Chapter 24

504 20 0
                                    


Patrick POV


Napakonot noo nalang akong umalis dahil sa hiya. Kainis kasi, eh. Umipal si Bakse, aamin na sana ako na mahal ko si Mitch kaso biglang naudlot. Ayan tuloy naging torpe ako. Takot kasi ako noon na umamin kay Mitch kasi baka busted-in nya lang ako. Pero okay lang na hindi ko na sabi, may araw pa naman, eh.


Ewan ko kung saan ako pupunta ngayon, tapos na ang exam at bukas na malalaman ang top 10 Masteris Exam Student. Sana nga makuha ako. Sana maging top 1 parin ako, kasi sa lahat ng grading, always akong top 1 kapag exam. Eh, si Mat makuha kaya sya??


Naglalakad na 'ko ngayon. Ngunit biglang huminto ang mga paa ko nang nakita ko sina Russell, Dark, Ace, at Ashton na papunta rin sa dereksyon ko. Kaso bigla din
Silang natigilan nang nakita nila ako, halos silang apat nakatingin sakin..


Pwes, hindi ako natatakot sakanila, 'no. Wala namang katakotan, 'di ba? Kasi hindi naman sila dapat katakotan. Bakas din sa pagmumukha nila ang pagkonot noo.


Teka, parang kulang. Asan si Red? Parang hindi ko na sya nakikitang sumasama sakanila. Laking pinagbago nya.


"Tsk! Ano, tunganga ka lang diyan, Trick?" Patawang sabi ni Dark. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya. Lumakad nalang ako, lalagpasan ko sana sila kaso hinila ako ni Dark at tinulak.


"Gago ka, ah?! Ano bang problema mo?" Minumura talaga ako ng mga ito.


"Hindi pa tayo tapos. 'Wag mo kaming tatalikoran, ah? Ayaw namin nang magkausap taps binabalewala na lang na parang walang nangyari!" Sabi ni Ace. Tumawa ako nang nakayuko bago sila tingnan.


Aba!


"Bakit? Sino ba kayo para hindi ko pwede talikuran? Estudyante lang naman kayo dito, 'di ba? 'Wag kayong mag-isip na parang tiretoryo niyo 'to." Maangas kong sabi at unti unti ko rin silang nalagpasan. Iniwan ko naman sila na nakatulala na para bang estatwa.


Tsk! Akala mo kung sino. Akala nila papatulan ko sila? Tsk! Hindi ako bakla para pumatol sa lalaki.. Lalaki din ako na pumatol sa babae. Stick to one kaya ako.. Kala mo naman kung sinong hari. Eh! Wala namang modo.


Papunta na 'ko ngayon sa gym, para maglaro ng basketball. Pagpasok ko, huminto muna ako at hinanap ko sa mata ko sina Drake. Hanggang sa napadpad sa kabila at nakita ko si Mat na naglalaro ng bola na pam-volleyball. Napangiti na lang akong pinagmasdan s'ya.


"Pat!"


Napalingon ako sa kaliwa nang sinigaw ni James ang pangalan ko, nakita ko naman na katabi nya si Drake na naglalaro din ng bola. Agad naman akong lumapit.


"Oh, ba't kayo lang? Nasa'n na 'yung ka-teammate natin?"  Tanong KO. Practice namin ngayon kaso nagtaka ako kung bakit silang dalawa lang.


"Naku, Trick! Nilagnat si coach, kaya hindi muna matuloy!" Sabi ni Drake at tumigil sa pagtatalbog ng bola. Konot noo akong nakikinig sa kanya.


"Oh, ano naman ang gagawin natin dito?" Ano pa nga ba ang dapat gawin dito, eh, wala naman pala si coach. Mas mabuting umalis na lang kesa magtambay dito, tapos naka-upo lang ng ilang oras.


"Ano pa nga ba, e 'di uupo!"


Hayst! Kainis naman, oh. Boring naman!
Wala naman akong magagawa dito ehh. Kaya umalis nalang ako. Simula narin akong tumalikod at kunting sulyap kay Mitch na ngayon ay nagtatawanan sila sa mga volleyball team nya.


"Patrick! Saan ka pupunta?" Sigaw ni Drake pero patuloy parin ako sa paglalakad at lumabas ng gym.


Kahit pagod ay pinilit kong maglakad papuntang locker room.


Red POV


Naglalakad ako ngayon, papunta sana ng gym. Ngunit bigla akong nahinto nang nakita ko sina Nicole, Zera, at Anjie.
Napahinto narin sila at tumingin sakin. Shit! Ayuko munang makausap sila ngayon.


Agad naman akong tumakbo sa kabilang dereksyon naman ako nagtungo. Ngunit, ramdam ko din na hinabol nila ako.
Kung saan-saan nalang ako tumatakbo.
Hindi ko din alam kung saan ako patungo.
Basta ayuko muna silang makausap. M Hanggang sa napigilan nila ako at hinarangan.


"Bakit ka tumakbo?! Gago!" Hingal na sabi ni Zera. Pati rin ako hinabol ko rin ang hininga ko. Pati rin ang dalawa.


"Teka, bakit parang nanlamig ka na samin? Iniiwasan mo ba kami?" Tanong ni Nicole.
Napayuko naman ako dahil sa sinabi nya..
Tsk! Ayuko sa ganitong usapan.
Makakaalis na nga lang.


"Wala ako sa mood. Kailangan ko ng umalis." Walang gana kong sabi at tatalikuran sana sila kaso pinigilan ako ni Anjie sa braso.


"Teka, may nagawa ba kaming mali? Bakit ka ba ganyan?" Pigil ni Anjie sakin. Muli akong lumingon sakanila at inalis ang kamay ni Anjie sa pagkakahawak nya sa braso ko.


Napapagod na 'ko sa manila ehh. Ayuko nang umaapi ng kapwa tao. Nagbago lang ako para kay Mitch at mapansin man nya ako kahit sandali ay sapat na sakin yun.


"Uhm, pasensya na kayo. Ayuko na talaga sa grupo niyo. Hindi ko na kasi kaya ang mga ginagawa natin, eh! Boung puso kong sinisisihan ang umaapi ng mga inosenteng tao!" Sabi ko. Bigla namang nandilim si Nicole sa mga sinasabi ko.


"Ha! Umalis ka nang dahil do'n? Red, limang taon na nating ginagawa ito, ngayon ka pa ba susuko? Madali lang naman–"
Hindi na tuloy ang sasabihin nya nang pinutol ko.


"Madali lang sa inyo, pero sakin hindi! Kung aapihin ko ang mga tao, pakiramdam ko parang pati sarili ko, inaapi ko na rin. Kung bugbugin ko, pati sarili ko, binugbug ko na rin! Nicole, ayuko nang maging masama! Gusto ko nang mag-bago!"  Natigilan naman silang tatlo at naging tulala sila dahil sa sinabi ko.


"Aalis ka talaga? Pero, Red..." Hindi natuloy ang sasabihin ni Zera nang pinutol ni Nicole.


"No girl. Kung 'yun ang gusto niya, pagbigyan natin. Baka iiyak lang 'yan dahil hindi natin pinayagan. Okay, segi, mas mabuting umalis ka na lang. Hindi ka na rin namin kailangan." Putol nya sa sasabihin ni Zera. Tumingin naman sila sakin at tinarayan ako bago nila ako tinalikuran.


Tama. Tama Red. Tama yung ginawa mo. Mas mabuti pang umalis nalang sa impyernong grupo at muli ka nang magbago, para lang kay Mitch. Pero ang problema ko, may gusto kaya si Mitch sakin?


Muli narin akong naglalakad at nagtungo sa locker room. Pagdating ko do'n, nakita ko kagad si Patrick na may kinuha mula sa loob ng locker nya. Napatigil ako sa biglang pagsulpot siya dito kaya napatingin naman sya sakin.


Nagtungo nalang ako sa locker ko at binuksan yun. Tanging kami lang dalawa ang tao rito.


"Sa tingin ko naman, may kaagaw ka na." pasimuno ko habang may kinuha ako na isang libro. Napansin ko rin sa gilid ng mata ko na lumingon sya sakin. Tumingin naman ako at sinara ang locker. Bakas naman sa mukha nya ang galit.


"Kaagaw? Tsk! Kahit may kaagaw ako, mapasakin pa rin ang bagay o tao na 'yun... at kung sino man ang kaagaw ko, malamang talo na siya. Nakuha ko na Kasi ang labi niya, eh." Sabi nya na may halong pahmamayabang habang nakangiti. Nagulat naman ako at halos hindi makagalaw. Pero ayukong maniwala.


"Talaga lang, ah?" Ngumiti naman sya at dahan-dahan lumapit sakin.


"Mapasakamay ko rin ang puso niya, Red, kaya 'wag ka nang umasa. Hangga't maaga pa, tumigil ka na." Sabi nya na may ngiti sa labi. Bago sya umalis ay tinapik nya ang balikat ko, tsaka tinalikuran.


Bigla akong nataohan sa sinabi nya. Parang sinaktan na 'ko dahil sa sinabi ni Patrick. Hirap naman pala kapag ganito. Yong mahal mo ay may nagmamahal din, tapos ang angas. Tsk! Kahit kailan Hindi ako titigl kahit mag agawan pa kami.


©Itsme_kwenny

To be continued...

The Nerd Pretender [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu