Final Chapter

787 27 1
                                    

Nagising ako dahil sa malakas na ingay ang narinig ko dito at ang alarm clock ko yun. Dahan-dahan akong bumangon at kinuha ang alam clock ko na nasa mesa sa gilid nang kama ko. Dahil sa ingay, agad ko yun pinatay at hinagis sa kama.

Shit!! Inaantok pa 'ko. Maaga pa kaya pero kinakailangan ko ng gumising for breakfast.

Dahan-dahan akong kumalas sa kama at tiningnan ang telepono ko and napatingin ako sa screen at 7:30 a.m na. SHIT.

Naku! Friday na pala ngayon, birthday ko na pala. Shit! Nakalimotan ko yun. Biglang naalala ko na dapat pupunta ako sa school, yan ang sabi ni bakse sakin. Kaya dali-dali akong kumuha ng tuwalya para maligo.

Tudo sabon ako sa katawan ko, tudo shampoo ako sa buhok ko. Pagkatapos ay agad akong nagbanlaw ng tubig at it's all done.

Lumabas ako ng cr hang tinakpan ang katawan ko gamit ang tuwalya. Nagtungo ako sa cabinet at binuksan iyon. Bumungad sakin yung mga damit kong mamahalin at kinuha ko yung damit na kulay puti na may nakalagay sa harap na 'You're mine'. Hanggang ngayon nagkata parin ako kung bakit ito na damit ang susuotin ko

Wala akong choice. Sinuot ko kagad yun at laking gulat ko na kasyang-kasya sakin. Sinout ko yung maikli kung short na hanggang legs lang. Pagkatapos no'n ay sinout ko yung sapatos ko na kulay black na addidas tsaka ako humarap sa salamin.

Umupo ako sa may upoan at nasa harap ko ang mga make-up ko at may salamin na malaki.

Nilagyan ko ng kunting pulbo ang mukha ko. Kinulayan ko din ang kilay ko na kulay itim at nag-liptint na kulay pula per hindi naman masyadong pula. Pagkatapos no'n ay nilagyan ko ng kunting make-up ang pisngi ko na kulay pink. And done!

Sabi kasi ni Bakse lagyan ko daw ng kunting liwanag ang mukha ko kaya sinununod ko nalang ang utos nya. Ewan ko kung anong meron sa school ngayon.

Pagkatapos ay sinukalayan ko muna ang buhok ko na hanggang bewang na at ngumiti sa salamin. Agad akong tumayo sa upoan ko, kinuha ko yung bag na nasa kama at telepono ko na nasa mesa at lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ay bumungad sakin si Zayne na kumain kasama si yaya Rosie.

"Oh, Mat, saan ang lakad mo ngayon? Gumanda ka lalo." Pangiting sabi ni yaya Rosie. Ngumiti nalang ako at bumaba ng hagda. Pagkababa ako ay nagsalita ulit si yaya.

"Kumain ka muna," Sabi nya.

"Uhm... 'Wag na ho! Doon na lang ako kakain sa school." sabi ko kaya tumango nalang sya.

Kaya ngumiti nalang ako at nagtungo ako sa maliit na kabinet at kinuha ang susi ko tsaka ako lumabas ng bahay. Paglabas ko ay nagtungo ako kagad sa kotse ko na kulay itim.

"Manang, paki bukas ang gate." sabi ko sa maid namin na naglilinis ng bakuran. Sinundan nya naman ang utos ko at nagmamadaling binuksan ang gate.

Agad kong pinaandar ang kotse. Pagkatapos binuksan ang gate na malaki ay nakalabas na 'ko ng bahay at nag-drive patungo school. Ano bang okasyon ang meron doon?

Pagdating ko sa school, pinark ko muna ang kotse. Bago lumabas at kinuha ang susi, nilock ko muna ang pinto para walang maka-pasok sa loob.

Naglalakad ako ngayon patungo sa main gate habang nakangiti at pagpasok ko sa loob ay bigla akong napahinto at nawala ang ngiti ko nang wala akong makita na kahit isang estudyante.

Sobrang kinakabahan ako dahil feeling ko na niloloko lang ako ni Bakse. Sabi nya pupunta ako dito tapos ito lang ang madatnan ko?

"Bulaga!"

The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now