Chapter 40

505 18 0
                                    

Mitch POV

Agad nalang akong umuwi pagkatapos akong pasyalan ni bakse sa school. Hanggang ngayon hindi parin umalis sa mukha't isip ko ang lungkot. Kasi naman ehh. May gusto na pala si Patrick na iba. Akala ko magugustohan nya ako.
May haranang magaganap, pero hindi ko alam kung kailan, hindi ko din alam kung saan, sa gym ata. Pero okay lang sakin yun kung doon sya sasaya.

Mahal ko pa naman si Patrick, pero may mahal syang iba. Ako na naman yata ang may reserba sa pag-ibig.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong lumabas ng kotse. Oo nagpasundo lang ako, pagod kasi ako, eh. May lima kasi kaming kotse, isa sakin dyan ay yung auto na kulay itim. Madalas ko lang yun magagamit kung kinakailangan. Ang van nalang ang magagamit namin na kulay puti.

Agad kung binuksan ang maliit na pinto sa gilid ng gate at pumasok. Nandatnan ko doon ang kapatid ko at yung pinsan kong si Blake na naglalaro ng vedio game.

Sabay-sabay silang napalingon sakin. Siguro naman napansin nila ako nang malakas kung sinara ang pinto.

"Ate Matty!" Sabi ni Zayne habang nakangiti kaya ngumiti ako. Napansin ko naman na tumayo sa Blake at lumapit sakin.

"Kamusta ka, 'insan? Tagal mo namang umuwi. Ay! Tsaka nga pala... Happy Birthday!" sabi nya at sumigaw sa bandang huli kay nagulat ako nang agad nya akong niyakap.

Oo, two days left birthday ko na. Sana nga magcelebrate si mommy dahil hindi ko talaga naranasan ang birthday na may suprisa. Kahit isang araw lang.. hindi ko din alam kung anong mararamdaman ko kapag may suprisa. Dream ko talaga yun. Wish ko nga na sana may mag-surprise sakin kahit gulatin lang ako ng 'happy bithday' sapat na sakin yun.

"Hindi pa birthday ko, 'no. Sa byernes pa! Saka, anong ginagawa mo dito? Akala ko ba babalik ka ng U.S?" Konot noo kong sabi bago kumalas sa yakap ni Blake.

"Tsk! Oo nga, pero bago ako pupuntang U.S, batiin muna kita. Friday din kasi ang flight ko." Sabi nya. Biglang sumimangot ang mukha ko dahil sa sinabi. Kung kailan naman kaarawan ko, kusa ding mawawala ang mga mahal ko.

"Kung sumama ka kaya sakin?" Suggest niya.

"Ano?"

"Tutal, gusto mo naman mag-celebrate, 'di ba? Doon na lang natin e-held sa states." Sabi nya.

"No! Ayuko!" Taray kong sabi at aakyat sana papuntang itaas kaso nagsalita si Blake.

"Ayaw mo bang makasama ang mga parents mo do'n? Isama natin si Zayne. Sagot ko na ang ticket." Sabi nya kaya agad naman akong lumigon sakanya.

"Sorry, pero ayuko talaga, Blake. Dito lang muna kami ng kapatid ko. Nandito naman si Yaya Rosie, eh. Saka, dito ko na lang ipagpatuloy ang pag-aaral ni Zayne. Sa pinag-aralan ko siya ipasok." Paliwanag ko.

"No!" Sigaw ni Zayne na ikinalilingon namin. "Ate Mat naman! Ayuko dito mag-aral! I want to see mom and dad. I want to spend more time with them!"

"And I want you to be here with me. Zayne, bilin sakin ni Mommy na aalagaan kita dito sa pinas. At bilin naman sakin ni Dad na dito ka mag-tapos." Sabi ko. Bigla naman syang napasimangot dahil sa sinabi ko.

"Okay fine," Sabi nya at pinatuloy ang paglalaro ng vedio games. Muli king binaling ang tingin si Blake, tsaka ako lumapit.

"Next time na lang, Blake. Mag-ingat ka." Sabi ko. Ngumiti naman sya at tumango. Ganun din naman ako.

The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now