Kabanata 46

6.1K 435 199
                                    

Akala niyo wala na? Ihabol ko kahit galing tayo ng klase. Haha. May pasok kasi ako every Sunday bilang student so, ayun kaya medyo delay.

But hope, you still like this update and yes, anong taguan ng anak kayo diyan? Haha.

Maawa kayo ang haba na ng CC and open-ended pa ang ending nito kapag nagkataon. Haha. Tatlong ending ang pinagpipilian ko para sa CC.

Una ay kagat ng langgam. Iyong ending na pangalawa ay kagat ng dinasour at yung pangatlo naman ay kurot ng nail cutter. So, bahala na kung saan dalhin ng daliri ko ang ending ng CC. Hihi. Pero wag na magtaguan ng anak baka abutin tayo ng book 2. Haha.

Oh siya! Happy reading and sweet dreams 😘

HOPE

It's been a week since the day I decided to move on pero hindi madali. Walang araw o oras na nakalimutan ko si Chance.

Araw-araw ko rin hinahawakan ang suot kong singsing na siyang nagpapaalala sa akin ng maraming bagay tungkol sa kaniya.

But I need to let him go. Hindi ako makakaahon kung patuloy ko lang maalala ang lahat ng mga pinagsamahan namin.

Pinili kong hubarin ang suot na singsing at inilagay iyon sa kwintas na regalo nila Ate sa akin.

Mas maganda na lang na maging pendat ito kesa suutin ko. Hindi naman talaga ito wedding ring at paano ako hahanap ng jojowain kung iisipin nilang kasal na ako.

Tumawa ako sa sariling biro at sinara ang sketchpad ko. Saktong nag-chat si Jared na dadaanan niya ako rito para samahan ako mag meryenda.

"Hope, tara meryenda." aya nila Molly sa akin.

"Una na kayo sa cafeteria, hintayin ko lang si Jared." nakangiti kong sagot at tumango sila sa akin.

Kinuha ko ang isang bundle ng folder para dalhin sa itaas pero bahagya akong nakakaramdam ng pagkahilo.

Iwinilig ko ang ulo at mukhang kinukulang na talaga ako sa tulog.

Sadya ko kasing binubugbog ang sarili sa trabaho para hindi ko maisip kahit sandali si Chance pero sa tuwing hihiga na ako o sa tuwing tahimik na ang paligid ko ay siya na lang ang naalala ko.

Geez! Wake up, Hope. Trabaho muna. Trabaho lang ang isipin—oh shit! Para akong nalula at muntikan akong bumuwal nang makaramdam ng matinding pagkahilo.

Buti na lang ay may humawak agad sa braso ko para alalayan ako. Umiikot pa ang paningin ko pero pilit akong nag-angat ng tingin para pasalamatan ang umalalay sa akin.

Pero laking gulat ko nang magtama ang mga tingin namin at sa pagbukas ng mga bibig niya ay kusa kong nabitawan ang mga dalang folder.

"Mag-ingat ka, Miss." casual na sambit ni Chance at wala sa sarili akong umatras para dumistansya sa kaniya.

N-Nandito siya. Nandito na siya sa opisina at hindi ako pwedeng magkamali na si Chance ang kaharap ko at ang taong umalalay sa akin.

Pero walang nagbago. Hindi pa rin niya ako naalala at miss na ngayon ang tawag niya sa akin.

Mula sa Honey, naging Hope at ngayon, miss na lang. Ang sarap pakinggan, sa sobrang sarap parang gusto ko na lang tumigil sa paghinga.

"S-Sorry po, S-Sir." tanging nasambit ko at agad kong pinulot ang mga nahulog na folder.

Tinulungan naman ako ni Chance pero hindi ko siya magawang lingunin. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya pero sigurado ako na hindi siya sa akin nakatingin ngayon. Hindi niya na talaga ako nakikilala.

"Here, pakiingatan ang mga documents na 'yan. Alam n'yong ayoko ng marumi at lukot na papel." maawtoridad na utos ni Chance at pansin ko ang pagiging bossy sa awra niya.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon