Chapter 38

399 16 0
                                    

Mitch POV


Hanggang ngayon takbo parin ako nang takbo. Marami narin akong nabangga na tao, pero patuloy parin ako sa kakatakbo. Ewan ko kung saan ako pupunta. Habang sa pagtakbo ko, mahina nang pumatak ang luha ko agad ko ding pinunasan.


May mahal na pala si Patrick. Ni hindi ko din kilala, tangapin ko nalang yun kung doon sya sasaya.


Nang malayo na 'ko sa locker room, agad akong huminto sa clinic at lumapit naman ako sa pader at sumandal doon. Hinabol ko nalang ang hininga ko at tumayong tuwid. Napapikit mata nalang ako at sinandal ko narin ang ulo ko sa pader.


Bigla namang pumasok sa isip ko si Bakse. Shit! Nangako ako sakanya na babalik ako. Nako, anong oras na. Nagtatampo na 'yun sakin. Pinaghintay ko pa naman sya nang matagal.


Agad kong minulat ang mata ko at lalakad na dana nang may humarang sakin na tatlong lalaki. Na halos lahat ng katawan nila ay may tattoo. Napaatras nalang ako ng kunti.


"Hi, Mitch, kamusta ka na? Lalo ka yatang gumanda, ah?" Napalunok ako dahil sa sinabi ng lalaki sa gitna. Tiningnan naman ako sa paa hanggang ulo at halata sa mata nila ang pagnanasa. Shit!


"Hehehe. Ilang taon din kaming hindi nakatikim ng babaeng kagaya mo na maputi at maganda." Dagdag pa nya at lihim namang tumawa ang dalawa. Halos nanginginig na ang paa ko sa takot. Sana may dumating na tutulong sakin. Shit! Sa paaralan pa.


"S-Sino kayo?" Utal kong sabi. Patuloy naman akong umaatras-atras sa dinadaanan ko.


"Sino kami? Tsk! Bago namin sasabihin 'yun, sumama ka samin. Sasaya ka." sabi nya. Napalaki naman ang mata ko dahil sa sinabi nya. Alam ko kung anong binabalak nya.


"Ayuko." Takot kong sabi at tatakbo sana ako nang bumungad kagad ang mukha ni Red sa harapan ko.


"Red?" Utal kong sabi. Wala pang oras ay pumatak na naman ang luha ko. Hindi ko na alam kung and na ang nangyari sakin ngayong araw.


"Takbo!" Sigaw ng tatlong lalaki. Agad -gad naman silang tumakbo. Ewan ko nga kung bakit, eh.


"Okay ka lang?" Pag alalang tanong nya sakin. Tumango nalang ako kahit hindi ako okay dahil sa nangyari ngayong araw.


"Okay ka lang, Mitch?"
Napatingin ako sa likod ni Red nang may nagsalita at bumungad sakin yung apat na gangster.


Napalaki ulit ang mata ko at agad-agad umatras para makalayo sakanila, na baka sakaling saktan na naman ako.


"Nako! Nako! 'Wag kang matakot sa 'min. Wala naman kaming gagawing masama sayo, eh." Sabi ni Dark. Agad kong pinunasan ang luha ko at tumingin kay Red na nakatingin sakin habang nakangiti. Wala namang ngiting lumabas sa labi ko kaya agad akong umiwas.


Parang bumalik na si Red sa pagka-gangster nya, imposible din kung hindi, kung kasama nya naman ang apat.


"Ganun ba?" Sabi ko.


"Uhm, nga pala. Alam namim na sobra na ang pang-aapi namin sayo. Ni hindi nga namin binigyan ng katarongan ang ginawa namin sayo, eh, pero ngayon, hands naming gawin ang tama. Handa kaming magbago, sana mapatawad mo kami." Pasimuno ni Ashton.


The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now