Chapter 28

485 20 0
                                    


Mitch POV


Hanggang ngayon, nasa gitna parin kami ng campus. Halos lahat nga sakin naka-tingin ehh, dahil nakita na nila kung sino ako. Nataohan nadin ang mga gangster dahil sakin, panay titig ehh, pati narin ang mga Estudyante dito, samin ang attention.


Gagantihan ko kayo mga hayop. Sobra sobra na yung pang-aapi nyo sakin. Pwes, ipakita ko rin kong pano ako gaganti.


"Oh, ngayon kilala niyo na kung sino ako, 'di ba? Bakit pa kayo nakatunganga diyan?" taray kong sabi. Napataas naman ang kilay ni Russell at masamang tumingin sakin sina Ashton at Ace.


"Tsk! Kahit Ipakita mo pa ang katawan mo, hindi ka pa rin maganda, ang pangit mo pa rin! Napaka-dumi mo!" sigaw ni nicole sakin tumingin naman ako sakanya at lihim na tumawa.


Tsk! Akala mo naman kung sinong maganda. Lahat nga nang lalaki dito sakin nakatingin ehh. Kulang nalang hubadan nila ako..


"Wow! Taray, ah? Bakit, maganda ka ba? 'Kala mo naman kung malinis. Nicole, bago ka manghusga sakin, tingnan mo muna sarili mo sa salamin kung malinis o maganda ka ba!" padiin kong boses at muling sumigaw sa dulo. Kumulo naman ang dugo nya at napansin ko sa mga gangster na tahimik lang na minamasdan kami.


"Hayop ka!" sigaw nya at aakmang sasampalin sana ako nang agad kong sinalu ang kamay nya.


"Segi, subukan mo 'kong sampalin. Baka hindi lang sampal ang magawa ko sayo. Bruha ka! Tsaka, ayukong mahawa ang dumi ng ugali mo sa kagandahan ko!" taray kong sabi at sabay bitaw sa kamay nya. Tumingin naman sila sakin ng masama.


Kaya napansin kong wala silang magawa kundi tumayu nalang at tiningnan ako. Grave, sobra na ba akong ganda para titigan nang ganyan. Tsk! Mas mahirap pala ang maganda keysa sa nerd.


"Ano, boys? Tunganga lang ba tayo dito? Wala man lang magagawa?" taray kong sabi at ngumiti. Napayuko nalang si Ashton at tahimik lang talaga..


"Alam mo ikaw, kulang pa talaga ang pang-aapi namin sayo, eh. Kulang pa na imudmud kita diyan. 'Kala mo naakit ako sa kagandahan mo? Hindi. Dahil kahit ano pang gawin mo, never akong maakit sayo!" sabi ni Dark at lumapit sakin, tumaas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nya.
Tsk! Sinungaling! May lalaki bang hindi umaakit sa maganda o mas maganda. Impossible naman yun.


"Well, kung hindi ka talaga naakit sakin, problema mo na 'yun! Kung sa bagay, perfect combination naman 'yung pangalan mo at mata mo, eh. Dark eyes. At kung kaya mo talaga akong imudmud, Segi nga, gawin mo nga kung kaya mo. Lalaki ka naman, 'di ba? I'm not scared, bustard." pa diin kong sabi. Napansin ko rin na kumuyum yung mga kamay nya at namumula na talaga sa galit, parang hindi makatiis..


"Wow!" sigaw nang mga estudyante sa campus, halos pinag lilibot na kami dito nang maraming tao.


"Sapakin mo na 'yang lalaking 'yan!"


"Oo nga! Tutal, maganda ka naman, eh! Akin ka na lang, miss beautiful!"


Napatingin ako sa lalaking sumigaw dahil sa sinabi nya.. Sorry, I'm not available!!
At muling tumingin kay dark, habang ang mga kaibigan nya ay nasa likod nakatayo.


"Oh, ano pang hinihintay mo? Imudmud mo na ako kung kaya mo." taray kong sabi at agad nyang hinila ang buhok ko..


"Gusto mo talaga, ah!" taray nyang sabi habang lumapit ang mukha nya sa mukha ko at imudmud nya sana ako sa sahig nang agad akong kumilos. Agad kong inalis ang kamay nya sa pagkahawak ng buhok ko at sinuntok ko sya sa mukha.


Napahiga naman sya sa sahig at napalaki narin ang mata nina Ace at Nicole na para bang hindi makapaniwala sa ginawa ko..


"Oh, ano? 'Kala mo lang 'yun! Akala mo, Dark, hindi ako babawi?" sigaw ko kay Dark. Napansin ko rin na may dugong lumabas sa bibig at ilong nya..


"Hayop ka!" Sigaw ni Ace na ikinalilingon ko. Aakmang susuntukin nya sana ako nang may biglang sumalo sa kamay nya..
Napansin ko rin na may sumalo din sa braso ni Ace.


Napalingon ako sa tabi ko at bumungad sakin si Patrick. Napansin ko rin na si Red ang nakahawak sa braso ni Ace at si patrick ay sa kamao ni Ace. Agad binitawan nila ang kamay at braso ni Ace at muli silang nagtinginan saglit bago lumingon kay Ace..


"Tsk! Pwede ba kung gusto niyo ng away sa labas nga kayo, 'wag dito nakakahiya, oh!" taray na sabi ni patrick. Ano bang ginagawa nya dito.


"Paki mo! Wala kang paki-alam, Patrick, dahil walang rules dito. Kung may war na magaganap, gaganap 'yun. Sino ka ba para utusan kami? Diyos ka ba para sundan namin, ha?!" taray na sabi ni Red habang nakatingin kay Patrick. Napatingin ako ni Patrick na ngayon ay masamang tumingin kay Red.


"Anong sabi mo?" galit na tono ang lumabas sa bibig ni patrick at lumapit kay Red habang ang mga gangster ay nakatayo sa likod ni Red pati sina Nicole at Zera..


"Tsk! 'Wag mo nga akong gawing tanga! Alam mo naman siguro kung ano ang sinabi ko!" sabi ni Red. Nako! Gulo yata ito. Moment ko sana ito, eh! Umipal pa 'tong dalawang 'to.


"Gago 'to, ah!" taray ng sabi ni Patrick at napalaki ang mata ko nang agad nyang sinuntok si Red..


"Ahh!" Gulat kong sigaw at lumapit kay Patrick para pigilan sya..


"Patrick, ano ba! Tama na!" sigaw ko sakanya at susuntukin nya sana si Red kaso bigla syang huminto dahil sa sigaw ko, tumingin naman sya sakin kaya agad ko syang pinalayo ni Red..


grave namang aura nito.. Manununtok agad? Agad- agad? Grabe sya! Napansin ko din na nilalayang maitayo si Red at tumingin sakin. Nagulat naman ako nang agad niya akong hinila papalapit sakanya..


"Mitch, 'Wag kang sumama sa kanya, please. Mapapahamak ka lang!" pag-alalang sabi nya sakin. Bigla akong naramdaman ng awa sakanya, parang gusto kong sumama kay Red.


"Mat," sabi ni patrick at muli din nya akong hinila papalapit sakanya kaya nabitawan ni Red ang paghawak nya sa braso ko.


"Mitch, please..." pagmamakaawa ni Red sakin. Napansin ko rin na tumulo na ang luha nya kaya napalunok naman ako. Kanino ba ako sasama? Parang mas safe pa ako kay Red.


Muli akong tumingin kay Patrick, tumingin din sya sakin at agad syang umiling. Napalingon ako kay Red na tudo iyak nalang..


"Hayaan mo na 'yan, Red. Halika na." sabi ni Russell at hilain sana sya ni Russell nang pinigilan ni Red at tumingin sakin..


"Mitch, please. Masasaktan ka lang kapag kasama mo ang gagong 'yan!" Luhaan na sabi nya at hinawakan ang kamay ko..
Ramdam ko naman na mas lalong hinigpitan ni Patrick ang paghawak nang kamay ko sa likod.


Saan nga ba ako sasama? Pareho naman sila ng ugali, eh. Pero kanina nga ba?


"Halika na, Red." sabi ni Zera at hinila sya..
unti unti naring nabitawan ang paghawak nya sa kamay ko dahil sa paghila nya kina Zera at Russell. Sumunod naman sina Ace at Nicole..


Ramdam ko nalang na may pumatak na luha sa mata ko. Hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko sakanilang dalawa.


"Mat," sabi ni patrick.. lumingon naman ako sakanya at pinunasan ang luha ko kaya inis kong binawi ang kamay ko sa paghawak nya at muling tumakbo.


Iniwan ko nalang sya don mag-isa. Ramdam ko din na walang sumunod sakin
kaya binilisan ko ang pagtakbo, papaalis sa paaralang ito.


©Itsme_kwenny

To be continued...

The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now