Chapter 14

549 22 0
                                    

Patrick POV


Kanina pa 'ko ako paikot-ikot dito sa campus pero wala, eh. Hinanap ko kasi si Mat. 2 hours ko na siyang hinanap pero wala talaga. Pumunta ako sa gym, pero wala, nagtanong ako sa mga ka-team mates niya pero hindi nila alam kong saan siya. Pumunta din ako sa locker niya pero wala siya do'n. Kung saan-saan nalang ako napadpad pero wala talaga.


Kinabahan ako na baka may nangyaring masama sa kanya. Imposible din na umuwi
na siya,eh, may next subject pa kami. Hindi naman siya mawawala sa ganitong oras. 2 hours na kaya akong humanap sakanya.


Impossible din na 2 hours silang na- uusap ni Red. O kaya, may ginawa silang kababalaghan? Shit!! Hindi pwede ito.


Ngayon na padpad na 'ko dito sa lobby. Kung saan nalang napadpad ang tingin ko. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan pero wala talaga.


~boghss~


Bigla akong napaatras dahil sa ma nabangga ako. Agad ko siyang tinginan at bumungad sakin ang mukha ni Luis. Ahm Bakse pala.


"Sorry, Patrick.. May hinanap kasi ako, eh!" Taranta niyang sabi at tumingin-tingin ulit sa paligid. Siguro si Mitch ang hinanap niya. Si Mitch lang naman ang kaibigan niya, kaya sigurado akong si Mitch ang hinanap niya.


"Si Mat ba ang hinahanap mo?" Tanong ko sakanya. Lumingon naman siya sakin.


"Oo, bakit? Hinanap ko rin ba siya?" Sabi niya. Agad akong tumango na nagsisilbing sagot ko.


"Pareha pala tayo, kanina ko pa din siya hinanap, eh." Sabi niya. Ano na kaya ang nangyari sakanya?


"May number ka ba niya?" Tanong ko.
Nakalimotan ko talaga hingiin ang number ni Mat.


"Ayy, Oo!" Agad naman niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan si Mitch.


Tumingin ulit ako sa paligid pero wala talagang Mitch. Napalingon ako ulit sakanya nang binaba na niya ang telepono at tumingin sakin.


"Naka-off ang cellphone niya, eh. Hayst! Nasa'n na ba kasi ang babaeng 'yun?!" sabi niya at nilagay ulit ang cellphone niya sa bulsa.


Baka inaapi na naman siya kina Ashton?shit! Pero saan?


"Tara na, hanapin na natin si Mat." sabi niya at nagsimula nang maglakad sumunod naman ako nang agad kaming napahinto..


"Alert! Room 104 have an emergency!"


Room 104? Room ni Ma'am Daffy 'yun, ah? Ano namang emergency 'yun? Biglang pumasok sa isipan ko na baka nandoon nga si Mat.


Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Bakse at agad-agad kaming tumakbo papunta do'n dahil nagbakasakali kaming
nando'n si Mat dahil sa ganitong oras, dapat nakita ko na siya. Hindi naman siya mawawala dito, eh, kasi kabisado na niya ang boung campus na 'to.


Nang nakarating kami sa room 104, nakita na namin do'n na may mga estudyante na nakatingin mula sa labas. May isang salamin kasi ang room ni Ma'am Daffy sa tabi ng pinto, do'n mo malalaman kung ano ang meron sa loob.


Agad kaming sumiksik sa mga estudyante hanggang sa nakarating na kami sa harap agad akong napatingin kung anong meron.


Hanggang sa napalaki ang mata ko na nakita kk si Mat naka-handusay sa salig at walang malay. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kasi may mga usok. Wala namang sunog pero may lumabas na usok sa may butas na nasa tapat sa table ni Ma'am Daffy.


Agad akong nagtungo sa pinto at bubuksan sana ang pinto kaso naka-lock. Pinihit ko ang door knob kaso naka-lock parin..


"Kawawa naman si Mitch,"


"Oo nga, tingnan, oh. Sino kaya ang may kagagawan nito?"


Bulong ng mga estudyante pero patuloy ko parin na sinapak ang pinto gamit ang braso ko.


"Patrick, bilisan mo!" Sigaw ni bakse. Kaya mas lalo ko pang nilakas ang pagsipa sa pinto, kahit pawis na pawis na 'ko basta maligtas ko lang si Mitch.


Patuloy ko parin pagsipa, hanggang sa nasira ko ang pinto. Agad namang may lumabas na usok sa loob. Agad kong tinakpan ang ilong ko dahil salakas nang baho mula sa loob.


Dahan-dahan akong pumasok sa loob habang nakatakip parin sa ilong ko.
Agad kong nakita si Mitch na nakahiga sa sahig at walang ng malay. Agad ko siyang binuhat na dridal style at nilabas siya sa lugar na 'yun kahit ako nahihilo na 'ko dahil sa lakas ng baho.


‘'Wag kang mag-alala, Mat. Nandito na 'ko,’


Agad ko siyang dinala sa clinic habang tumatakbo sumunod naman sakin si Bakse. Habang tumakbo kami, maraming nakatingin samin, pero binabalewala ko lang 'yun.


Nang makarating na kami sa clinic, agad akong pumasok at sumalubong samin si Doc. Mizzy, agad kong hiniga si Mitch sa kama.


Agad ding inaasikaso ni Doc mizzy si Mitch, minamasdan lang naman namin siya kung anong ginagawa niya.


Hinawakan naman ni Doc. Mizzy ang kamay ni Mitch at chineck ang pulso ni Mitch kung okay ba. Sana maging okay siya.


Agad din niyang chineck ang puso niya. Kaya napatingin ako kay doc Mizzy na natulala, na para bang hindi makapaniwala sa narinig niya.


"Walang kabog ang puso niya, wala akong naramdaman." Sabi niya. Biglang sumabog ang tenga ko sa sinabi niya. Hindi pwede ito.


"No! Doc Mizzy, hindi pwede 'yan! Please.. paki-double check!" Sigaw ko kay doc Mizzy, pero umiling siya.


Biglang bumilis nang kabog ang dibdib ko. Hindi pwede ito. Hindi pwede mawala si Mitch.


Dali-dali akong lumapit kay Mitch at tinapat ang tenga ko sa ilong niya. Kaya biglang may naramdaman akong init na hangin na lumabas sa ilong nya. Agad ko ding hinawakan ang kamay niya at chineck ang pulso niya. At ramdam ko din na biglang may kumabog at dahil do'n bigla akong napangiti. Agad ko din hinawakan ang dibdib niya kung saan nandoon ang puso niya, gamit ang kamay ko. Naramdaman ko din na lakas nang kabog ang dibdib niya..
Buhay siya.


"Hmm," bigla akong napatingin kay Mitch nang umuungol siya at dahan-dahang minulat ang mata niya.


Bigla akong napangiti at hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. napansin ko din sa mga mata ko na ngumiti din sina doc Mizzy at Bakse.


"P-Patrick," Walang gana niyang sabi pero namumutla parin.


"Mitch," tawag ko at agad ko siyang niyakap nang mahigpit na mahigpit. Napaiyak parin ako, napatingin naman ako sakanya.


"Buhay ka," Sabi ko at hinawakan ang pisngi niya. Pilit naman siyang ngmuti.


Agad ko siyang hinalikan sa noo at niyakap ulit. Ramdam ko naman na niyakap din niya ako at hinamas-himas ang likod ko.


‘Sisiguradohin kong mapapatay ko ang may kagagawan nito sayo, Mat. Kung may kinalaman man dito sila Ashton, humanda sila sakin.’


©Itsme_kwenny

To be continued..

The Nerd Pretender [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon