Chapter 5

748 29 0
                                    

Mitch POV


Hanggang ngayon, kinaladkad parin ako ni
Patrick. Hawak niya ang kanang kamay ko na may sugat pero hindi niya alam 'yun. Ang sakit, eh, kasi hinigpitan niya.


"Ahh!"


Daing ko nang mas lalong hinipitan niya ang paghawak nang kamay ko na may sugat. Napahinto siya sa paglalakad at humarap sakin.


Napabitaw ako sa kamay nya at napatingin naman sya.at laking gulat nya na may nakita sya dugo..dahil lang sa sugat ko.


"Teka! May dugo? Saan 'to galing?" Takang tanong niya. Hindi nalang ako sumagot at tudo iyak nalang. Kinuha niya naman ang kamay ko at nakita niya ang malaking sugat ko.


Nasugatan ako nang dahil sa basag na Flower Vase ang nahawakan ko sa mesa. Tinulak kasi ako ni Nicole sa dibdib papunta sa mga nabasag na Flower Vase at napasandal ako sa pader..


"Halika, dadalhin kita sa bahay. Igagamot kita do'n!" Pataranta niyang sabi. Nabigla naman ako sa sinabi niya.


"May clinic naman dito, ah?" Kalmado kong sabi.


"No, wala ngayon dito si Miss Mizzy kaya halika na." Sabi niya at hinila ako sa braso papunta sa kotse niya. Pagtapos ay agad niyang pina-andar patungo sa bahay niya.


Ewan ko sa lalaking ito napaka nerbyuso, eh, kunting sugat lang naman ito. Kung maka-react, akala mo kung sinong nasunogan.


"Ano bang nakain mo at nagkakagayan ka? Bakit, may sunog ba?" Tanong ko sakanya habang isya ay nagmamaneho at tumingin sa dinadaanan.


"Hindi mo ba nakita? Ayan, oh! May sugat ka. Ang laki kaya niyan," Sabi niya habang palipat-lipat siya ng tingin sakin at sa kalsada.


Ahh.. ganun, ah? Para mabilis ang pagmamaneho mo..,


"Aray! Aray! Ansakit! Araay!" Daing ko. Nagpapanggap lang ako na masakit para naman mas mabilis pa siya keysa sa kidlat ang pagmamaneho niya.


Nabigla naman siya at habang ko ay humagulgul sa sakit kahit hindi naman.


"Oh, masakit? Teka lang, malapit na tayo!" Pataranta niyang sabi. Bigla naman akong natigilan at lumuwag ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya.


Kita mo? Ang bilis niyang maniwala.


"Malapit na tayo? Hay, salamat." Sabi ko at ngumiti. Napailang naman siya do'n.


"Ginagago mo ba ako, Mat? Masakit ba talaga ang kamay mo?!" Inis niyang tanong. Ang bilis niyang magalit.


"Oo," Taray kong sabi kaya mas binilisan niya ang pagmamaneho.


Sa sobrang dami ng dugo ang lumalabas sa kamay ko, hindi ba ako masasaktan? Syempre masakit!


[Fastforward]


Wow! Ang ganda naman ng bahay nila parang mansion, ah? Daig pa ang samin, eh. Nasa harap na kami ng bahay nila.. Agad naman akong lumabas ng kotse niya at lumibot papunta sa gate nila..


"Halika, pasok." Sabi niya una niyang binuksan ang maliit na gate at pumasok siya kay sumunod naman ako.. Pagpasok namin ay agad kaming nagtungo kami sa loob ng bahay nila.


The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now