Chapter 25

514 20 0
                                    


Mitch POV


Nandito pala ako sa canteen. Syempre nakaupo ako sa upoan kung saan ito yung mesa na pinagkainan namin sa tuwing dito kami ni Patrick kumakain at ito yung mesa na dapat kami lang dalawa ang gagamit o uupo. Nagmukmuk lang ako dito, hindi ko din alam kung saan pinost ang results sa exam.. Buti nalang din at hindi na nagbulong-bulongan ang mga estudyante dito tungkol sakin. Siguro tanggap na nila kung sino ako.


Kunting tiis nalang din at ipapakita ko na talaga ito. Pero matatanggap parin kaya ni Patrick kung sino ako? Kung sakaling magalit sya dahil hindi ko sinabi sakanya ang totoo, hindi kaya sya magtataka o ano? Ah! bahala na malalagpasan din ang pagsubok na 'to, dahil na niniwala naman ako na walang problemang hindi malulutasan.


"Mitch!"


Napatingin ako sa pinto nang may sumigaw sa pangalan ko at nakita ko si Bakse. Agad akong tumayo at lumapit sakanya.


"Oh, bakit? May results na ba?" Tanong ko sakanya. Tumango naman sya kaya bahagya akong napangiti. Yes! Sana makuha ako sa Top 10.


"Oo, kaya halika na!" Sabi nya at tumalikod agad naman akong sumunod.


Pagdating namin doon. Agad kaming napahinto nang nakita namin na nagsiksikan ang mga estudyante. Grabe! Hindi talaga sila kakalas, alam naman nila na masikip, sumiksik parin. Parang hindi mapakali. Kailangan talaga sumiksik para makita nila ang results?


"Naku! Andaming tao!"  Reklamo ni Bakse. Pero nanatili parin akong nakatingin sa mga estudyante.


Agad naman silang natigilan nang biglang tumunog yung bell at maya-maya pa ay agad silang nagsi-alisan, hanggang sa wala ng tao.


"Oh, Tara!" Sabi KO at tumakbo patungo doon sa may board. Sumunod naman sya. Agad kong hinanap ang Section 1. Hinanap ko agad ang pangalan ko habang nakaturo sa papel at halos gusto ko nang manuntok ng tao nang makita ko ang pangalan ko.


Oh, my god! Top 6. Yes! Dahil sa tuwa, hindi ko mapigilang tumalon na daig pa ang nanalo sa lotto. 'Yung ngiti ko ay umabot hanggang mata. Sa nakikita ko ngayon, parang may kung ano sakin na mas gagalingan ko pa para mas tataas pa ang grado ko.


"Oh, my god! Top six ako!" Saya kong sabi at agad akong yumakap kay Bakse na nasa tabi ko. Napayakap ako nang mahigpit na mahigpit, ngunit bigla akong natulala nang nakita ko si Bakse sa harap ko na tumawa. Agad naman akong kumalas upang tingnan kung sino at laking gulat ko nang makita si Patrick.


"Patrick?!" Napangiti naman sya at napakagat sa ibabang labi, kaya napakonot noo ako. Hindi ko kasi napansin na siya pala ang nasa tabi ko.


"Grabe ka naman makayakap. Miss mo na 'ko, 'no?" Panunukso niya sakin kaya agad akong umiwas dahil pakiramdam ko, uminit bigla ang pisngi ko. Puta! Grabe naman 'tong lalaking ito, kung saan sumusulpot.


"Hoy, hindi, ah!" Tanggi habang nauutal.
Lihim naman syang tumawa habang si Bakse ay kanina pa tumatawa. Kainis naman 'tong baklang 'to.


"Akala ko kasi si Bakse. Hindi ko alam na ikaw pala 'yan. Bakit ba kasi sulpot ka nang sulpot!"  Pagsusungit ko at nagcross-arm.


"Tsk! Girl, hindi mo naman kaso napansin 'tong gwapong 'to dahil naka-fucos ka sa board!" Sabi ni Bakse na may nakakalokong ngiti sa labi. Napansin ko din na yumukong tumawa si Patrick at muling tumingin sakin na nakangiti.


Porker top one,  ganyan na siya makangiti sakin ngayon? Gayon pa man ay humahanga ako sa katalinohan niya. Sa dinami-dami ba namang estudyante dito, siya pa talaga ang nanumero uno. Hindi na rin magtataka kung bakit habolin ito ng babae dahil gwapo na nga, matalino pa.


The Nerd Pretender [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن