06

18 5 1
                                    

A DECISION TO MAKE

"SUMUNOD ka na lang sa parking lot. Bilisan mo, hindi tayo puwedeng magtagal," paalala sa akin ni Jiovanni bago siya lumabas ng hotel room. Ako na lang ang naiwan dito sa kuwarto.

To be honest, this isn't what I expected to happen. Akala ko'y makakasama pa namin si Railey sa paglalakbay na ito-sa paglalakbay kong walang kasiguraduhan. Hindi ko inasahan na saglit lang pala namin siyang makakasama. Pero kahit nanghihinayang ako dahil do'n, hindi ko pa rin hahayaang sumama pa siya sa 'min. Kailangan siya sa kanila, ng kapatid niya. Hindi ko alam ang feeling ng may kapatid na inaalala pero kung ako ang nasa lugar niya, I would do the same-go back home.

I just hope that I could at least do something to make it not happen. Naniniwala naman ako na magiging maayos lang ang lahat. I should stop manifesting negativity.

Habang naglalakad sa hallway at pababa na, napaisip ako. Tama si Jiovanni, hindi pa nga oras para sumuko dahil wala naman talagang oras para sumuko sa pagkamit ng gusto natin, 'di ba?

"Hindi kaya oras na para sumuko?"

Napatingin si Jiovanni nang bigla akong magtanong. "Kung oras na para tumigil at sumuko, ano pa'ng saysay ng rason mo kung bakit ka nagsimula?" mabilis niyang tugon habang naghahanap ng kung ano sa loob ng ref.

His simple answer made me realize a lot of things. Hindi ko alam na kaya pala niyang maging seryoso kapag kailangan ko ng kausap, lalo na sa ganitong sitwasyon.

Umupo siya sa gilid ng kama katabi ko habang kumakain ng chocolate bar. "Mag-isip ka. Bakit ka nagsimula kung hihinto ka rin kaagad? Kasi naguguluhan ka na? Kasi hindi mo na alam kung ano ang gagawin mo? Kung 'yan lang ang mga dahilan mo para tumigil na, ako mismo ang pipigil sa 'yo dahil hindi worth it kung susuko ka ngayon. Sige, sabihin na nating nagkakaroon ka ng imaginations tungkol sa isang tao o scenario, 'tapos malaki ang posibilidad na mangyayari 'yon in the future. Hindi ba't sa imahinasyon mo, sa palengke mo nakita si Estelle? Nabanggit niyo sa akin ni Railey na sa bus terminal mo siya totoong nakita. Ibig sabihin, ang mga imagination o mga nakikita mong scenario out of nowhere, hindi lahat ay magkakatotoo. Hindi lahat ng imaginations mo ay premonitions. Magtiwala k-"

"Paano kung totoo ang sa kapatid ni Railey?"

"Paano kung hindi? Eh, 'di parang ikinulong mo na rin ang sarili mo sa sarili mong takot."

Tumango na lang ako at hindi na sumagot saka ako bumangon mula sa pagkakahiga. Dumeretso ako sa sofa at kinuha na ang mga gamit ko na gulo-gulo.

***

"WALA ka na bang nakalimutan?" tanong ni Railey nang sumilip sa bintana dahil natanaw niya na parating na ako. Dalawang travel bag ang bitbit ko-isa kay daddy at ang isa naman ay 'yong binili ko. Mukha akong maglalayas dahil halos hindi ko na mabuhat nang mabuti ang mga bag, idagdag pa itong cell phone ko na nakalimutan kong ibulsa.

"Sakay na." Itinuro ni Jiovanni ang sasakyan habang naglalakad galing sa CR dito sa parking lot. Yumuko pa siya nang bahagya para pagpagin ang binti niya.

Sa back seat din ako umupo para makatabi ko naman si Railey sa biyaheng ito pauwing Pampanga. Ito na rin siguro ang last trip namin kasama siya. Walang ibang choice, kailangan niyang umuwi. Kapag may problema tayo, may pagkakataon talaga na hindi puwedeng masunod ang gusto natin dahil may mas importante. At hindi ko puwedeng ipilit na mag-stay si Railey.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang kami. I somehow felt sadness, to be honest. Hindi ko itatago 'yon, nalulungkot din talaga ako. I always think of giving up, but these two friends of mine gave me reasons to continue. Akala nila, buo na sa loob ko na makikita ko ang dalagang hinahanap ko, pero hindi. Hindi ako gano'n kasigurado sa tinatahak ko ngayon, sa ginagawa ko ngayon. Pero dahil sa kanila, nalalabanan ko ang sarili ko, ang negative thinking. Hindi nauubos ang mga dahilan para magpatuloy, kaya 'eto pa rin ako, sumusugal kahit mahirap, kahit hindi sigurado.

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now