Kabanata 12

9.9K 525 156
                                    

HOPE

Mas ma init pa sa umuusok na kape ang tensyon sa hapag-kainan. Tahimik ang lahat at walang gustong kumibo.

Tantiya ko ay galit pa sa akin ni Papa habang masama naman ang loob ni Mama.

We never talked about Chance's confession and still, malamig pa rin ang pakikitungo nila sa akin.

Hindi ko nga magawang sabihin sa kanila na may maganda na akong trabaho, na may malaki akong project at mababangon ko na ang furniture shop.

I can't even have a good time with them, hindi ko na magawang mag biro at makipag tawanan sa kanila.

Makipag harutan kay Nimfa, makipag batuhan ng mga baduy na jokes kay Papa at kahit ang mga awayan namin ni Ate at mga utos ni Mama ay sobra ko ng na mi-miss.

Things really changed after Chance proclaimed a lie in front of my family and I badly missed them.

The old us.

I sighed and Ate Niña stood up, "Nimfa bilisan mo kumain at sabay na tayong pumasok."

"Opo," sagot ni Nimfa na mabilis na tinatapos ang pagkain.

Napayuko ako at ma-ingat na binitiwan ang mga kubyertos.

I can't be as quiet as a mouse, and besides, it will worsen the situation lalo na at mamayang gabi at nakahanda ng mamanhikan ang parents nila Chance which is not good na hindi pa sila aware.

And it will add fuel to the fire kung magugulat na lang sila sa biglaang pag dating ng mga bisita so I eagerly gathered all my strengths to open my mouth and stared back at them.

Lahat sila ay busy pa rin sa sariling pagkain and I sighed.

"May mga bisita po ako mamayang gabi." pagsisimula ko at nag angat ng tingin sa akin si Mama.

Ganun din si Ate Niña na napalingon sa direksyon ko habang sinenyasan niya si Nimfa na pumasok muna ng kwarto.

Wala naman naging imik si Papa na patuloy pa rin sa pagkain. Mas kinakabahan ako kapag hindi siya kumikibo man lang.

Mas gusto ko marinig na galit siya kesa yung tahimik na hindi ko man lang alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

"At talagang makapal ang mukha mo para mag bitbit ka pa ng mga bisita?"

"Niña," suway ni Mama sa sarkastikong banat ni Ate.

"H-hindi naman kasi sila basta bisita lang." sagot at humuhugot ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanila ang pakay nila Tita Ayen.

"Tss! Bakit may bisita ka bang matino?" mapanuyang tanong ni Ate at mariin kong nakagat ang labi.

"Pwede ba Hope kung sila Francis lang 'yan dun na lang kayo mag liwaliw sa bahay nila. Katapang naman ng hiya mo na ang dami ng problema dito sa bahay tapos nagagawa mo pang mag saya."

"Niña, tama na 'yan na sa harapan pa rin tayo ng pagkain. Konting respeto naman." awat ulit ni Mama at binitiwan na ni Papa ang kutsara niya.

Huminga ako ng malalim at umiling sa kanila, "Hindi naman sila Francis ang bisita ko."

"Diretsuhin mo kami, Honey Perez. Hindi kami manghuhula para malaman ang gusto mong sabihin." malamig na sabi ni Papa at mas nag init ang mata ko ng maramdaman ko iyong galit niya sa akin.

Halatang hindi pa rin niya ako gustong kausapin, gustong gusto ko siyang yakapin at umiyak sa mga bisig niya.

Mag sumbong at sabihin sa kaniya na hindi totoo ang mga sinabi ni Chance.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon