Chapter 17

566 28 1
                                    

Zera POV

Agad naming dinala si Nicole sa clinic ni doc Mizzy. Kasama ko ngayon si Anjie, nandito kami sa harap ni Nicole sa gilid ng kama nya habang ako ay nakaupo at si Anjie naman ay nasa tabi ko nakatayo habang pinagmasdan namin si Nicole na hanggang ngayon ay wala paring malay.

Maputla pa rin sya hanggang ngayon. Pinipisil ko naman ang braso nya.

"Anong nangyari?"

Napalingon kaming dalawa ni Anjie nang biglang nagsalita si Ace. Napabuklas ako sa pagkakaupo at tumingin sakanya. Kasama nya naman 'yung apat na nasa likod nya.

"Uhh.. 'wag kayong mag-alala, Ace. Okay na si Nicole, stress lang daw ang dahilan kaya siya nagkakaganyan, sabi ni doc Mizzy."  Sabi ko. Bumuntong hininga naman silang lima at bakas sa pagmumukha nila ang pag alala.

Lalo na kami ni Anjie. Sobra kaming nag alala para kay Nicole. Hindi namin akalain na mahihimatay pala sya sa ganung bagay. Kasi noon hindi sya ganyan, eh. Kahit na stress lalaban parin at magpasigla sa sarili para mabigyan siya ng lakas, dahil yata sa mga sinasabi ni Patrick sakanya, pero pati ako natatakot dahil sa sinabi nyang ipapakulong kami.

"Mabuti naman kung ganun. Kayo, Kamusta kayo?" Tanong ni Russell samin..
Bumuntong hininga nalang ako at umupo ulit sa upoan at tumingin kay Nicole.

"Okay naman kami. Kayong lima, ilang days kaya kayong hindi nagpapakita samin!" Sabi ni Anjie. Napatingin nalang ako sakanila nang bigla kaming kinain ng tahimikan. Lumapit naman 'yung lima sa kama ni Nicole at pinagmasdan ang kaibigan namin.

"Hayst! Sino ba ang nakapag-stress sakanya dahil bugbugin ko!" Galit na sabi ni Ashton at napakuyom ang kamao nya.

"Si Patrick. Oh, kaya mo siyang bugbugin? Talo ka na no'n, mahilig kaya 'yun sa judo!" Sagot ko. Humalakhak naman sila sa kakatawa maliban lang kay Ashton Sabay irap nito sakanila.

"Zera?"

Muli kaming napalingon kay Nicole nang bigla siyang nagsalita kaya naman mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo. Bahagya naman kaming ngumiti at yayakapin ko sana sya nang tinulak ako ni Ace papaalis sa kinatatayoan ko. Bigla akong napaatras at sya na umupo sa upoan ko at tumingin kay Nicole.

‘'No ba 'yan! Hindi pa nga ako tapos, eh!’  sigaw ng isipan ko ko naman tumabi nalang ako ni Anjie at nag cross arm.

"Nicole, buti may malay ka na. Grabe, mag-alala kami sayo." Pag alalang tanong ni Ace sakanya. Dahan-dahan naman syang bumangon kaya nilalayan naman sya ni Ace makabangon.

"Anong ginagawa niyo ditong lima?" Walang gana nyang sabi at tumingin sa limang gangster.

"Tumawag kasi samin si Zera, sabi niya, may masamang nangyari sayo kaya agad kaming pumunta dito sa clinic." Sabi ni Red at tinuro ako.

Bago kasi kami pumunta dito sa clinic kanina, tinawagan ko muna silang lima. Para naman malaman nila ang nangyari.

"Uhh, ganun ba? Aray!" daing nya nang tatayo sana sya nang bigla yata syang nahilo.

"Mas mabuti pang magpahinga ka muna, girl. Two hours ka kayang walang malay!" sabi ko at tumingin naman sya sakin at pilit ngumiti.

"Oh, you're awake."

Napalingon kami sa likod nang nagsalita si doc Mizzy. Lumapit naman sya samin.

"Nicole, magpahinga ka muna in 2 days. Lalo kang ma-stress niyan. Hindi ka ba kumain? Ang payat mo kasi." Sabi ni Doc Mizzy. Lumingon kaming lahat kay Nicole at hinintay ang sagot nya.

"Uhm. Oo, eh. 1 week po, tanging tubig lang po ang ininom ko." Sabi nya na ikinagulat naming lahat.

"Ano?!" Sigaw naming lahat na ikinagulat naman niya.

"Yawa!" Mura ko.

"Hayst! Nicole, dapat kang kumain. Kumain ka ng prutas at veges para magkalaman 'yang sikmura mo!" Giit ni Doc Mizzy. "Excuse me," Dagdag pa nya at umalis ulit ng clinic.

"Oh, two days kang magpapahinga at kailangan mong kumain. Sundance mo nalang si doc Mizzy." sabi ni Ashton at tinuro si Nicole ngunit inirapan lang siya nito.

Yumuko naman sya at bakas sa mukha nya ang lungkot. Nagkatinginan naman kaming lahat sa isa't isa at muling tumingin Kay Nicole. Hinagod naman ni Ace ang likod niya.

Mitch POV

Nasa kwarto na 'ko ngayon. Pagkatapos ako hinatid ni Patrick, agad akong nagtungo sa kwarto ko at inalis ang wig pati na rin ang reading glasses.

Humiga ako at nagbabasa ng libro. Malapit na kasi ang exams namin kaya tudo study nalang ako dito sa kwarto. Biglang naalala ko kung ano na ang nangyari do'n sa campus.

May nangyari kaya? May gulo kayang nagawa si Nicole do'n? Bahala na, tutal magaling naman ang mga bruha sa away, eh.

Nakahiga ako ngayon habang binabasa ko ang history book nang biglang tumunog ang cellphone.

Napalingon ako sa telepono ko na nasa side table lang ng kama. Gumalaw naman ito at nakailaw. Agad kong kinuha 'yun at tiningnan ang screen kung sino ang tumawag pero.. 'Unknown' ang nakalagay.

Nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. Halo-halo din ang kaba ko kung sino ba 'to. Gago yata ito o de kaya'y.. Ewan ko! Sasagutin ko nalang baka importante ang sasabihin niya. Pinindot ko naman 'yung kulay green button at dahan dahan kong tinapat ang telepono sa tenga ko.

"Hello?"

"Mat?" Napatingin ako sa telepono kung sino talaga ito. Kaya muli kong tinapa sa tenga.. Pero pamilyar ko ang boses, eh. Parang si. . .

"Patrick??" Saang lugar niya na pulot ang number ko? "Pa'no mo nakuha ang number ko?"

"Kay Bakse."

"Ahh, bakit ka napatawag?"

"Wala.. may na-miss lang ako."

"Sino?"

"I--ano.. I-Ikaw. Hehe."

Bigla akong natigilan sa sinasabi nya ngunit
bahagya din akong napangiti.

"'Nga pala, Mat.. sabay na tayong mag-study bukas, ah? Alam mo naman na malapit na ang exams, 'di ba?"

"Aba, oo, syempre! Actually, nagstudy na nga ako, eh."

"That's my girl!"

Biglang nanlaki ang mata ko sa narinig. Grabe naman 'to! Lumitaw naman sa isip ko kung sino talaga ang nagkulong sakin.

"Tsk! Sira ka talaga, eh, 'no? 'Nga pala, may nalaman ka na ba kung sino ang nagkulong sakin?"

"Ahh, yes! Si Nicole ang nagkulong sayo. Ano, okay ka na ba?"

"Uhm.. medyo okay na. Pero nahihilo pa rin ng kunti."

"Ahh, ganun ba? Segi, matulog ka na, maaga pa tayo bukas. Good night."

'Yan nalang ang narinig ko at naputol na ang linya. Binaba ko naman ang telepono at biglang sumeryuso ang mukha ko.

Hayop na Nicole na 'yun. Sya pala ang nagkulong sakin, impakta! Pasamalat sya at nabuhay ako. Kung hindi kanina ko pa sya pinapatay sa kaluluwa ko. Lagot ka sakin Nicole once na makita mo na talaga kung sino ako. Hindi ako magdadalawang isip na imudmud kita sa pader lalo na ang mga bruha mong kaibigan.

Sa ngayon, hindi ko muna ito ipapakita.. Pero kung aapihin nila ako. Handa akong lumaban kahit korte pa ang harapan. Hindi ako na tatakot, hayop ka!

©Itsme_kwenny

To be continued..

The Nerd Pretender [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon