Chapter 35

453 17 0
                                    

Mitch POV


Hangganang ngayon hindi ko parin nakakalimotan ang sinabi ni Patrick sakin kahapon sa labas ng gym, kahit kagabi hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi nya.


Buti narinig ko 'yun mula sa kanya. Noon pa lang halata na may gusto sya sakin. Hindi nya lang masabi kasi torpe. Ewan ko! Kanina pa 'ko nakangiti eh. Marami ding sumilip sakin na parang tinatanong sa mga mata nila na: 'Sinapian na yata 'to.'


Nasa bench ako ngayon, nakaupo at pinatung ko ang braso ko sa mesa at nakatingin sa lupa at iniisip ko 'yung nangyari kahapon.


Pero iniisip ko parin na may pag-asa pa kayang magbago ang mga hangster at sina Nicole, Zera at Anjie? Kung magso-sorry sila sakin, dapat sincere at galing sa puso at mararamdaman ko 'yun. Hindi yung plastic.


"Hoy!"


"Aray!" Daing ko nang malakas akong sinapak ni Bakse sa braso. Kararating nya lang.


"Anong nangyari sayo?" konot noo nyang tanong at upo sa may upoan sa harapan ko.
Umayos akong umupo at niligpit ang mga gamit ko.


"Anong nangyari sakin? Wala! Bakit, ano ba ang nangyari sakin?" konot noo kong tanong sakanya habang niligpit ang mga notebook ko at nilagay sa bag.


"Eh kasi kanina ka pa nakangiti. Sino bang iniisip mo? Lalaki ba? Gwapo ba?" sunod-sunod nyang tanong. Lihim akong napatawa sa sinabi nya. Grabing baklang ito.


Nang natapos kong ligpitin, ay agad akong humarap kay Bakse. "Ano kasi, eh... Uhm..."
Napa-smirk naman sya.


"Ano ba kasi 'yun? Ano, may nanligaw na sayo? Yiee!" Sabi nya at halata na tinutukso ako. Napangiti nalang ako nang bigla nya akong kiniliti sa bewang.


"Hindi, 'no! Hay, nako! Halika na nga! Library tayo" Sabi ko at kinuha ang bag ko. Agad akong tumayo at ganun din naman si Bakse. Sinabit ang bag ko sa kanang balikat ko tsaka kami naglalakad.


"Baks, maiba ako..." Ani ko.


"Hmm,"


"Si Nicole na ba ang Queen Bee?" konot noo klng tanong. Napahinto naman sya kaya huminto narin ako.



"Hindi na tuloy ang final results. Kasi nga nagkakagulo kahapon sa gym. Kainis! Sarap nga sapakin ang bruhang 'yun, eh!" gigil nyang sabi. Napailing naman ako. Hindi pala natuloy, so wala ng Queen Bee? King Campus na lang?


"Ganun ba? Pero si Patrick pa rin ba ang King–"


"Mitch," may pumutol sa sasabihin ko.
Agad akong lumingon sa likod namin ni Bakse at bumungad samin si Nicole.


Bakas sa mukha nya ang lungkot. Napalingon ako kay Bakse na masamang tumingin kay Nicole.


"Anong ginagawa mo dito bruha ka?!" taray na tanong ni Bakse kay Nicole. Napalingon naman ako ni Nicole.


"Nandito ako para humingi ng tawad sayo, Mitch... lalo ka na Bakse. Alam kong masama 'yung ginawa ko sa inyo, pero sana mapatawad niyo 'ko. Boung puso kong pinagsisihan 'yun. Oo, naging insecure ako dati, ginawa ko lang 'yun para kay Patrick para mapasakin siya. Pero na-realize ko na mali pala 'ko. Na alam ko na mas sasaya si Patrick kapag kasama ka niya. Uuliti ko, sana mapatawad niyo 'ko. Sorry talaga sa mga nagawa ko sa inyo, tanggapin ko kung may parosa kayo sakin, gagawin ko." pagmamakaawa nya.
Napalingon ako ulit kay Bakse. Ewan ko kung mapapatawad ko ba pa sya. Baka kasi plastikan lang yan.


The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now