Kabanata 16

5.9K 314 100
                                    

HOPE

"Mag-swap muna kaya kayo ni Chase?"

Hindi maganda ang kutob ko sa pag-aya ni Ysa na mag-lunch kaming apat. Pakiramdam ko ay nakakaramdam na siya na hindi si Chance ang kasama niya kundi si Chase.

She keeps eyeing at Chance as if she's aware that there's something wrong between the twins at ayoko, ayokong umabot sa punto na mabuking kami.

I mean, okay lang sa akin na malaman ni Ysa ang lahat pero sana hindi sa ganitong paraan.

Ayoko naman mag mukhang ahas.

Duh! Sa ganda kong 'to, ahas lang? Dapat cobra para sosyal at mas makamandag.

"No need. Why are you so worried, huh?"

"Pero paano kung mabuking tayo ni Ysa." mahina kong bulong sa mga huling salita sa takot kong marinig kami ni Ysa.

She's just a few steps away from us. Kausap niya si Chase at halatang nililibang siya ni Chase. Pero hindi sapat. Hindi talaga maganda ang kutob ko. Kinakabahan ako kay Ysa.

"I said no need. Kilala ko siya, and she  will not do anything that will come back to haunt her."

"'Di mo syor, kyah." sabay irap ko kay Chance at inis kong hinila-hila ang damit niya.

Matalim ang naging tingin ni Chance sa akin at sa sobrang talim parang gusto niya akong saksakin.

Kung talong na matulis ang panaksak  niya, aba G ako diyan.

"Tss! Huwag kang paranoid." bulong din niya at pinalo ang kamay kong nakakapit sa kaniya.

Bakit ba mukha siyang panatag? Kalmado at mulhang hi di siya kinakabahan sa pwedeng gawin ng fiancee niya.

"Go on, let's go and act accordingly."

"Don't be so calm. Hindi mo alam kung anong kayang gawin ng taong in love. They can do even the worst and most stupid things in this world."

"I know," he stops. "That's why you are here and we're playing this stupid and foolish show." mapait ang ngiti niyang sabi at somehow, nakaramdam ako ng guilty.

Masyado na ba ako nagiging insensitive sa feeling ni Chance?

Alam ko naman hindi siya masaya sa mga ginagawa namin pero kasi ang tanga niya.

Literal na ang tanga-tanga niya at iyon ang kinaiinisan ko.

"I-I can tell her the truth. Sasabihin ko na namali lang naman talaga akong tinutulan na kasal." sagot ko kay Chance nang mapansin kong wala na si Ysa at Chase sa paligid.

Ewan ko ba, pero iyon naman ang gusto ni Chance 'di ba? Maybe naipit lang siya sa sitwasyon kaya siya napilitan na saluhin ako? Ang kahihiyan.

But with this situation, I can take all the blame and responsibilities with my actions. I'm hoping that I'm not too late for it.

A small smile appear on Chance's face, a bitter-sweet smile to be exact.

"No need, Honey. You were given by a chance." he said before he turned his back.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon