay nakaupo rito sa sementadong upuan.

Habang nagtitimpla ako ng kape kanina, nakapagdesisyon na ako. Tama si Celeine. Kung aalis kaagad ako mamaya, masasayang lang ang pagpunta ko rito sa Bataan. Hindi porke nalaman ko na ang nais kong malaman-ang tungkol kina Lola Leonora at Lolo Ernesto-ay aalis na agad ako at hindi na maglalagi kahit ilang araw lang.

Mamaya, yayayain ko sila sa beach na nabanggit sa akin ni Celeine kagabi. At bukas naman, kung sisipagin ay pupunta kami sa Mount Samat, tutal ay hindi pa ako nakakarating doon. Balita ko kasi ay maganda ang tanawin kapag nasa itaas ka na at nasa loob ng mataas na krus.

Pagbalik namin sa loob, saglit kaming naupo sa sofa at nanonood ng cartoons. Masayang-masaya si Cyruz at napapahampas pa sa braso ko kapag natatawa sa pinanonood. Dito kami inabutan ni Celeine na kagigising lang at halatang kahihilamos lang.

"Ang aga niyo, ah?" Lumapit siya sa amin at kakamot-kamot sa ulo.

"Naalimpungatan kaninang five a.m., deretso bangon na rin, tutal masarap tumambay ro'n sa garden," sabi ko naman habang niyayakap ang malikot na batang si Cyruz.

"Buntot," aniya sa kapatid. Simula kasi nang dumating ako rito ay hindi na humiwalay sa akin ang bata.

Naikuwento sa kaniya ng kanilang lola kaya niya nalaman. Pero kung ako ang tatanungin, ayos lang, wala akong kapatid, eh. Para kahit sa pagiging malambing ni Cyruz ay maramdaman ko man lamang kung ano ang pakiramdam nang may kapatid. Sad thoughts again, Kiel. Seriously?

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now