Chapter 27

477 22 1
                                    

Nasa canteen ako ngayon. Wala akong kasama. Ewan ko kung nasan yung kaibigan ko. Nakaupo ako ngayon sa may upoan at kung saan-saan ko lang ibabaling ang ulo ko, eh, halos lahat ng tao dito may kasama maliban lang sakin.


Napatingin ako sa kabila nang nakita ko si Patrick na naglalakad habang naka-kabit ang bag niya sa balikat at dala-dala ang libro. Kaya agad akong tumayo at tumakbo patungo sakanya.


Paglapit ko sakanya ay bigla syang napahinto at nagulat dahil sa ginawa ko.


"Saan lakad mo?" Tanong ko sakanya..
Hindi naman sya sumagot at agad nya akong nilagpasan.


Anong problema nya? Dahil ba 'to sa pagsampal ko sakanya kahapon? Hindi ko naman talaga yun sinadya, gusto ko sanang mag-sorry, eh. Agad ko syang nilingon.


"Pat–" Hindi natuloy ang sasabihin ko nang agad nyang pinutol.


"Busy ako ngayon, Mat. Sa iba na lang." Sabi nya habang nakatalikod.  Nagtataka ako sa inaasta niya at panlalamig niyang tinig.


"Oh, okay." Nalilito kong sabi. Tsaka sya patuloy sa paglalakad. Sinundan ko naman sya ng tingin.


Ano bang problema nya? Ako ba o yung pagsampal ko sa kanya kahapon Shit! Dapat mag-sorry ako. Pero pa'no? Iniwasan nya ako.


Until unti nalang akong umiwas at konot-noo'ng naglalakad. Ewan ko kung ano ang gagawin ko.. Parang galit yata si Patrick sakin. Pero saan na kaya si Bakse? Miss ko na ang baklang yun.


"Hi there, nerd."


Bigla akong napahinto at agad kong inangat ang ulo ko nang may nagsalita at bumungad sakin 'yung Gangster maliban lang kay Red.


"Ano namang kailangan niyo?" Konot noo kung tanong sakanila. Akala nila hindi ako lalaban?


"Nothing," Sabi ni Russell at lumapit sakin. Nabigla naman ako nang agad nyang kinuha ang cellphone ko.


"Ano ba! Akin na nga 'yan!"  Kukunin ko na sana ang cellphone nang agad nyang pinalayo at binigay kay Ace. Shit!


"Alam mo ang sarap mong sapakin! Tsk! Nerd ka ba talaga, ha?!" Taray na sabi ni Russell. Nabigla naman ako sa sinabi nya. Aba! Malalaman nyo din yan, gago!


"Ano ba! Tantanan niyo na nga ako! Nanahimik na nga ako, eh, gugulohin niyo pa!" Pero tumawa lang sila. Magsasalita sana ako nang nakita ko na ginalaw nila ang cellphone ko..


Nanlaki na rin ang mata ko don dahil ang naka-wallpaper don ay ako nang hindi naka-nerd. Shit! Hindi dapat nila malaman na hindi ako nerd. Naku! Paano na!


"Oh, sino 'to? Ate mo? Ganda, ah! Kambal mo?" Sunod-sunod na tanong ni Dark at pinakita yung picture ko. Bigla akong kinabahan dahil nakita nila ang totoong mukha ko na akala pa nila na kambal ko.


"Ano ba! Akin na nga 'yan!" Kukunin ko na sana ang cellphone ko nang hinarangan ako ni Russell.


Damn it!


"May kambal ka pala? Mas maganda pa nga 'to kesa sayo, ampangit mo!" Sabi ni Ashton at sabay-sabay silang tumawa.


Napakuyom naman ako. Pero na-inis din ako dahil sa sinabi ni Ashton . Tsk!! Kala mo naman kung sinong gwapo.. Pero wala naman talaga akong kambal, eh. Yang tinutukoy nila ay ako.


"Ano ba!" sigaw ko at agad tinulak si Russell at agad kong kinuha ang cellphone ko na hawak ni Ace at mabilis na tumakbo.


"Aba! Gago ka, ah! Bumalik ka dito hayop ka!" Rinig kong sigaw ni Russell..
Shit. Sinundan pala nila ako. Tumingin naman ako sa likod ko habang tumakbo at Nakita ko na hinabol nila ako..


Pero patuloy parin ako sa pagtatakbo. Marami na rin akong nababangga pero Patuloy parin ako. Ito na ba? Ito na ba. Na malaman nila ang totoo kung sino ako?


"Huli ka!"


Napahinto ako sa pagtatakbo at nabigla ako nang agad akong nahuli nila Nicole at Zera. Hinawakan naman nila ako sa braso at pinaharap nila Ace. Na ngayon ay tumakbo parin ngunit nahinto sila nang nakita ako na nahuli nila Nicole.


"Ito ba ang hinabol niyo?" pangiting sabi ni Nicole sakanila. Ramdam ko nalang na pumatak na ang luha ko.


"Nice catch!" Sabi ni Ashton at agad nya akong hinila. Dumidiin na din ang kuku nya sa braso ko.


"Ano ba! Bitawan niyo nga ako!" sigaw ko at kakalas na sana ako nang hinila parin ako ni Ashton papunta sa gitna ng campus.
Ano bang gagawin nila sakin?. Papatayin ba nila ako? Okay! Kung patayin nila ako, e 'di mas mabuti para mawala na ang salot dito sa campus.


Nagulat naman ako nang agad akong tinulak ni Ashton at agad din akong napadapa sa sahig.. Nalaglag narin ang re
reading glasses ko at kasabay nang makapal kong kilay.. Shit!! Kulang nalang itong wig ko ang matanggal .


Bigla akong na-inis at kumuyom yung kamay ko. Pwess ipakita ko na ito. Ipakita ko na talaga itong pagmumukha ko.


Agad akong tumayo at humarap sakanila. Hindi ko na sinuot ang reading glasses at makapal kong kilay dahil ready na 'kong ipakita kung sino ako.


"Alam niyo, bagay sa inyo ang imudmud sa sahig. Kung gagawin ko kaya 'yun sa inyong lahat? Siguro naman nakatingin na kayong lahat na masarap pa sa sakit." Pagbabanta ko kina Ashton. Tumaas naman ang kilay nya at muling tumawa. Napatingin narin samin ang lahat nang estudyante dito sa campus at silang lahat tumawa.


"Hahaha! Hoy! 'Wag na 'wag mo kaming pagbabantaan, ah? Tsk! Bakit, kaya mo 'yun?" Sabi nya at muli silang tumawa ..
Akala nila hindi ko kaya yun. Akala nila mahina akong babae?


"Oh, akala mo hindi ko magagawa 'yun? Ano? Gusto niyo Ipakita ko?" Ngiting sabi ko nang bigla silang napahinto sa pagkakatawa dahil sa sinabi ko.


"Ang kapal ng mukha mo!" Taray na sabi ni Nicole at sabay sampal sakin.


Napahawak ako sa pisngi ko nang biglang sinampal ako ng malakas ni Nicole.
Napansin ko din na biglang nahulog ang wig ko kaya bahagya akong ngumiti.


Inangat ko ang ulo ko at napalaki ang mata nila at napanganga dahil sa nakita nila mula sakin. Kitang kita na nila ang straight hair ko na hanggang bewang. Napansin ko din na natulala ang mga 4 gangster at sina Nicole.


"Oh, ano? Para malaman niyo, wala akong kambal at hindi ako nerd!" Pangiti kong sabi pero natulala parin sila.. Tumaas naman ang kilay nina Nicole at si Zera ay napanganga, ganun din sina Dark.


"Grabe, sobrang ganda ni Mitch, bro!"


"Si Mitch ba 'yan? Shit! Ganda niya, pare!"


"Bagay siya maging Queen Bee."


"Crush ko 'yan!"


"Hindi pala siya nerd?"


"Ang Ganda niya pala?"


"Oo nga, pero bakit niya tinaggo ang pagkatao niya?"


Yan. 'yan ang mga bulong na narinig ko mula doon hanggang dito. Ngayon, nakita na nila kung sino ako.


Ashton POV


Natulala ako dahil sa itsyora ni Mitch.
Hindi pala sya Nerd. Sobrang ganda nya pala. Akala ko kambal nya ang nasa cellphone nya yun pala ay sya. Shit!!
Ganda niya!


©Itsme_kwenny

To be continued...

The Nerd Pretender [COMPLETED]Where stories live. Discover now