Chapter 19

536 21 2
                                    

Red POV


Hanggang ngayon, nakatayo pa rin ako dito sa mga may libro. Hindi ako makapaniwala na may gusto si Patrick kay Mitch. Pero alam ba ni Mitch na mahal sya ni Patrick? Siguro naman alam na nya, impossible naman kung hindi dahil parati sila magkasama.


Hindi ko na rin alam kung ano itong nararamdaman ko kapag nakita ko si Mitch. Bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko kapag makita ko si Mitch na nakangiti. Ewan ko ba! Iba na yata ito.


"Hoy, Red!"


Napalingon ako sa likod nang may tumawag sa pangalan ko at bumungad sakin yung apat.


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sakin ni dark. Napakunot noo naman ako. Hindi ba obvious?


"Uhm, kukuha lang sana ng libro," Kaba kung sabi. Basketball namin ngayon kaso hindi ako sumipot kasi kailangan kong mag-study for exams. Ayukong mabagsak.


"Ano, bro? Sasama ka pa ba samin? Basketball tayo," Sabi ni Ace. Bumuntong hininga muna ako at tumingin sa table nina Mitch at Patrick na ngayon ay sobrang fucos.


Napansin ko rin sa mga mata ko ang apat at sinundan nila ng tingin ang tinitigan ko. Hay! Gusto ko sanang makausap si Mitch kaso parang may pumipigil sakin. Napayuko na lang ako.


"Uh, si Mitch? Tsk! Ampangit pangit no'n, pumatol ka sa babaeng 'yun? Nandiyan naman si Zera, eh. Crush ka kaya no'n!" Sabi ni Russell. Napalingon naman ako sakanya at tinaasan siya ng kilay.


Aba! Gago 'to, ah?


"Wala kang paki-alam kung sino ang pwede kong magustohan, Russ." Malamig na sabi ko at tumingin ulit kay Mitch. Iang layo ko lang sa kanya, pero...


"Tsk! Tingnan niyo nga naman. Red, marami pang maganda diyan. Kay Mitch ka pa talaga na hulog?" Sabi ni Ashton at sabay sabay naman silang tumatawa. Bumuntong hininga na lang ako upang kumalma dahil ayukong magalit nang ganito ka aaga.


"Oo nga, 'wag ka nang umasa. Hindi ka niya sasaluhin." Sabi ni Dark. Kahit ano pang sasabihin nyong apat, hindi kayo ang makakapigil sa nararamdaman at gusto ko.


"Pwede ba, pabayaan niyo muna ako, gusto ko mapag-isa!" Aalis na sana ako nang hinila ako pabalik ni Ace.


"Ano, tatalikoran mo na lang kami nang ganun ganun lang? Ano bang nakain mo at ganyan ka na lang umasta? Parte ka sa grupo namin, kaya 'wag-" Hindi natuloy ang sasabihin nya nang pinutol ko pero bago yun binawi ko naman ang kamay ko.


"Hindi porket parte na 'ko ng grupo ninyo, hindi ko na kayo kayang talikoran. Kung ano ang gusto ko, 'yun ang gusto ko. Kaya pwede ba, bigyan niyo naman ako ng oras para sa sarili ko!" Natahimik naman silang apat at bakas sa mukha nila ang galit.


Hindi nyo lang alam na, pati ako nasasaktan kasi inaapi ang mga kapwa pilipino. Noon pa sana ko ito itigil, eh. Kaso pinigilan ako ni Ace at Ashton.


"Bakit? Hindi ka ba binigyan namin ng oras? Kung anong gusto mo, pumayag naman kami, ah? Hindi pa ba sapat 'yun?" Galit na sabi sakin ni Ashton.


"Oo, hindi pa sapat sakin 'yun! Ang kailangan ko, 'yung ako lang ang masusunod sa anong gusto ko! Oo, binigyan niyo nga ako ng oras, pero hindi para sa sarili ko kundi para umapi ng tao!"
Nabigla naman ako nang agad akong sinuntok ni Ashton sa mukha.


Napabagsak naman ako sa sahig. Napahawak ako sa bibig ko at nakita ko na may dugo na lumabas sa gilid ng bibig ko.


"Ano? Gago ka, ah? Kung gusto mong umalis sa grupong 'to, e 'di umalis ka! Walang pumipigil sayo, gago!" Sigaw sakin ni Ashton. Dahan-dahan naman akong tumayo at humarap sa kanila.


"Ash, pag-isipan mo muna 'yan." Sabi ni Dark, pero masama pa rin kung makatingin sakin.


"Pinag-isipan ko na ito, Dark. Dahil wala naman talaga itong kapaki-pakinabang, eh. Makasarili!" Taray na sabi ni Ashton habang tinuro turo ako.


Napakuyom nalang ako sa kamao ko, agad ko silang tinalikuran at umalis sa lugar na 'yun. Ayuko na! Itigil ko na itong kagagohan ko.


Mitch POV


Bigla na lang tumunog yung bell at lahat ng estudyante dito ay nasitayoan at lumabas ng library. Tumayo at inayus namin yung gamit at lumabas na ng library. Sumunod naman sakin si Patrick.


Nong palabas na kami ay patuloy sana ako sa paglalakad kaso pinigilan nya ako gamit ang braso ko.


"Uh, teka, Mat. Wala ka bang gagawin ngayon?" Tanong nya sakin..
Napatingin ako sa relo ko at mag-alas dose pa lang.


"Wala naman, bakit?" tanong ko.
Bumitaw naman sya sa paghawak ng braso ko bago siya mag-salita.


"Uhm, wala. Wala naman, segi!" Pangiting sabi nya. Tumango na lang ako at tinalikoran sya.


Naglalakad naman akong nakangiti dahil hindi ko pa rin makalimotan ang nangyari kanina. Grabe, pero totoo kaya yung sinabi ni Red kanina? Kasi ramdam ko na may gusto na sya sakin, pero si Patrick, sabi nya mahal nya ako, joke ba 'yun?


Tsk!! Hindi muna ako mag isip nang ganun. Siguro trip lang yun or joke.


©Itsme_kwenny

To be continued...

The Nerd Pretender [COMPLETED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin