Chapter 7

656 23 0
                                    

Mitch POV


Nandito ako sa gym ngayon, kasama ko si Bakse, my new friend in this campus. Nag volleyball kaming dalawa. Hindi lang naman kaming dalawa ang tao dito, medyo marami. May mga basketball player, badminton, at marami pang iba.. Ang iba, naglalaro.


"Mat, tanggalin kaya natin 'yang glasses mo?" Tatanggalin niya sana ang glass ko nang agad akong umilag.


"Ay! Hindi! Ayuko!" Tanggi ko at inayus ito.


Pakiramdam ko kasi parang hindi na ako komportable kapag tinanggal ito. Mas gustohin ko nang suotin ito palagi.


Nilalaro lang namin ni Bakse ang bola dahil wala naman kaming gagawin dito. Ewan ko ba sa baklang 'to. Bigla nalang siyang nag-ayang pumunta kami ng gym matapos ang nangyari kanina sa library.


Maya-maya pa ay bigla kong napalakas ang tira ko sa bola. Napalaki naman ang mata ko at tiningnan ko kung saan pupunta ang bola.. at laking gulat ko nang napadpad sa team nila Patrick. Omg!


"Nako! Bakit mo naman kasi nilakasan?" Saad ni Bakse sakin sabay Hamas sa braso.


Hindi ko nalang siya pinansin at nakatingin parin ako sa bola na ngayon ay hawak na ni Patrick. Lumingon siya sakin at ngumiti. Pilit ko namang ngumiti at lumapit upang kunin ang bola.


"Sorry, hindi ko sinadya." hiya kong sabi. Binigay naman niya sakin kaya agad kong tinanggap.


"It's okay," pangiti niyang sabi.


"Hi, Mitch." Napalingon kaming dalawa sa likod niya nang may tumawag sa pangalan ko.


"Hello!" tanging sabi ko at nag-wave sakanya. Nagulat naman ako nang binaba agad ni Patrick ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.


"Punta ka na do'n." Aniya at tinuro kung saan akong lugar nang galing. Tumango naman ako at aakmang aalis na sana nang tinawag ulit ang pangalan ko sa lalaki na ka team ni Patrick. Agad ko 'yun nilingon.


Napansin ko naman na tumayo 'yung lalaki at bitbit niya ang isang boting may laman na tubig habang papalapit sakin.


"Uh.. alam ko na nauuhaw ka. Ito, oh, inomim mo." Lambing nitong sabi.


Ngumiti naman ako at kukunin ko na sana nang agad kinuha ni Patrick. Ano bang problema nito? Nawala naman ang ngiti ko at tumingin kay Patrick na ngayon ay ininom 'yung miniral na dapat para sakin.


"Ano ba! Akin 'yan, eh!" Nakabusangot kong sabi. Nanatili parin ang paginom niya hanggang sa naubos 'yung miniral. Tumingin naman siya sakin at may hinagis syang isang bote sakin na may laman na juice kaya agad kong sinalo.


Agad siyang umalis at hinagis 'yung miniral sa kung saang direction. Napalingon ako ulit sa lalaki kaya naiilang akong ngumiti habang nilalaro ang juice sa binigay ni Patrick.


"Aba! Tayo na ang dumiskarte ng babae, kinuha pa ng gago." Mura niya habang nakatingin sa direction kung saan ay do'n dumaan si Patrick. Lumingon naman siya sakin.


"Hehehe. Next time nalang Mitch, ah? Patayin ko muna 'yun." Palabiro niyang sabi at tumakbo papunta kay patrick.


Mahina naman akong tumawa habang nakatingin sa lalaki. Ngunit agad akong lumingon sa boting hinagis ni patrick sakin at may nakalagay na sulat. Agad kong binasa 'yun.


The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now