Chapter 20

575 25 0
                                    


Patrick POV


Nasa gym ako ngayon nagba-basketball lang kasama ko si Drake at James. Naglalaro lang naman kami wala kasi kaming magawa, eh. Habang ako ay nagpatalbog-talbog ng bola sa gitna at sino-shoot habang yung dalawa ay nasa gilid kom Kunti lang din ang tao meron dito.


"Trick, hindi ka pa ba nagka-girlfriend?" Tanong ni Drake sakin habang ako ay nagdri-driball at sino-shoot ang bola sa ring.


Napatigil ako saglit dahil sa tanong nya, tumingin naman ako sakanya.


Tsk! Kailangan ko pa bang maghanap? Nakita ko na nga, eh.


"Tsk! Wala sa isip ko 'yun!" Mahinahon kong sabi at pinapatuloy ko ang ginagawa ko.
At shoot na naman ang bola. Nabigla naman ako nang inagaw ni James at ginaya ang ginagawa ko.


"Talaga? Pero may nahanap ka na ba?" Tanong ni James at himinto sa pagdri-driball at tumingin sakin.


"Uhm, wala." Walang gana kong sabi at kinuha ang bola mula kay James.
Napansin ko naman na lumapit sakin si Drake at binawi ang bola.


Ano ba 'yan!! Pati pa ba sa ganung bagay pinaguusapan pa?


"Okay, let's play a game!" Pangiti nyang sabi. Napakunot noo naman ako.


"Ano?" Kalmado kong sabi at nagcross arm. Nagulat naman ako nang hinagis nya sakin ang bola kaya naman agad kong sinalo 'yun.


"'Yan. Kung may isang babaeng pumasok sa pintoang 'yan," turo niya sa pinto ng gym.
"Siya ang makakatuluyan mo." pangiting sabi nya. Tinaasan ko siya sa sinabi niya na imposible namang mangyari.


"Totoo ba 'yan?" Sabi ko at ngumiti naman silang dalawa habang nagtaas-baba ang mga kilay nila.


"Oo nga, Trick. Saka, try lang naman, eh. Hindi mo ba narinig? Laro lang 'to! Shoot 143 points!" Sabi ni James.


Ewan ko kung papayag ba 'ko. Kung ano ano lang ang gimik nang nalalaman sa dalawang 'to, pati ako dinadamay, eh. Napilitan akong pumayag dahil gaya ng sinabi ni James, laro lang 'to. Tingnan natin kung maging bet ko ba ang pumasok. Hiling ko lang na sana hindi bakla.


"Okay," sabi ko. Pinatalbog-talbog ko ang bola na ikatlo. Pagkatapos non ay huminto ako saglit at tumingin sa ring. Maya maya pa ay agad kong shoot ang bola, wala pang minuto pasok kagad sa ring.


Dahan dahan akong tumingin sa pinto na ngayon ay dahang dahang bumukas. Biglang lumakas ang tibok nang puso ko. Shit!


Maya maya pa ay biglang nag slomo ang paningin ko nang nakita ko na may pumasok na babae.


Si... Si... Si Mitch?? Naka-sports uniform naman sya na volleyball player at dala dala ang bola na nilalaro nya. Naka T-shirt naman siya na kulay pula na may nakalagay na MAT sa likod. Hindi parin tumitigil ang pag-slomo sa paningin ko at lalong lumakas ang tibok nang puso ko nang nakita ko na inalis nya ang reading glasses. Shit! Ang ganda nya sobra. Parang diwata sa paningin ko.


"Aray!" Daing ko nang hinagisan ako ni Drake ng bola sa ulo. Napatingin naman ako sakanya pero saglit lang at tumingin uli kay Mat na ngayon ay naglalakad patungo
sa ka-team nya. Sumalobong naman sakanya si Bakse.


Hay! Sana totoo na 'yun. Pero ramdam ko din na may gusto si Red sakanya. Pero hindi ako magpapatalo, 'no.


"Hahaha!" Napakunot noo akong lumingon sa dalawa na nagtatawanan.


The Nerd Pretender [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant