Chapter 29

476 19 0
                                    

Red POV


Hanggang ngayon hinila parin ako nila Zera, Nicole at yung 4 kung barkada habang ako tudo iyak nalang. Wala na yata akong pag-asa. Siguro mahal na ni mitch si Patrick. Umaasa ako na magiging kami, nag-bago ako dahil sakanya, pero parang wala yatang epekto ehh. Naging mabait ako para lang mapalapit ako sakanya at mapansin nya ako, pero wla ehh. Naing tanga lang yata ako.


"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" taray kong sabi at kumalas sa pagkahawak nila Zera sakin. Nabigla naman sila don.


"Red, ano bang problema mo?!" sabi ni Ace. napatingin naman ako sakanya na ngayon ay masama syang nakatingin sakin. Bago ako nagsalita pinunasan ko ang luha ko.


"Wala ka nang paki do'n! Sana pinabayaan niyo 'ko!" taray kong sabi, nasa tapat kami nang Student council. Hindi na nila ako napasok sa loob kasi pinigilan ko, tutal wala na 'ko sa groupo nila. Hindi ko na sila kailangan pa, masaya na 'ko sa ano mang meron ako ngayon.


"Red, pwede ba, tumigil ka na nga–" hindi na tuloy ang sasabihin ni Anjie nang pinutol ko kagad.


"Tumigil? 'Di ba dapat ako ang mag-sabi sa inyo 'yan? Dapat nga kayo ang ang tumigil, eh, dahil sumusobra na kayo sa pambabastos!" nabigla ako nang agad akong sinampal ni Nicole..


*PAK*


"Ganyan ka na ba talaga, Red?! Laki nang pinagbago mo! Noon, ikaw pa nga ang unang makahanap ng away, eh! Tapos kami ang sasabihan mo ng bastos?! Ang sabihin mo, tayo! Hindi lang kami pati rin ikaw! Pero no'ng simula mong nakilala si Mitch, nag-bago ka na. Ikaw na 'tong palaging wala sa grupo!" taray na sabi ni nicole pagkatapos nya akong sampalin. Napahawak naman ako sa pisngi ko at tumingin sakanilang lahat.


"Teka! Aminin mo nga samin... May gusto ka ba kay Mitch?" tanong ni Dark. Napatingin naman ako sakanya saglit at aalis na sana ako nang pigilan nya ako.


"'Wag mo kaming tatalikuran! Hindi pa tayo talos!" Minumura talaga ako sa lalaking 'to. Mainis ako, susuntokin talaga kita. Inis kong binawi ang braso ko sa pagkakahawak nya.


"Kung sasabihin kong Oo, pwede ko na ba kayong talikoran?" sabi ko na ikinabigla nilang lahat. Paki nila kung magustuhan ko si Mitch. Ano namang problema don? Mapasakin din si Mitch, hindi pa sa ngayon.


"Ano?!" sabay sabay nilang sabi..


"Tsk! Ano naman ang nagustohan mo sa kanya? Katawan na gusto mong kainin?" sabi ni Zera. Bigla akong nainis dahil sa sinabi nya. Napakuyom naman yung kamao ko at dahil sa inis ko agad kung sinampal si Zera. Sa lakas ng sampal ko, nabagok si Zera sa pader ng samento at nabagsak.


"Hayop ka!" taray na sabi ni Ashton at sinuntok ako sa tyan at sa mukha. Agad akong nabagsak sa sahig at hawak na hawak ko ang tyan ko dahil sa suntok ni Ashton sakin..


"Hayop ka! Babae 'yang nasampal mo, gago ka!" dagdag pa nya at pinapakan ako sa tyan ng malakas. Nabulwak ako nang kunting dugo na lumabas sa bibig ko habang nakahiga sa sahig.


Mga walang puso. Mamatay sana kayong lahat. Sa sususnod na makita ko kayo, papatayin ko kayo. Sinusumpa ko yan.


"Ash, kailangan nating dalhin si Zera sa hospital! Maraming dugo ang lumabas sa kanya!" sigaw ni Russell kay Ashton. Napansin ko din na agad binuhat ni Ashton si Zera na pambride at dali-daling lumabas ng campus kasama sina Nicole at Anjie at yung tatlo na sina Ace, Dark at Russell.


Naiwan naman ako dito na nahandosay sa sahig. Mga wala talaga silang respeto. Papatayin talaga kita, Ash!


"Red!" rinig kong sigaw na boses babae. "Red!" dagdag pa nya. Hindi ko namalayan na nandito na pala sya sa harap ko. Sino ba 'to?


"Red," sabi nya. Si doc Miszzy, tinapik nya naman ang pisngi ko hanggang sa natuloyan na 'kong nawalan ng malay.


Patrick POV


Naglalakad ako ngayon palabas ng Campus, ngunit bigla akong napahinto nang nakita ko si Mitch na pinag-aagawan ng lalaki. Napalaki na rin ang mata ko nang ipasok sya sa van na kulay itim, kaya agad akong tumakbo.


"Hoy!" sigaw ko at sinuntok yung lalaking nakahawak sa braso ni Mitch.


"Ah!" daing ni Mitch, pero pinagpatuloy ko parin ang pagsuntok sa mga lalaki.


Nang natumba ko silang lahat, agad akong tumingin kay Mitch na umiiyak. habang nakayakap sa bag at libro nya. Nabigla ako nang agad nya akong niyakapa.


"Buti dumating ka. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kung Wala ka." paluha nyang sabi at mas lalong hinigpitan ang pagyakap nya sakin.


"Sshh! Tahan na. Natumba ko na." sabi ko at hinimas sya sa likod. Napayakap naman ako sakanya.


Simula ngayon, babantayan na kita. Ayukong mapahamak ka Mitch. Ayukong mawala ka sa buhay ko, at lalong ayukong mapunta ka kay Red, sakin ka lang.


"Aww, how sweet. Hahaha! Hindi pa 'ko natumba, Trick." Napakalas kaming dalawa sa pagkayakap nang nagsalita si Nicole at napansin naman namin na may dala syang baril at tinutuk samin.


Harangin ko sana ang likod ni mitch kaso naunahan nya ako at sya ngayon ang nakayakap sa harap ko at narinig ko ang pagputok ng baril.



"Kuya!"



"Kuya!"



"Nanaginip ka kuya," mabilis akong napabangon nang narinig ko ang boses ni Zee. Nakita ko syang nakaupo sa kama at humarap sakin.


Panaginip. Pnaginip lang yun. Akala ko totoo yun. Shit! Binaril si Mitch? Hindi yun magyayari. Panaginip lang yun. Shit!


"Kuya Pat, okay ka lang?" pag-alalang tanong ni Zee sakin. Hindi ko nalang sya pinansin at hingal na hingal akong kinabahan.


©Itsme_kwenny

To be continued...

The Nerd Pretender [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ