Chapter 34

412 16 0
                                    

Mitch POV


Kinabukasan...


Ngayon nasa tapat ako ng school, sobrang kinakabahan na 'ko. Ito na kasi ang final. Matatanggap ko naman kung talo talaga ako. Kasi yun naman ang nasa batas 'di ba?Tsaka kung manalo si Nicole, congrats sakanya. Baka wala talagang magkakagusto sakin na maging Queen Bee.


Bumuntong hininga naman ako at bumuga ng hininga. Inayus ko naman ang sarili ko at inayos na rin 'yung buhok ko at sinoklay ko sa pamamagitan ng hintuturo ko, bago ako pumasok.


Napahinto muna ako saglit nang nadatnan ko doon ang mga maraming tao na nakapula kagaya ng damit na sinoot ko ngayon.


Lalakad sana ako nang may humawak sa braso ko kaya agad kong nilingon yun at bumungad sakin si Drake at napansin ko sa mukha nya ang takot at pag-aalala.


Humarap naman ako sakanya. "Oh, Drake, ikaw pala. Saan si James at Bakse? Bakit hindi mo sila kasama?" Kunot-noo na tanong ko sa kanya.


Bago sya nagsalita, tumingin sya sa kanan at kaliwa, napakonot noo ako sa reaction nya at laking gulat ko na agad nya akong hinila sa isang sulok na walang makakita samin.


Ano bang balak sa lalaking ito?


"Alam mo na ba?" Tanong nya. Bigla akong nagtaka at muling nakunot ang noo ko. Ano bang pinagsasabi nya?


"Ang alin ba?" Tanong ko.


"'Yung paper list mo!" Sabi nya. Ano namang meron don?


"Oh, ano namang problema sa paper list ko?"  Takang tanong  sa kanya.


"Mitch, ako nga e nagtaka rin ako kung bakit naging 250 papers na lang ang natira sa paper list mo! Kahapon tama naman 'yung pagbilang namin ni James at Bakse. Nasa 500 list 'yun, pero ngayon naging kalahati na lang!" Sabi nya.


"Ano?!" Halos sasabog na ang tinga ko dahil sa sinabi ni Drake. Hindi ako makapaniwala, naging kalahati nalang? Tsk! Imposible naman yata yun.. Sino naman ang kukuha sa iba kong list? Wag nyong sabihin na may kinalaman dito si Nicole! "Tsk! Drake, 'wag mo nga akong biro-in ng ganyan!"


"Hindi Mitch, totoo ang sinasabi ko. Kaninang umaga kasaba ko si James papuntang locker room dahil doon lahat nakatago ang list niyo ni Nicloe. Tapos pagdating namin do'n, bukas ang pinto ng locker at nakita namin na makalat na ang list mo!" paliwanag nya.


Hayop! Kung sino man yun, papatayin ko talaga ang may gawa no'n. Ipapahiya ko talaga sya sa boung campus kahit kaharap ko pa ang master teacher dito. Kapal ng mukha nya.


"Announcement!" Sabay sabay kami ni Drake napalingon sa mega phone na nakasabit sa kisame. "Queen Bee representative and student. Please, go to the gym because we're going to start."


"Tara," sabi ko. Tumango naman sya at sabay-sabay kaming tumatako.


Hingal hingal kaming tumakbo ni Drake papuntang gym. Agad-agad kaming pumasok at laking gulat ko na maraming tao dito.. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko sa kabila si Bakse at James na nakatayo at bakas sa mukha nila ang takot.


Agad akong lumapit sakanila, sumunod naman sakin si Drakerake. Napalingon na rin samin ang dalawa at sinalubong ako.


"Mitch, sorry talaga. Hindi namin nabantayan ang list mo. Nagtaka na nga rin kami, eh." Sabi ni Bakse na halong pagsisisi ang tono ng boses nya.


The Nerd Pretender [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن