Chapter 18

558 20 0
                                    

Mitch POV


Good morning everyone. Nandito na 'ko ngayon sa library, nakatayo sa may pintoan at nakayakap ako sa libro ko sa dibdib. Hinihintay ko kasi si Patrick dahil ang sabi niya kagabi, magkita daw kami dito dahil mag study para sa malalapit na exam. Sana nga makuha ako sa Masteris Examination Students (MES) top 10 dahil gusto kong ma-proud sakin si daddy para makabalik na 'ko ng states.


Napatingin naman ako sa relo ko na nasa kaliwang kamay ko at its already 8:30 am na. Bakit ang tagal nyang dumating? Kanina pa 'ko dito nakatayo, eh! Nangangawit na tuhod ko.


"Mat!"


Napalingon ako sa kanan nang may sumigaw sa pangalan ko. Nakita ko naman na tumakbo habang papalapit sakin na si Patrick. Agad na lang akong umayos at paglapit nya sakin ay hingal na hingal sya.


"Sorry, natagalan ako. Traffic kasi," Sabi nya habang hinabol ang hininga nya. Napangiti na lang ako.


"'Di okay lang," Pangiti kong sabi. Ngumiti naman sya.


Gwapo nya pala, 'no. Cute din. Swerte siguro ang maging gf nya. Hindi ka rin mag sisisi kasi, mabait, matapang, matalino, at higit sa lahat, marunong rumispeto.


"Ano, Mat? Tara?" Sabi nya. Agad na lang akong tumango at pumasok sa library sumunod naman siya. Nang nakapasok na kami, laking gulat ko na sobrang dami ng estudyante na nagstudy. Parang halos mesa, ginamit nila.


"Nako, wala na yata tayong mesa. Tingnan mo, oh. Lahat walang bakante!" Sabi ko at tumingin sa paligid.


Sobra namang tahimik dito. Parang tunog lang ng fan ang narinig ko. Fucos na fucos silang lahat, eh. Ang lahat nang attention nila nasa libro, siguro dahil ito sa malalapit na exams.


"'Wag kang mag-alala, may bakante doon, oh!" Sabi nya sabay turo sa mesa sa huli.
Lumakad na lang ako at patungo don. Agad akong umupo at magkaharap kami ngayon sa isat isa.


Finally nakaupo na rin ako. 1 hour kaya akong nakatayo sa labas kanina habang hinintay ko si Patrick.


Napatingin na lang ako kay Patrick na ngayon ay nagbabasa na ng libro at may sinulat. Agad akong kumilos dahil ako lang yata ang hindi nagstudy. Sobrang fucos na si Patrick kesa sakin. Agad kong kinuha ang science book mula sa bag ko at nilapag sa mesa.


Kailan kong mag study ng maayos. Para maka-graduate ako dito. Buti na lang at wala dito sina Nicole at yung limang gangster, gulo naman ang magawa non kapag nakita ako.


3 hours later


Hay! Pagod na 'ko shit! 3 hours na 'kong nagsusulat, pero si Patrick tahimik pa rin at walang ginawa kundi magsulat at magbasa. Grave, hindi talaga sya napapagod. Kung sa bagay hindi sya madaling sumuko sa bagay na important para sakanya.


Agad akong tumayo at nagtungo sa mga librohan. Hinanap ko naman yung Economics at Mathematics. Agad kong hinanap sa mga mata ko 'yun hanggang sa napatingin ako sa itaas at nakita ko 'yun at nagkatabi pa.


Aakmang kukunin ko na sana nang hindi ko maabot. Napatalon-talon na lang ako pero hindi ko talaga maabot, eh. Ang liit ko na! Hanggang sa may napansin ako na may dalawang kamay na kumuha sa libro na dapat para sakin.


Napatingin ako sa kanan at kaliwa at nakita ko si Red at si Patrick na kumuha sa libro KO. Si Red naman sa Economics habang si Patrick ay sa mathematics.


"Ito ba ang gagamitin mo?" Sabay-sabay nilang tanong. Napatingin naman sila sa isat isa at bakas sa mukha nila ang galit.


Nako! Gulo yata ito. Bakit ba sila nagtatagpo pa dito mismo sa harap ko at nasa gitna pa talaga ako?


"Uh, Oo. Thanks," Sabi ko at kinuha yung libro. Napatingin ako sakanilang dalawa.


"Tsk! Grabe talaga si kupido, 'no? Pinagtagpo pa tayo," Pangiting sabi ni Red
sakin at kinindatan ako. Ngumiti naman ako.


"Well, siguro naman tadhana lang ang gumawa no'n dahil kung si kupido, mabilis kang mainlove, 'di ba, Mat?" Pangiting sabi ni Patrick sakin. Wala akong choice, tumango na lang ako. Wow! Kupido? Tadhana? Tsk! Luma na sakin yan.


Napataas na lang ako ng kilay dahil sa mga salita nila. Ewan ko ba kung saan ako maniwala, kupido or tadhana?


"Talaga?" sabi ni red at hinila ako papalapit sakanya. Napatingin ako ulit ni Patrick na bakas sa mukha nya ang galit.


"Pwede ba, Red, kung gusto mo humawak ng babae, 'wag naman 'yung mahal ko. Baka sasabog 'yung ulo ko, eh." lambing na sabi ni Patrick habang nakangiting nakatitig sakin at hinila naman ako papalayo kay Red


Mahal ko?? Mahal nya ako? Tsk! Impossible naman yun. Kalokohan naman yata iyon. Alam kung sinabi lang yun ni Patrick para mapalayo ako kay Red.


Nakita ko naman na ngumiti si Patrick sakin at kinindatan ako. Shit! Lakas nang kabog ng puso ko. Oh, my god! Ano ba 'to? Lumingon siya kay Red. Napatingin na lang ako ni Red na bakas na mukha nya ang galit.

Grabe, parang laroan na yata ako na pinag aagawan sa mga bata na mahilig sa Barbie.


"Sigurado ka–" Hindi natuloy ang sasabihin nang pinutol agad ni Patrick.


 "Well, yes!" Pangiting sabi nito at dahan dahang lumapit Kay red..


"Mitch, is mine. Walang makakahawak sa kamay niya kundi ako lang. Naintindihan mo 'yun, Red?" Bulong nya, pero hindi ko masyadong narinig kasi ang hina, eh. Napatulala naman si Red.


Maya maya pa ay lihim na tumawa si Patrick at hinila ako papaalis sa lugar na 'yun.


Habang hinila ako ay nakatingin ako ni Red at nag peace sign. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ni Patrick. Nakakainis naman, oh. Pinag-aagawan pa 'ko. Hila doon, hila dito. Hila dito hila doon. Hindi ko na din alam kung saan ako pupupwesto. Patrick or Red??


Nang nakarating kami sa table namin ay inupo ako ni Patrick sa upoan ko. Ganun din naman sya at tumingin sakin, masama.


"Walang aalis, ah? Diyan ka lang!"


Problema niya?

©Itsme_kwenny

To be continued...

The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now