Chapter 1

1.3K 45 5
                                    


Mitch POV


Naglalakad na ako ngayon patungong classroom habang nakayuko at niyakap ang mga libro ko. Wala kasi akong friends dito, ako lang mag-isa, gusto kong magalit dahil sa nangyari kanina pero pinipigilan ko lang. Ang aga-aga pa kasi, eh.


Mas important ang pag aaral ko kasi wala akong mapapala kapag away lang ng away, wala akong matutunan na leksyon sa ganung bagay. Nang makarating ako sa classroom, bumuntong hininga muna ako bago pumasok.


"Aahhh!" daing ko nang biglang may humarang na paa sa dinadaanan ko dahilan para mabagsak na naman ako ulit. Kasabay no'n ay ang pagtapon ng mga libro ko.
Nagkatinginan naman sakin ang mga estudyante dito sa room at tumawa.


"Hahaha!" Tawa nilang lahat. "Haha! Pangit na nga, lampa pa! Haha!"


Agad kong kinuha ang mga libro ko at dahan-dahan tumayo. Pagtayo ko, tiningnan ko lahat ang mga classmate ko. Ang iba, nagtawanan habang nakatingin sakin at ang iba naman ay nag chismisan tungkol sakin.


“'Wag mo silang pansinin, Mat. Soon, mapa-nganga sila sa kagandahan mo.”  sabi ko sa isip habang nakatingin parin sa mga classmate ko.


May nakita naman akong upoan sa harapan ko kaya naman lumapit ako doon at nilapag ang mga libro ko sa arm chair.  Ilagay ko sana ang bag ko sa upoan nang may humila sakin na lalaki pabalik sa kinatatayoan ko at dahil sa lakas nang paghila niya sakin, napasandal ako sa black board. Napatingin ako sakanila at laking gulat ko nalang na nakita ko na naman ang mga lima na bumangga sakin kanina..napansin ko naman na tumingin silang lima sakin.


"Tsk! Classmate pala natin 'tong nerd na 'to," Sabi nong isa habang nakatingin sa kaibigan nya at nakaturo sakin. "Hahah!"


Kinuha ng lalaki ang libro ko at inilahad niya sakin. Nakakatakot siyang tumingin kaya kahit gusto kong umiwas ay pinilit ko paring labanan ang tingin niya.


"Sa'yo ba 'to?" Maangas na tanong ng lalaki habang hawak ang libro ko, mabilis naman akong tumango at yung apat naman ay naka upo na maliban sa lalaking humawak sa libro ko.


Agad akong tumayo at kukunin na sana ang libro ko nang agad nyang binitawan. Agad
 naman syang umupo sa uupoan ko. HIndi ko nalang yun pinansin at kinuha ko nalang yung libro mula sa sahig at niyakap ko ulit. Naglalakad ako sa gitna habang naghahanap ng bakanting upuan. Hanggang sa may napansin akong upoan kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Lalapitan ko sana 'yun nang may lalaking mabilis pa sa alas kwatrong umupo doon kaya nanlumo ako.


“Grabe naman pala 'tong paaralan na 'to, parang pinag-lalaroan na ako, ah?"


Kaya pinatuloy ko nalang ang paghahanap ng bakanting upoan..napatingin ako sa kaliwa, kanan , kaliwa, kanan..at ayun.


Agad akong lumapit sa upoan na nasa likod at doon nalang umupo..napabuntong hininga naman ako nang sa wakas at may upoan na ako.


"Good morning, class." Tinig ng professor ang narinig ko at pa deri-deritso itong pumasok habang nagtungo sa gitna.


"GoodMorning, Prof." Bati sa mga kaklase ko maliban sakin. Hindi ko kasi alam na 'yun pala ang sasabihin kapag may dumating na tetser..


"Sorry, Prof. I'm late,"
Napatingin kaming lahat sa pinto nang biglang may nagsalita.


"Kyaaaaah! Oh my god! Si famous boy,"


The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now