Kabanata 18

5.3K 303 102
                                    

HOPE

Sadya akong pumunta sa department nila Jared para sabayan siya pababa sa parking area. Hindi ako makakasabay pauwi sa kaniya dahil na rin sa sinabi ni Chance.

Hindi dahil gusto kong magtanim siya ng talong sa akin kundi dahil sa sinasabi niyang plano kung paano ko ipapakitang lumalaki ang tiyan ko.

"Sigurado ka ba?"

"May biglaan kasing emergency na kailangan kong tapusin. Sabihin mo kay bakla na emergency. Nako, magtatampo 'yun sa akin." paliwanag ko kay Jared.

Hindi na talaga ako makakasabay sabkaniya ngayon. Kapag ginabi kami ni Chance mamaya, baka magsabi na ako kay bakla na bukas na lang siya mag-drama.

Extended muna ang pagiging broken hearted niya.

"Huwag kang mag-alala, hindi ka naman matitiis ni Francis."

"Sabihin mo hintayin ako baka uniyak. Baka wala na siyang luha pagdating ko." tumawa si Jared sa biro ko at tumango-tango siya sa akin.

"Sige, ako ng bahala magpaliwanag kay Francis. Mag-iingat ka sa pag-uwi."

"Sure baby, text pa kita kapag nakauwi na ako." hagikgik kong pasaring kay Jared at wala na. Happy pill niya lang talaga ako pero hindi ako ang labidabs niya.

Tapos bwisit pa si Chance. Pinagbabantaan ako na hindi ko pwedeng i-chismis kay Jared ang tungkol sa amin.

Bahala na nga. Hindi naman siguro long term ang pagpapanggap namin at soon, malaya na akong lumande.

"Ingat!" kumaway na ako kay Jared at pinagmamasdan ko pa siya hanggang tuluyan siyang makaalis.

Nag-chat na rin ako kay Chance na dito ko na lang siya hihintayin sa parking lot. Napapagod na ako umakyat.

Pag-angat ko ng tingin at pag-alis ng isang sasakyan ay agad na bumungad sa akin ang wangis ng dalawang tao.

Saksi ang dalawa kong magandang mata sa kung paano mawasak ang labi ni Ysa at Chase sa isa't isa.

I unconsciously cover my mouth and my eyes grew wider. They are sharing into a wild blaze of kiss, and Ysa's hands wrapped around Chase neck.

OMG! Ang inosente kong mga mata. Mabilis akong tumalikod at ayoko makakita ng live porn but as I turned my back, the elevator tings to open.

Agad na niluwa ng elevator si Chance at bigla akong nataranta. Shit! Nandito siya. Makikita niya si Chase at Ysa na naglalaplapan.

"Good thing you—"

"S-Sa—T-Tara na." sabay tulak ko sa kaniya patalikod at nahagip ko pa ang pagkunot ng noo niya.

"Nandoon ang sasakyan ko, huwag mo akong itulak."

"A-Ah, eh s-samahan mo muna ako. Tama samahan mo muna ako sa taas." pagdadahilan ko ulit may Chance at pilit ko siyang itinulak pabalik sa may elevator.

Bahala na kung maiinis siya sa akin pero hindi naman siguro siya martyr para tiisin na makita na hinihigop ng iba ang girlfriend niya. 'Di ba?

"And why do we need to go back there? Akala ko ba nagmamadali ka—"

"May na iwan nga kasi ako." sagot ko agad pero nagmatigas na si Chance at pilit niya akong hinarap.

Salubong ang maitim at makapal niyang mga kilay. Kunot ang mga noo at bakas ang inis sa mga tingin niya sa akin.

"May itinatago ka ba?"

"W-Wala noh! Samahan mo na kasi ako sa taa—"

"Let me see."

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon