21

11 4 0
                                    

COFFEE BUDDIES

TILA huminto ang mundo ko nang mabasa ang sulat na iyon. Matagal ko siyang nakasama pero hindi ko napansin na mayroon din siyang kakayahan katulad ng sa akin. Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kakayahan kong ito.

Parang puno na lang ng imahinasyon ang buhay ko. Hindi ko maintindihan, naguguluhan na ako pero may pumipilit sa akin na ituloy ko ang paglalakbay na ito, kahit maging ang buhay ko ay tila hindi na totoo.

Itinago ko ang sulat na galing kay Jiovanni bago ako magtimpla ng kape. Habang naghihintay na kumulo ang tubig, nag-check ako ng messages, umaasa ako na sana may makita ako kahit isang message ni Jiovanni, pero wala.

Dismayado kong ibinaba sa lamesa ang cell phone ko saka ako dumeretso sa banyo. Bubuksan ko pa lang ang pinto nang mag-ring ang cell phone ko. Somebody's calling me this early.

I checked my phone, tumatawag si Celeine.

"Oh, hello? Nandito na ako sa labas. Mabuti naman at gising ka na, papunta na rin ako riyan."

Matamlay pa ako dahil kagigising ko lang. "Sige, punta ka na, alam mo naman na itong kuwarto, 'di ba?" Naghikab ako matapos magsalita.

Pagkababa ko ng cell phone, tumuloy na ako sa banyo. Kumakanta-kanta pa ako habang naglalabas ng sama ng loob. Kasalukuyan akong nakaharap sa bowl nang marinig kong may pumasok sa kuwarto, siguradong si Celeine na 'yon. Nag-toothbrush na rin ako dahil nakakahiya naman kung lalabas pa ako sa banyo nang hindi pa nagsisipilyo.

"Nandito na ako," agad niyang sabi nang makapasok sa kuwarto. Narinig ko ang paper bag na inilapag niya sa lamesa, tila may baong meryenda.

Binilisan ko na lang at lumabas na ako ng banyo.

"Nagwo-work out ka?" Iyon din ang tanong sa akin ni Jiovanni noon.

"Ako?" Itinuro ko ang sarili ko. "Nope."

"Macho papa," biro niya, malamang ay tinutukoy ang biceps ko.

Hindi ako muscular guy, sadiyang payat lang ako at hindi tumataba. Lean ang katawan ko, hindi ako macho.

"Okay... Nasaan nga pala sina Allestair? Ang aga naman yata nilang umalis?" tanong niya at naupo.

"Hindi ko rin alam, wala na sila nang magising ako, eh," kibit-balikat na sagot ko.

Tumayo siya at kumuha ng isang order ng tapsilog mula sa paper bag. Alam kong iyon 'yon dahil nakasulat sa lalagyan. "Kakain na ako, ha? Nagugutom ako, hindi ako nakapagkape kanina pagkagising ko," paalam niya at ipinakita sa akin ang kinuhang pagkain.

Isinampay ko na ang tuwalya sa towel rack at pagkatapos ay kumuha na rin ng pagkain. Pero bago kumain, kinuha ko ang mainit na tubig at ibinuhos sa tasa na may laman nang kape.

"May kape kayo rito? Ako rin, timplahan mo ako," wika niya nang makita ang mainit na tubig.

Tinimplahan ko naman siya ng kape at dahan-dahang dinala sa lamesa ang mga tasa gamit ang dalawa kong kamay.

Ibababa ko na ang mga tasa nang biglang bumuhos ang kalahati ng laman ng isang tasa sa kamay ko. Hindi ako umaray pero napakagat naman ako sa labi ko at nasugat pa yata ito sa tindi ng pagkakagat ko.

"Wow, ang sexy mo naman mapaso," biro pa niya nang makitang kinagat ko ang labi ko. "May pa-lip bite."

Hindi ko siya pinansin at naghugas kaagad ng kamay dahil medyo malamig ang tubig sa banyo.

"Bakit kapag ako ang napapaso, para akong naghihingalong tuta? Ang unfair naman ng mundo sa akin," dagdag niya habang pinupunasan ang lamesa.

Napangiti na lang ako nang marinig ang sinabi niya habang nakaharap sa lababo.

The Night We Met in IntramurosTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang