Chapter 30

493 18 0
                                    

Nicole POV


Nasa hospital kami ngayon, sa loob ng kwarto ni Zera dahil sa pagtulak ni Red sakanya at bigla syang nabagok sa samento. May nakabalot din na scarf ang ulo nya.


Inis na inis na ako dahil sa nangyari kay Zera. Si Red naman ang may kagagawan nito, eh, magbabayad sya sa ginawa nya.


Nakaupo ako ngayon at kaharap ko si Zera na ngayon ay wala paring malay. Yung apat naman ay nakaupo sa may couch at si Anjie din ay nasa kabila nakaupo din kagaya ko.


"Haay. Hayop talaga ang Red na 'yun. Mapapatay ko talaga siya!" taray na sabi ni Dark. Napatingin naman kaming
dalawa ni Anjie sakanya.


"Tsk! Kahit anong gawin mo, talo ka pa rin. Magaling magkarati si Red." sabi ni Anjie. Muli akong napatingin sakanya. Sana naman okay lang si Zera.


"Nicole!" Tawag ni Ashton, agad akong lumingon.


"What?"


"Pinag-iisipan mo na ba ang pagiging Queen Bee mo?" Tanonh ni Ashton.
Bahagya naman akong napangiti na demonyita. Noon pa lang nasa isip ko na yan.


"Don't worry, pinag-isipan ko na 'yan, Ash." sabi ko.


"Sino naman ang King Camp.?" tanong ni Anjie. Lumingon naman ako sakanya.


"Kailangan pa bang itanong 'yan? Syempre si Patrick ang pipiliin ko, and that's final." sabi ko.


Wala naman silang ginawa kundi tumahimik na lang. Napatingin ako kay Ace na ngayon ay nakatitig sakin. Agad nalang syang umiwas at bakas sa mukha nya ang lungkot.


Problema nya? Felling ko kasi may sasabihin sya, ehh. Sa mata palang, parang may salitang nakatago pero ayaw nyang ipalabas, lalo na sa bibig.


"Uhm, Ash? Pwedeng ikaw muna Ang magbantay kay Zera? Papasok lang kami." sabi ko. Tumingin naman sya sakin at agad tumango. Tumingin din ako ni Anjie.


"Tara," sabi ko tumango naman sya at tumayo. Ganun din naman ako at sina Ace, Dark at Russell din.


Tsaka kami lumabas sa kwarto at iniwan si Ashton doon. Sya yung ipagbantay ko kasi alam kung may gusto sya kay Zera. Hindi nya maamin kasi nahihiya sya. Natakot kasi sya kay Zera dahil mabilis daw yun magalit, OA nga naman. Torpe naman 'tong si Ash.


Nang nakarating kami sa school, ay agad akong lumabas ng kotse. Sasakyan ni Ace ang ginamit namin kasi mabilis daw tumakbo.


Kasabay ko sa paglabas si Anjie, sumunod naman yung tatlo. Tahimik kaming pumasok. Napahinto kami nang biglang nagsi-atrasan ang mga estudyante no'ng nakita nila kami. Bigla akong nagtaka sa nangyari dito at may narinig akong bulongan.


"Tsk! Hindi naman siya bagay maging Queen Bee, eh."


"Oo nga, ang mas bagay ay si Mitch."


"Oo kasi maganda hindi katulad sa slut na 'yan."


The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now