Chapter 23

490 22 0
                                    

Hindi ako makapaniwala na hinalikan ako ni Patrick. Kanina pa ito kumakabog ang dibdib ko, pero bakit nga ba romesponde? Hindi ko matiis ang halik nya, galing nya pa lang humalik. First time ko yun at siya ang nakakuha.


Nandito ako ngayon sa room. Iniisip ko parin yung nangyari kahapon samin ni Patrick sa clinic. Hindi nga ako nakatulog nang maayos kagabi sa kakaisip sa nangyari.


Nakaupo ako sa upoan ko habang nakapatong yung siko ko sa arm chair at pinatong ko naman ang ulo sa kamay ko.
Tulala lang akong nakaupo at nilalaro yung ballpen.. Examination na namin ngayon. Kaya hindi muna ako naglakwatsa.


Napatingin ako sa pinto nang pumasok sina Nicole, Zera at Anjie. Napahinto narin sila at tinignan ako ng masama. Maya-maya pa ay nagsimula silang tatlo na lumakad papunta sa upoan nila at umupo.


"Ang akala lang niya, mapasali siya sa top ten masteris examination." Rinig kong sabi ni Nicole. Napatingin ako sakanila na sinusulyapan ako at alam kung ako ang tinutukoy nila. Napataas naman ang kilay ko.


"Yeah. Sigurado akong bagsak ang bobo na 'yan." Taray na sabi ni Zera at tumingin sakin na napataas ang kilay.


Tsk!! Akala nila bobo ako. Baka sila. Kahit mahirap ang mga tanong sa test paper, masasagot ko parin yan. Babagsak? Tingnan natin kung sino ang mas magaling.


"Andaming insecure sa mundong 'to, grabe! Akala mo kung sinong maganda, eh, ang papangit naman ng ugali." Pangiti kong sabi habang sila ay masamang nakikinig sakin. Bakas naman sa mukha nila ang galit na para bang sabunutan na nila ako.


Akala nila magpapatalo ako? Pwes, hindi kahit sa harap pa ng guro. Napansin ko naman na inis na tumayo si Nicole at lumapit sakin, kaya agad akong tumayo.


"Anong sabi mo?" Sabi nya at tinulak ako sa kabila kong dibdib, pero tinarayan ko lang siya.


"Oh, bakit? Sino ba ang nag-umpisa? Nasaktan ka ba? Pasensya na, nagsasabi lang ako ng totoo." Sabi ko kaya mas lalo naman syang nagalit dahil sa sinabi ko.


"Hayop ka!" sabi nya at aakmang sasampalin sana ako nang may sumigaw.


"Nicole!"


Napalingon kaming dalawa sa pinto nang sumigaw si Prof. Kasama nya naman yung gangster at pati si Patrick na ngayon na panay titig sakin. Umiwas naman ako kagad at umupo, pero nanatili paring nakatayo si Nicole sa kiliran ko.


"Ang aga-aga, away na ang inaatopag niyo!" Galit na sabi ni prof. at pumunta sa gitna. Napansin ko naman na umupo yung mga gangster at pati si Nicole. Napansin ko rin na nagtungo si Patrick sa dereksyon ko at patungo sa kinauupoan nya na nasa harap ko lang.


Hay! Torpe yata 'to. Alam ko naman, eh, na may gusto sya sakin, hindi nya masabi. Ramdam ko kaya 'yun . Hindi naman nya ako hahalikan kung walang dahilan, 'di ba? Impossible din na wala syang nararamdaman sakin. Gusto ko rin naman sya, eh. Noon pa, kaya tudo deny ako kapag magkatagpo kaming tatlo ni Red.


"Okay, good luck."
Bigla akong nataohan nang may test paper na pala ang arm chair ko. Kaya inumpisahan kong sinagot 'yun.


Pagkatapos naming sagotin 'yun sa loob ng isang oras, agad naming binigay ni Prof at no'ng biglang nagbell ay sabay-sabay kaming nagsilabasan ng classroom.


"Lord, sana ma-passed ako. Please, sana mapasali ako sa top ten masteris." bulong ko sa sarili ko habang pumikit na naglalakad.


"Mitch, sandali!"


Nagulat ako nang may nagsalita at hinila ako sa braso. Paghila nya sakin ay napasandal ako sa dibdib nya. inangat ko naman yung ulo ko upang alamin kung sino  'yun at laking gulat ko na lang bumungad sakin si Patrick. Dahil sa hiya, agad akong kumalas at lumayo nang kunti.


"Patrick, ikaw pala. Nakakagulat ka naman." Sabi ko.


"S-Sorry nga pala sa nangyari kahapon sa clinic." Kabadong sabi niya. Buti naman at nasabi mo yan.


"Ah! Naku! Okay lang 'yun. Alam ko naman na hindi mo 'yun sinadya, 'di ba?" Sabi ko. Hindi naman sya sumagot agad at muling tumitig sakin.


Naku! Alam ko na ang ganyan nya, eh. Yun bang tumitig sya na para bang may gustong sabihin. Naku! Parang mamamatay na 'ko sa titig nya. Agad akong umiwas..


"Bakit ganyan ka makatingin?" Utal kong sabi na ikinapikit ko. Shit. Bakit pa 'ko nautal. Pero hindi man lang nya ako sinagot at mata lang sa mata ang ganawa nya.


"Mitch!"


Sabi nya. Muli akong nabuhayan dahil sa sinabi nya. Kaso nakatitig parin, eh. Hinintay ko naman ang salita nya kung sakaling may sasabihin pa.


"Mitch, hindi ko na talaga mapigilan ang nararamdaman ko sayo." Sabi nya. Napalunok naman ako. Shit! Ito na ba?
Aamin na ba sya? Kaya hinintay ko ulit ang dagdag nya.


"Mitch... Mah–"


Hindi natuloy ang sasabihin nya nang biglang may sumigaw sa pangalan ko.


"Mitch!"


Agad ko namang nilingon yun at nakita ko si Bakse na nakangiting papalapit sakin.


Ano ba yan. Ayan tuloy kindi natapos ang sasabihin ni Patrick. Ito kasing si Bakse, eh. Umepal, kainis! Kaya muli akong humarap kay Patrick.


"Uhm, ano nga uli 'yung sasabihin mo?" Tanong ko. Napakonot noo naman sya habang napakamot sa likod ng leeg nya at tumingin sakin.


"Wala! Nakalimutan ko, eh." Sabi nya.
Tumango nalang ako at nagtataka..
Impossible naman.


Napatingin na lamang ako sa tabi ko at nakita ko si Bakse. "Halika na," sabi nya
Saan naman kami pupunta?


"Uh, segi, alis na 'ko." Paalam ko sakanya at muling tinalikuran. Naglalakad naman ako at ramdam ko naman na parang hindi nya nakalimotan ang sasabihin nya.


Muli akong napahinto napatingin narin sakin si Bakse at nagtaka sya kung bakit kami huminto. Hindi ko nalang sya pinansin at lumingon ako kay Patrick na ngayon ay nakataliko nang naglalakad at napakamot ulo sya. Lihim naman akong napatawa.


Unti-unti narin akong umiwas at nagpatuloy sa paglalakad.


©Itsme_kwenny

To be continued...

The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now