32

18 3 0
                                    

Twelve days later...

NAKATITIG lang ako sa kisame ng aking kuwarto. Tinatamad pa akong bumangon dahil halos kasisikat lang ng araw. Iniisip ko rin ang napanaginipan ko kagabi. May mga kasama akong mga tao, at sila ang mga kasama ng mga magulang ko na nasawi sa aksidente. Hanggang ngayon ay dinadalaw nila ako maging hanggang sa aking panaginip. Minsan nga ay naguguluhan ako kung bakit parang tuwing nagiging laman sila ng aking panaginip ay tila kilalang-kilala ko sila, na para bang nakasama ko sila, kahit hindi naman talaga.

Ikinalma ko na lang ang aking sarili dahil umagang-umaga ay malalim na agad ang iniisip ko. Bumangon na lang ako at dumeretso sa banyo. Pagkababa ko ay nagpunta ako sa kusina para magtimpla ng kape.

Tahimik akong nakaupo sa garden area nang bigla kong marinig ang boses ni Railey. Agad kong ibinaba ang tasang hawak ko saka ako tumayo para tanawin sila.

"Papasukin mo kami, Kiel! Maawa ka sa amin!" Umiral na naman ang kabaliwan ni Railey. "Kiel! Lumabas ka riyan!"

Napatakbo ako papuntang gate dahil nakatanaw na ang mga kapitbahay rito, akala siguro'y nag-eeskandalo itong si Railey.

"Ipahihiya mo ba ako? Alam mo naman na uso ngayon ang fake news, 'di ba?" Sumenyas ako sa kanila na tumuloy na sila. "Pasok, bilis."

"Aarte pa ba? Dinala ko na nga 'yang si Blythe para masaya naman ang Saturday mo," nakapamaywang niyang sabi. "At dinala ko na rin itong libro mo. Walang damage 'yan." Iniabot niya sa akin ang libro.

"Kape? Breakfast? Meron dito sa kusina, basta self-service," sabi ko.

"Ay!" Napahampas si Railey sa kitchen counter namin. "Wala na, four-star na lang sa akin 'tong bahay niyo," sabi niya habang namimili ng tasang gagamitin. "Alam ko na pala." Umikot-ikot siya at umarteng tila isang prinsesa. "This is the moment," sabi niya habang nakatingin sa ref.

"Oh, ano'ng meron sa ref?"

"Pagkain. 'Di ba obvious?" sagot niya, saka iyon binuksan.

"Mag-picnic tayo sa park, do'n sa sentro," suhestiyon ni Blythe, kaya sabay kaming napatingin ni Railey sa kaniya.

Bahagya akong napangiti bago ako humigop ng kape. "Seems like a nice idea," sabi ko sa kaniya sabay kindat.

"Wow." Isinara ni Railey ang ref. "Kapag ako ang nagsa-suggest, palagi kang nagrereklamo, ha!" Itinuro niya ako saka siya napatakip ng bibig.

"Bakit?" sabay naming tanong ni Blythe sa kaniya.

"Aminin... Kayo na, 'no?" Napatakip na naman siya ng bibig. "Mag-boyfriend, girlfriend na kayo?" hindi makapaniwalang sabi niya at agad lumapit kay Blythe para yakapin siya.

"Huh? We're not yet dating. 'Di ba... Blythe?" Napatingin ako sa kaniya.

Marahan lang siyang tumango at napangiti na lang. Samantalang si Railey, may halong malisya pa rin ang tingin sa amin. Tuwing titingnan kami ay naniningkit ang kaniyang mga mata.

"SO, kailan magiging kayo? Can't wait!" pangungulit ni Railey habang naglalakad kami. Bitbit niya ang ecobag na may lamang potato chips.

Yakap-yakap ni Blythe ang picnic mat na nahalungkat nila sa kuwarto ko. Ako naman, dala-dala ko ang tumbler na may lamang kape, hindi ko pa kasi nauubos nang magkayayaan na mag-picnic. Sayang naman ito kung itatapon ko na lang kaya dinala ko na lang.

"Kailan nga? Kapag naubos mo na 'yang kape mo?" Kapwa sila natawa ni Blythe sa kaniyang biro. "Ang torpe kasi, halata naman na patay na patay ka kay Blythe. 'Di ba, Blythe?" Binangga pa niya si Blythe at kumindat-kindat. "At isa pa, ang sabi mo kanina, 'not yet,' kaya ibig sabihin, nililigawan mo na siya. Oh, my God," dagdag niya, saka nagtakip ng bibig kaya bumagsak sa kalsada ang mga dala naming mga pagkain at gumulong-gulong ang mga bottled coffee.

The Night We Met in IntramurosOnde as histórias ganham vida. Descobre agora