30

10 3 0
                                    

THE WHOLE TRUTH

"SABIHIN mo na sa akin ang lahat ng dapat kong malaman," sabi ko sa kaniya nang makatayo ako. Magkaharap kami ngayon at para akong nakikipag-usap sa isang kaluluwa.

Naglakad lang siya at walang sinabi ni isang salita. Naglakad na lang din ako at sinundan siya. Mukhang mayroon siyang pupuntahan.

Ano'ng nangyayari? Imagination ko lang nga ba itong nakikita ko? Bakit nakahinto ang lahat? Bakit kami lang ang nakakagalaw?

"This isn't your reality, Kiel," biglang sabi niya habang naglalakad pa rin kami, pagkatapos ay umupo na siya sa isang upuang pahaba.

Tumabi ako sa kaniya at hinintay ang susunod niyang sasabihin. Nakakunot lang ang noo ko habang naguguluhan pa rin sa nangyayari.

"This isn't my reality? How? Paanong hindi ito totoo?" Hindi ko mapigilang magtanong dahil mukhang wala siyang balak dugtungan ang sinabi.

"This." Iniunat niya ang kaniyang mga braso habang nakabukas ang kaniyang mga kamay. "All of this, including me-us," he said, and smiled after. "We are currently in a dimension inside your imagination, Kielvinson."

What? No. That can't be real. I mean, what he said was impossible-it's unreal. Totoo lahat ng ito, lahat ng mga narating ko ay totoo. Totoo ang paglalakbay ko. Alam kong totoo ito.

"No. It's not, Kiel."

"Kaya ba nasasagot mo lahat ng mga katanungang nasa isip ko?"

Tumango siya. "Finally, na-gets mo rin."

Kunot-noo ko siyang tiningnan at inisip kung totoo bang kausap ko siya, o nababaliw na ako.

"Ano ba talaga ang totoo at hindi?"

Tumikhim siya at tiningnan ako nang deretso. "Everything outside your imagination is real. Nasa mundo tayo ng imahinasyon mo, at hindi totoong mayroon kang kakayahan na malaman kung ano ang puwedeng mangyari. Akala mo, ang lahat ng mga nangyayari sa imahinasyon mo ay mangyayari sa totoong buhay in the near or distant future, pero hindi iyon totoo. Ang dahilan kung bakit nagkakatotoo ang mga imahinasyon mo ay dahil 'yon ang gusto mong mangyari sa imahinasyon mong ito. Lahat ng pinagdaanan mo, imahinasyon mo lang, mukha lang totoo dahil nag-i-imagine ka habang nasa loob tayo ng imahinasyon mo. It's just like dreaming while you're dreaming. Gano'n kagulo ang lahat dahil gano'n ka kagaling. After this, you will forget everything. But by some miracles, maaaring may maalala kang kaunti mula sa imahinasyon mong ito."

"Ibig sabihin..."

"Ibig sabihin, lahat ng nakilala mo sa iyong adventure, hindi totoo. Some of them are real, but they're already gone."

Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Baka mamaya ay nililinlang niya lang ako.

"You met those people, but sadly, hindi talaga kayo nagkita ni Blythe." Ibinaba na niya ang kaniyang kamay at tiningnan ako.

"What do you mean they are real but they're gone?"

"They're dead, Kiel. Patay na sila. Lahat ng mga nabanggit ko na nakilala o mga naging kaibigan mo, wala na sila." Tiningnan niya ako nang seryoso at mukhang hindi siya nagbibiro.

Ibig sabihin, lahat pala ng inakala kong naging kaibigan ko at naging parte ng paglalakbay ko... matagal nang wala?

"Bakit?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Naaalala mo pa ba noong naaksidente kayo a few years ago? Of course yes, dahil hanggang ngayon ay traumatized ka pa rin." Tumango-tango siya at humawak sa kaniyang baba.

The Night We Met in IntramurosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon