Chapter 3

767 28 0
                                    

Mitch POV


Agad akong kumalas sa yakap niya dahil baka may makakita samin, mahirap na. Hindi ako tumugon kasi baka isipin ng iba 'diyan na nilalandi ko si Patrick, makitid pa naman ang utak ng iba 'diyan.


"Segi, mauna na ako. Salamat nalang sa tulong mo," mahinang sabi ko. Agad ko siyang tinalikuran at iniwan mag-isa doon.


Nicole POV



Napatingin ako nila Patrick at Mitch na ngayon ay magka-yakap, mabilis namang kumalas si Mitch at mukhang may sinabi pa ito bago niya iniwan si Patrick mag-isa.


Nasa isang sulok kami kung saan hindi kami makikita ng dalawa. Sinundan kasi naman ang dalawa dahil pakiramdam ko may gagawing hindi ko magugustohan ang babaeng 'yun at mukhang hindi nga ako nagkakamali.


"Ang landi niya talaga! Mapapatay ko talaga ang babaeng nerd na 'yan!" Inis kong bulong habang madiin kong kinuyom ang kamao dahil sa galit. Kasama ko ang dalawa kong kaibigan na si Zera at Anjie na nasa likod ko ngayon.


"Pa'no na 'yan girl, anong sunod mong plano?" tanong ni Zera sakin at nandilim naman ang mukha ko dahil hindi na mawala sa isip ko na nagyakapan silang dalawa.


Inunahan mo 'ko, hayop ka.


"Humanda ang babaeng 'yan bukas, mapapatay ko talaga siya. Hindi niya dapat mapasakaya si Patrick, Patrick is mine!" Sabi ko at umalis. Sumunod naman sakin si Zera at Anjie.


Ashton POV


Naglalakad kaming mag-barkada papuntang library dahil kanina ay napaaway kami kay Mitch. Haha! mabuti na 'yun sa pangit na 'yun, 'no.


"Ash, si Mitch, oh!" Sabi ni Red. Napahinto kami sa naglalakad ng nakita namin si Mitch na mag-isang naglalakad habang nakayuko.


"Ano, puntahan natin?" tanong ni Dark habang nakakalokong ngiti. Hindi naman ako sumagot agad at napatingin lang sa kanya.


Napansin naman namin ng napahinto siya sa naglalakad nang nakita niya kami, pero yumuko lang siya at patuloy sa paglalakad. Agad kaming humarang sa dinadaanan niya.


"Hoy!" Inis kong tawag sabay tulak sa dibdib niya. "Hindi pa tayo tapos, pangit!"


Pero hindi niya lang kami pinansin at lalagpasin niya sana kami nang agad ko syang hinila ng malakas pabalik sa kinatatayoan niya. Nalaglag naman ang libro na dinala niya at tumingin sakin ng masama.


"Ano, aangal ka?" Hamon ko sa kanya pero tinarayan niya lang ako at kinuha ang mga libro niya.


"Hindi ba talaga kayo nag-sasawang i-bully ako?!" Inis niyang tanong samin matapos niyang kinuha ang mga libro niya. "Wala na ba talaga kayong magawa at ito nalang ang ginawa niyo, ang mag-bully? Buti naman at natutuwa pa kayo sa ginagawa ninyo. Hindi niyo lang na-isip na isang masamang gawain 'yan. Hindi ko alam kung pinalaki ba kayo ng tama o tinuruan ng tamang asal dahil diyan sa ginagawa niyo. Saka, bakit niyo ba ako binubully? Wala naman akong ginawang masama sa inyo, ah? Nakita niyo bang sinuntok ko kayo? Nakita niyo bang binully ko kayo? Wala naman, 'di ba? May karma ding dadating sa inyo, at balang araw din, makakaganti ako sa inyo." Hindi ko alam kung saan siya nakuha ng lakas ng loob upang sabihin samin 'yun.


Dahil sa inis ko ay agad ko syang nilapitan at agad kong hinawakan ang leeg niya para hindi siya makahinga .


"'Wag na 'wag mo kaming pag-babantaan. Hinding-hindi ako natatakot sayo!" Bulong ko sakanya. Pansin ko namang tumulo ang luha niya.


"Ah! Bi..ta..wan..mo..ko,"  Utal nyang sabi at pilit niyang alisin ang kamay ko.


Wala akong pakialam kung may makakakita samin. Binilog kasi ang ulo ko ng dahil sa babaeng ito.


Patrick POV



Naglalakad ako papuntang library ngunit agad akong napahinto nang nakita kong sinaktan si Mat ni Ashton at ang mga kaibigan naman ni Ashton ay pinapanood nalang nila ang ginawa ni ng kaibigan nila.


Shit! Kailan ba sila titigil?


"Ashton!" Sigaw ko mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo at agad kong sinuntok si Ashton kaya agad nyang nabitawan si Mat at napabagsak sa sahig ganun din naman si Ashton..


"Gago ka! Ano bang ginawa mo? Kung gusto mong mamamatay tao, unahin mo muna ang sarili mo! Gago!" Galit kong sigaw sakanya..agad naman syang tumayo at aakmang susuntukin sana ako nang pinigilan siya ng mga kaibigan niya.


Tsk! Ngayon niyo pa naisipang pigilan 'yan samantalang kanina, nakatunganga lang kayo at hindi niyo nagawang pigilan si Ashton sa ginawa niya kay Mat. Hayop!


"Hayop ka!" Sigaw niya ramdam ko ang galit niya. Tinignan niya ako ng masama at sa tingin niya palang ay gusto na niya akong patayin. Agad siya tumayo ngunit mabilis siyang hinawakan ng mga barkada niya at kinaladkad papalayo sakin.


Bigla naman lumuwag 'yung hininga ko at pumasok sa isip ko si Mat kaya agad ko syang nilapitan na nakahandusay sa sahig.


"Mat, Mat, FVCK!" Aligaga kong saad. Napatingin naman ako sa leeg niya na biglang namamaga at kitang kita ko ang tatak ng kamay ni Ashton.


Napatingin naman ako sa mukha ni Mat at aakmang hahawakan niya sana ako nang biglang bumagsak ang kamay niya at taluyang nawala ng malay.


"Mat, gising Mat!" Kaba kong sabi at pinikpik ang pisngi niya pero hindi sya gumising.


Shit!


*****
To be continued..

The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now