Chapter 2

1K 36 1
                                    


Mitch POV


Ngayon nag lalakad ako pauwi ng bahay, matapos ang boung klase. Hindi na ako nag-pakuha ng sundo sakin, gusto ko lang mag-lakad mag-isa, pampa wala ng stress.


Habang naglalakad ako, kayakap ko ang libro ko. Tinaggal ko na rin ang wig ko at sinulod iyon bag. Sobrang layo ko na rin sa paaralan kaya nagawa kong ihubad 'yun. Ngayon, kitang kita na ang straight hair KO. Maliban lang sa reading glasses ko na suot ko pa. Kasabay na din sa pag agus ng luha ko.


Hindi ko kasi makalimutan ang mga nangyari ngayong araw. Akalain nyo, Whole day akong inaapi nang mga estudyante sa David Hence University (DHU). Ewan ko kay daddy kung bakit sa paaralan na 'yun pa 'ko pinaaral. Hindi naman ako bagay doon.


"Grabe naman sila. Palagi nalang akong binubully. Bukas, malamang bulongan na ang nadatnan ko. Kundi, sabunut." sabi ko habang umiiyak. Pinunasan ko naman ang  luha ko. Tinanggal ko naman ang reading glasses ko upang linisin.


"Mat!"


Napatigil ako sa paglalakad at paglinis ng salamin ko nang may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa likod ko at bumungad ang gwapo kong pinsan. Si Blake.


"Hi, teka, umiiyak ka ba?" Taka nyang tanong. At hinawakan niya ang kaliwang braso ko gamit ang kaliwa nyang kamay upang silipin ang mukha ko kung umiiyak ba.


Siya si Blake James, his is my cousin. The same age lang kami at magkasing tangkad din. Hindi siya sa DHU nag aaral, sa Wilston University (WU) siya nag aaral dahil puro daw masama sa DHU. Isa syang heartrob doon at napakabait niya. Isa din siya sa nagka-crush sakin. Ewan ko ba! Alam niya namang bawal 'yun, 'di ba? Sabi niya pa nga: “Crush lang 'yun, Mat. At hanggang doon lang 'yun kasi alam kong bawal dahil mag-pinsan tayo!” 


Imbes na nandidiri ako ay tinawanan ko nalang siya. Ewan ko ba, hindi ko yata kayang magalit sakanya.


"Ha? Hindi, hindi ako umiiyak!" Tanggi ko. Agad kong binawi ang braso ko at mabilis ko siyang tinalikuran kaya naman binilisan ko ang paglalakad.


"Wee? 'Di na? Teka, bakit ka nag salamin ng ganyan? May sakit ka ba sa mata? Tapos, pinakapal mo pa ang kilay mo," Sabi nya..agad akong napatigil sa paglalakad upang lingonin siya .


"Nag-panggap akong Nerd sa DHU, eh."


"Ha? Bakit naman? Kilala mo naman ang paaralang 'yun, hindi ba? Aapihin ka nila doon," maktol niya na halong pag-alala. Pinatuloy ko nalang ang paglalakad at bumuntong hininga.


"Bahala na. Malalaman din nila soon," Kalmado kong sabi. Naging matunog naman ang pagiging hininga ni Blake at batid kong nag-alala siya sakin.


"Tsk! Sana man lang pinilit mong pigilan ang daddy mo na ipasok ka sa paaralang iyun. Tutal, malaki kana at alam kong kaya mo ang sarili mo. Basta mag-ingat ka do'n, ah?"


Ngumiti naman ako at tumango.


*Fastforward*


Nasa tapat na kami ng bahay dito sa may gate. Huminto naman ako at hinarap siya. Malapit lang bahay nila dito at tingin ko ay makakalagpas pa siya ng limang bahay bago siya makarating sakanila. Kaya naman, hindi na kami mahirapang dumalaw sakanila.


"Uhm, hindi ka ba papasok?" tanong ko. Tumingin naman sya sa bahay tsaka niya ako tiningnan.


"Hindi na, may pupuntahan pa kasi ako eh," ngiting sagot niya. Hindi nako nagpaligoy ligoy pa at tumango nalang.


The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now