Chapter 9

608 21 0
                                    


Mitch POV


Pagkatapos ang nangyari sa gym, agad kaming pumunta sa canteen. And yes, kasama ko si Patrick at si Bakse. Nasa harap ko si Patrick ngayon at si Bakse naman ay bumili ng pagkain.


Nakayuko naman ako habang pinunasan ang luha ko. Natuloy naman ang practice kanina. Buti nga at walang pang coach na dumating no'ng nag-away kami.


"Hayst! Ang hirap buhay maging nerd, 'no? Puro husga, insulto at sigaw nalang ang bubungad sayo?" Walang gana kong sagot at tumingin sakanya.


Parang gusto ko nang gumanti, pero masyadong maaga pa kasi para gumanti. Kailangan ko munang mag-aral, bago ko gawin 'yan. Pero pa'no ako makapag-aral nang maayos kung hindi ako maka-focus sa study dahil sa pambubully ni Nicole sakin. Maaapiktohan na naman ang mga grades ko. Pero hindi ako susuko, 'no. Kung maapiktohan ang mga grades ko, study lang nang study, aral lang nang aral. Laban lang nang laban.


"Ganyan ka na ba talaga? Isang nerd?" Bigla naman akong natigilan dahil sa tanong niya.


Ang hirap nman ng tanong niya. Sabihin ko ba o hindi? Malalaman mo rin ang totoo Patrick. Kung magalit ka man, I DONT CARE.


"Uhm.. a-actually, y-yes." Utal kong sabi. Sobra akong kinakabahan sa tanong niya. Ayuko munang sabihin sa ngayon dahil baka magalit siya.


"Pero pagpasinsyahan mo na sila Nicole, ganyan na––" Hindi na tuloy ang sasabihin niya nang pinutol ko.


"Pasensya? Sa tingin mo ba ganun lang kadali 'yun? Pagkatapos akong bugbugin, sampalin, pahiya-in sa boung campus? Matatanggap ko pa kaya ang paumanhin nila kung paulit-ulit naman nilang ginagawa?" Bigla nalang siyang natahimik sa sinasabi ko at nagulat.


Pasensya? Sorry? Hindi uso sakin 'yan.


"Kung maka-sigaw, para ako ang kaaway mo, ah? Chill! Gutom lang 'yan," sabi niya. Inirapan ko lang siya at bumalik sa isip ko si Bakse kasi kanina pa siya hindi bumalik, eh.


"Teka! Ba't ba ang tagal yata ng baklang 'yun? 10 minutes na hindi pa din siya bumabalik?" Maktol ko at tumingin sa paligid at nagbaba-sakaling makita ko si Bakse, pero wala talaga, eh! Nagugutom na 'ko. Tama nga si Patrick, gutom lang 'to.


"Sino ba ang baklang 'yun?" Tanong niya.


"Pangalan niya ay Luis, nickname naman niya ay Bakse. Hindi mo pala siya kilala? Sa tagal mo ng nandito sa campus," Saad ko.


"Bakit? Porket ba magagalit na 'ko dito, kailangan pang makilala ko lahat ng estudyante dito?" Taray niyang sabi.
Hahah! Nagalit yata, pero cute niya, ah?


"Hindi naman. Nagtataka lang naman ako, eh." sabi ko. Napansin ko naman na bigla siyang ngumiti, kaya ngumiti nalang din ako. Ewan ko ba!!


~bruuu~


Bigla kaming napatingin sa isa't-isa nang biglang tumunog ang tiyan ko. Napalaki nalang ang mata ko, bigla naman siyang tumawa.


"Pfft! Haha! What the heck? Gutom ka, 'no?" Natatawang sabi niya. Napairap nalang ako dahil sa aura niya.


Grabe naman 'to! Wagas kong tumawa. Kainis kasing tiyan na 'to, eh. Patunog-tunog pa! Pa'no kaya kung nandito lahat ang mga estudyante? Siguro pagtawanan ako ng mga 'yun lalo na kung nandito 'yung bruha.


The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now