16

15 6 0
                                    

THE CLOTHE IN THE CABINET

PAGDATING namin sa Ilocos Sur, magkahalong excitement at kalungkutan ang naramdaman ko. Hindi ko alam kung ano, pero may kulang. Siguro'y presensiya ni Railey iyon.

I can still remember when she said that she hadn't been to Ilocos Sur before. Napangiti na lang ako. Alam ko naman na sa mga susunod na pagkakataon ay kasama na namin siyang babalik dito. Sadyang hindi lang ngayon, pero alam kong palaging may next time.

More than an hour pa kaming bumiyahe. Matagal-tagal pa akong tumunganga sa bintana hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa Vigan.

"Hindi kayo magpi-picture?" tanong ni Jiovanni habang kumakain ng kalamay-sweet delicacy ng Ilocos Sur. Nakatikim na rin ako kanina ng isa pero si Jiovanni, makakaubos na ng isang balot.

"Hindi na muna. Saka na lang, mas gusto kong picture-an 'yan kapag paalis na tayo," sagot ko sabay kuha ng isang kalamay.

"Wala bang public toilet dito? Naiihi na ako, lalabas na," wika naman ni Allestair na ngumunguya ng bubble gum.

"Wala yata, baka sa Vigan mismo," sagot ni Jiovanni. "Teka lang, bakit ba ihi ka nang ihi? Gripo ba 'yang ti-"

Napahinto siya nang may dumungaw sa bintana ng kotse. "Mga hijo, baka gusto ninyo ng empanada?" alok ng isang babae.

Isa lang ang binili namin dahil marami pa kaming pagkain. "Sa susunod na lang po ulit," nakangiting sabi ni Jiovanni sa kaniya nang tanggapin ang empanada.

Nang maglakad paalis ang babae, pinaandar na ni Jiovanni ang kotse. Pero isang metro pa lang yata ang layo mula sa pinanggalingan namin ay may nakita kaming lalaki kaya ibinaba ko ang bintana.

"Manong, saan po rito may CR?" tanong ko sa kaniya.

"There," nakangiting sagot niya sa akin sabay turo sa direksiyon kung saan naroon ang pinakalamapit na CR. Marahil iniisip niya na inglesero ako,

"Manong, bakit nag-English pa po kayo? Hindi naman po 'yan marunong mag-English," sabat si Jiovanni sa usapan.

Natawa naman nang bahagya si manong at kumaway. At bago umalis, nag-abot ako ng isang kalamay sa kaniya bilang pasasalamat, pero bigla niyang iniangat ang basket na buhat niya.

"Nagtitinda rin ako ng kalamay, gusto niyong tikman?" Nakangiti lang siya. Kitang-kita talaga sa mga ngiti niya na napakabuti niyang tao. Sigurado akong suwerte ang mga anak niya sa kaniya.

Nakakahiya ba ang ginawa ko? Hindi naman siguro, nag-alok lang naman ako ng pagkain. "Sige po, magkano po ba?" sabay bukas ng wallet ko.

Inabutan niya ako ng isang balot na kalamay. "Libre na sa 'yo, hijo," biglang sabi niya habang pilit iniaabot sa akin ang kalamay.

"Nako, bibilhin ko po 'yan," mabilis kong pagtanggi sa alok niyang libreng kalamay.

"Libre na," pagpilit pa niya.

Napangiti na lang ako at inabutan siya ng five hundred pesos. "Ito po, tanggapin niyo rin," sabi ko.

"'Yan ang hindi ko matatanggap," pagtanggi niya.

"Para po sa inyo 'yan, tulong ko po," pagpilit ko rin at saka ko iniabot sa kaniya ang pera.

Wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang halagang iyon. "Salamat, hijo. Mag-iingat kayo," pasasalamat niya, maluha-luha.

"Kayo rin po." Nginitian ko siya bago ko isinara ang bintana ng kotse.

Pag-andar ng sasakyan ay nakita kong kumaway pa siya sa amin kaya napangiti uli ako.

The Night We Met in IntramurosWhere stories live. Discover now