Chapter 16

555 21 0
                                    

Patrick POV


Nandito pa rin kami sa CCTV room, kasama
ko pa rin si Bakse. Naninigurado lang kami kung talagang si Nicole ang may kagagawan nitong lahat.


"Hindi ako nagkakamali, Pat. Si Nicole at Zera talaga ang may kagagawan nito!" Sabi ni bakse habang ako ay nanatili paring nakatingin sa vedio.


Biglang may naalala ako nong pinagbintangan si Mitch na sya daw ang nagkalat sa office ni Mr. Luke, kailangan ko yun malaman.


"Uh, manong, pwede po bang tingnan namin 'yung video noon sa room 105 ni Mr. Luke." Sabi ko. Agad ding senerch nya ang room ni Mr. Luke sa room 105. Maya-maya pa ay pinakita niya samin.


Kitang-kita ko sa video na si Nicole, Zera at Anjie ang nagkalat, pagkatapos ay agad silang tumakbo.


Tama nga ang hinala ko. Si Nicole nga ang may pakanan nito. Bakit nya nagawa yun? Sinungaling ang babaeng yun, ah? Lahat nang ginagawa nya ay si Mitch ang pinagbibintangan. Shit!


"Kailangan kong puntahan si Nicole." Dali akong lumabas sa room na yun, sumunod naman sakin si bakse.


Nicole POV


Nasa gym kami ngayon ni Anjie at Zera. Nag volleyball lang naman kaming tatlo.


"Nicole, sa tingin mo ba, patay na si Mitch ngayon?" Tanong ni Anjie, napatingin naman ako sakanya.


"Well, sa baho ng usok no'n, sa tingin ko, Oo. Haha!" Demonyo akong tumawa.


"Hahaha! Mas mabuti ngang mawala ang pangit na 'yun, eh." Sabi ni Zera at tumawa naman kaming tatlo.


Tsk! Nice one, Nicole. Nagawa mo talaga!Sana mapatay na ang impaktang yun, marami na syang inagaw mula sakin.
Pati si Patrick.


"Hoy, bruha! Nicole!"


Napatigil kaming tatlo sa kakalaro nang tinawag ang pangalan ko at bumungad sakin si Bakse at Patrick na papalapit samin.


Nagulat naman ako nang agad akong sinabunutan ni Bakse sa buhok at sinapak.


"Agh! Aray!" Daing ko habang patuloy paring sinabunutan ni Bakse ang buhok ko.


"Hayop ka! Napakadesperada mo! Mamatay ka sana!" Taray na sabi ni Bakse habang sinapak at sinabunutan ang buhok ko.


Napansin ko naman na inawat ni Zera at Anjie si Bakse kaso sa sobrang lakas ni Bakse, pati yung dalawa ay sinabunutan niya


"Aray! Ano ba!" Sigaw ni Zera habang sinabutan parin sya ni Bakse.


"Bakse, tama na 'yan! Ano ba!" sigaw ni Patrick. Agad kaming napatigil nang hinila si Bakse ni Patrick papalayo samin kaya agad din kaming tumayo. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.


"Nicole, totoo ba na ikaw ang nagpakulong kay Mitch sa loob ng room 104? Hindi mo ba alam na muntik ng mamatay si Mitch dahil sa kagagawan mo?"  Bigla akong kinabahan dahil sa boses niya. Halatang galit na galit siya sakin. Alam na niya?


"A-Ano? Patrick, hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Wala akong kinalaman diyan." Utal kong sabi .. Dahil kinabahan na talaga ako.


"'Wag ka ng magdeny, bruha ka! Kitang-kita na namin sa cctv na ikaw at si Zera ang napakulong kay Mitch!" Sigaw sakin ni Bakse.


"Bakit nyo ginawa yun?. Innocente yung taong dinadamay nyo. Wag nyo ngang idadamay si Mitch sa ka-cheapan nyong tatlo. At nong sa room ni Mr.Luke, kayo pala ang may kagagawan non? May gana kapang magsinungaling.!!"  Taray na sabi ni Patrick sakin.. Pero tudo iyak parin ako.
Kahit papano Hindi ako titigil sa pang aapi Kay Mitch..


"Oo, ako ang gumawa no'n! Ano naman sayo?" Matapang kong saad.


"Ha! Naririnig mo pa ba ang sarili mo Nicole? Buhay ng tao ang kinalaban mo! Anong klasing tao ka at ginawa mo 'yun?! Kung gusto mong maging mamamatay tao, umalis ka sa paaralang 'to at 'wag ka ng babalik!"


"Pero hindi ko magawa kasi alam kong may kinabukasan ka pa. Ayuko pang magkaproblema ang mga magulang mo, baka ako pa ang papagalitan dahil sa ginawa ko. Pasalamat ka at buhay pa si Mitch, dahil kung hindi, ipapakulong talaga kita!" Sigaw niya sakin habang tinuro-turo ako. Hindi ko maiwasang maluha dahil sa mga sinasabi niya.


Parang felling ko nga nakakulong na 'ko sa prisinto. Alam ko na mali ang ginagawa ko. Sobrang mali. Hindi ko lang kasi maiwasang magalit sakanya.


Maya-maya pa ay tumalikod na si Patrick at Bakse––at iniwan kami dito. Nagroll eyes naman ang bakla sa amin Sabay flip hair kahit wala nalang buhok.



Dahil sa tudo iyak ko, biglang nanlabo ang paningin ko at wala na 'kong makita. Hanggang sa bumagsak ako pero agad akong nasalo sa dalawa.


"Nicole? Gising, Nicole!" Tarantang sabi ni Zeta at tinapik pa ang pisngi ko. Hanggang sa tuluyan na 'kong nawalan ng malay at all went black.

©Itsme_kwenny

To be continued..

The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now