Chapter 21

505 19 0
                                    

Ashton POV


Inis kaming lumabas nang library dahil sa nangyari at ngayon ay patungo kami sa student council. ilang hakbang nalang at nandito na kami. Binuksan ko naman yung pinto, tsaka kaming lahat pumasok. Umupo naman ako sa mesa at humarap sa tatlo na ngayon ay nakatayo sa harap ko.



"Ash, sigurado ka na ba na alisin mo si Red sa grupo?" Tanong ni Dark. Tumaas naman ang kilay ko.


Kung yun ang gusto ni Red, gagawin ko. Hayop s'ya. Dahil lang sa Mitch na 'yun? Bigla bigla nalang umalis, ano bang balak nya?


"Oo nga, Ash. At kung alisin mo talaga si Red sa grupo natin, hindi natin alam na hanggang sa isang araw kinakailangan na pala natin siya." Sabi ni Russell.


"Gago! Hindi niyo ba narinig ang sinabi niya? Gusto na niyang umalis dahil ayaw na niyang umapi ng tao! Gusto niya na bigyan ang sarili niya na masayang buhay. Kaya kung aalis siya, e 'di umalis siya! Wala na tayong paki-alam sakanya. Tutal, 'yun naman ang gusto niya, 'di ba?" Galit kong sabi. Agad naman silang natahimik at tumingin sa isat isa.


Punong puno na 'ko sa lalaking yun, eh. Noon pa lang palpak na ang mga ginagawa nya. Walang ka epek-epek ang mga bagay nya. Mas lalo nyang pinahina ang grupong ito. Kaya mas mabuti kung umalis sya, para lumakas ang grupong ito.


Lahat kaming napatingin sa pinto nang lumakas ang pagbukas at bumungad samin si Nicole, Zera at Anjie. Pumasok naman silang tatlo at bakas sa mukha nila ang pagtataka.


Sa kanilang tatlo, si Zera lang ang gusto ko, dahil noon palang patay na patay ako sakanya. Sakanya lang ako bibilib kapag may kaaway keysa kay Nicole . Alam ko din na may gusto si Ace sakanya at alam ko rin na ang gusto ni Anjie ay si Red. Pa'no na 'yan wala na si Red.


Napatingin naman ako ni Zera at tumingin din sya sakin at tinarayan lang ako, saka iniwasan. Sanay na 'ko sa ganyanan nya.


"Teka, sa pagkakaalam ko, lima kayo. Nasaan si Red?" taray na sabi ni Nicole at tumingin saming apat.


"Well, umalis na si Red sa grupo–" hindi na tuloy ang sasabihin ni Ace nang pinutol nilang tatlo.


"Ano?!" Sabay sabay nilang sabi at bakas sa mukha nila ang galit at pagtataka.


"Pero bakit?" Tanong ni Zera. Napatingin ako sakanya ulit. Sya sana ang leader dyan sa apat ehh. Kaso pinalitan ko na at si Nicole ang pinili ko dahil ang bilis nyang makakita nang away.


"Aba! Gago ang lalaking 'yun, ah? Umalis lang na walang dahilan?" Iritadong saad ni Nicole.


"Tsk! Saan ba ang lalaking 'yun? Papatayin ko talaga siya!" Sabi ni Zera. Napatayo naman ako sa kinatatatayoan ko at nagulat naman sila do'n.


"'Wag na Zee. Kami na lang ang bahala sa kanya." sabi ko. Tumingin naman sya sakin at tinaasan ako ng kilay at nag-cross arm.


"Wala kang pakialam! Kung ano ang gusto ko, 'yun ang gusto ko!" Mataray nitong sabi.
"Halika na Nicole, Anjie. Hanapin natin si Red sa gym." dagdag pa nya at hinila ang dalawa papaalis sa room.


Napaka-maldita nya talaga. Napaka-OA.


"Grabe naman ang babaeng 'yun. Tatadyakan ko talaga 'yun kapag ako magalit." taray na sabi ni Dark. Napatingin naman ako sakanya saglit bago umiwas.


Mitch POV


Hanggang ngayon. Sana gym pa rin ako. Hindi ko na kasama si Bakse dahil may klase sya. Isa syang Section 2 at ako naman ay Section 1. Isang hakbang na lang at maging classmate ko na sya. Pero sa tingin ko hindi mangyari yun. Ngayon naka-upo ako sa may upoan at katabi ko si Red


"Bait mo na ngayon, ah? Dahil sa babae 'yan, 'no?" Pangiti kong sabi sakanya. Tumingin naman sya sakin at mahinang tumawa.



Gosh! Isang gangster nagiging mabait. Nakakatuwa naman. Yieee gwapo nya talaga. Crush ko na si Red ngayon. Crush lang, ah?


Ngumiti siya. "Siguro. Ang bait niya kasi. Nakakahiya kapag nalaman niyang basagulero akong tao. Kaya naisipan kong magpakatino." sabi nya habang nakatingin sakin. Ngumiti naman ako at tumango.


"Kung sino man 'yan, sigurado akong matutuwa siya sayo." Pangiti kong sabi. Ngumiti naman sya.


"Talaga?"


"Oo, malay mo. 'Yang tinutukoy mo, may lihim na pag tingin sayo. Teka, sino ba sya?"  Nawala ang ngiti niya at tumitig sakin. Nawala narin yung ngiti ko nang dahan dahang lumapit ang mukha nya sa mukha ko.


Hindi agad ako makagalaw sa kinauupuan ko. Sobrang lakas pa nang kabog ng dibdib ko. Gusto ko siyang itulak pero parang may pumipigil sa braso ko.


Nang napalapit nang palapit ang mukha nya sa mukha ko. Ngunit natigilan kami nang may nagsalita.


"Mitch, Red?"


Napatingin kaming dalawa sa harap nang bumungad yung tatlo. Bakas sa mukha nila ang galit. Napatayo naman si Red pero nanatili parin akong nakatayo.


"Nicole," kabadong tawag niya.


"Napaka-landi mo talagang babae ka" sigaw ni Nicole sakin kaya nabigla ako nang sinabunutan niya ako sa buhok, gumanti agad ako.


Lumapit naman samin sina Zera at Anjie tsaka si Red para awatan kami pero walang apekto. Napatingin narin samin ang mga estudyante na meron dito.


"Aray!" daing nya.


"Ano ba, tama na! Nicole! Mitch!" sabi ni Zera habang inawatan kami.


Hanggang sa natulak nya ako sa dibdib at napadpad ako sa may bandang pako. Bigla kong ramdam na may masakit sa braso ko. Napatingin ako sa braso ko at kusang tumulo ang luha ko nang nakita ko ang malaking sugat.


"Ahh!" Daing ko. Hayop ka Nicole. Sabunutan niya sana ako nang nakita nya ang sugat ko. Napalaki naman ang mata nila sa nakita.


"'Yan! 'Yan ang bagay sayo, malandi ka!" Sigaw ni Nicole sakin at dahil sa inis ko, agad ko siyang sinampal.


"Hayop ka! Wala lang karapatang tawagan akong malandi. Hindi naman ako katulad mo, eh." Sigaw ko sakanya at sinampal nang sinampal at sinabutan sa buhok.. Hanggang sa napahiga sya sa sahig at ako ang nakaupo sa ibabaw nya.


"Aray! Ano ba!" Daing nya habang nakaharang ang mga braso niya sa mukha.
Habang sina Zera ay awat parin nang awat samin.


Ramdam ko naman na may humila sakin papalayo. Napatingin naman ako kung sino yun at bumungad si Patrick. Nilalayan naman nina Zera si Nicole na tumayo habang masamang nakatingin sakin.


"Halika na," sabi ni Zera at hinila si Nicole papaalis, hinila naman ni Anjie si Red na ngayon ay nakatingin sakin na puno ng pag-alala.


"Mat, anong nangyari sa braso mo?" Pag alalang tanong nya. Tumingin naman ako sakanya at gumagolgol nalang sa iyak.


"Ahh! Masakit. Ayuko na." Paluhang sabi ko habang iniinda ang sakin.


Agad naman nya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit habang hinimas-himas ang buhok ko.


"'Wag kang mag-alala, nandito na 'ko. Magiging okay din ang lahat."


Napaluha naman ako kaya yumakap na rin ako sa kanya. Buti nalang parati syang nandyan para sakin. Hindi ko alam kung matigil pa ba ang away kung hindi dumating si Patrick.


©Itsme_kwenny

To be continued...

The Nerd Pretender [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora