Kabanata 4

10.8K 556 189
                                    

HOPE

Napahikab ako, napatakip sa bibig at bahagyang naluluha ang mga mata. Napuyat ako kagabi prara tapusin ko pa ang isa pang set of design for bedrooms, but it isn't for a job. Hindi na ako bumalik sa Evergreen at wala na akong balak pang ipagpatuloy ang pag-a-apply ko sa kompanya nila.

And if you'll ask me what happened after my woeful incident with that jerk. I slipped from his office when he ran after his bride. Kasamaang palad, na sira ng tuluyan ang palda ni Francis buti na lang talaga ay nandun si Jared at pinahiram niya ako ng jacket, kung hindi umuwi ako na ang lahat ng tao ay nakita na ang floral kong panty.

"Nakita ko ang mga designs mo kanina. May balak kang mag apply o balak mong buksan ang shop?" nakangiting tanong ni Papa. Bakas ko ang sigla at pagkabuhay ng mga mata niya. Umaasa siya sa akin kaya hindi ko iyon kayang biguin

Nandito kami ngayon sa hospital para sa dialysis niya. Ako na ulit ang sumama sa kaniya.

"Balak ko maghanap ng mapapasukan, hindi ko kayang buksan ang shop ng walang malaking puhunan." aniko.

Totoong may balak ako mag apply ng trabaho pero hindi na sa Evergreen. Baka sa unang araw pa lang ay maubos na lahat ng bulbol ko kapag si Chance lang ang magiging amo ko. Imagine, araw-araw kong makikita ang mayabang na lalaking 'yun? Aba! Daig ko pa ang may libreng tsunami.

Kahit wala siyang sinasabi ramdam ko ang taas ng tingin niya sa sarili, feeling gwapo at porket may sarili siyang kompanya at engineer siya ay akala niya siguro ay mapapasunod niya na ang lahat.

"Paano ang paintings mo?" tanong niya at napabuntong hininga akong yumuko, pilit na ngumiti.

Sa pamilya namin si Papa ang pinaka-supportive sa mga pangarap ko, "Hindi ko ititigil ang pagpi-pinta, umaasa pa rin ako na mapapansin ang mga gawa ko."

Tipid akong ngumiti at alam kong mahirap. Kailangan kong makapasok sa isang art exhibit para mapansin ako. Kapag sa mga SOCMED lang at sa websites, mahirap magkaroon ng sales lalo na at wala akong kilala o circle of friends sa mga social media na pwedeng maging target buyer, puro mga hampaslupa at walang pake sa art.

Meron mang magka-interes, bibilhin lang sa'yo ng bente pesos ang isang malaking portrait. Ano tingin nila sa gawa ko? Cornetto? Bente pesos lang may ice cream ka na? Pokpok nga sa daan, ayaw na pumayag sa libreng kape lang eh, gusto may pa-pandesal pa. Mga buraot na nilalang!

Kinuha ni Papa ang kamay ko at nagtataka ako sa kaniya ng abutan niya ako ng pera.

"Pa," gulat kong sabi at akmang ibabalik sa kaniya 'yun ng tapikin niya ang palad ko at pilit na ikinulong ang pera sa palad ko.

"Nakita ko na may isang malaking art exhibit. Gusto ko makapasok ka dun kaya idagdag mo 'yan."

"Pero Pa," gusto kong umiyak. Alam kong gipit kami sa pera ngayon dahil sa akin. Sa mga naging utang namin sa pag-abroad ko kaya hindi ko inaasahan na bibigyan niya ako ng pera para lang makapasok ako sa isang art exhibit.

Madalas kasi kailangan may kilala ka sa loob o kaya may malaki kang pera bago mo ma-ipaskil ang mga gawa mo. Nag-iipon ako para roon kaya todo kayod ako sa pag titinda sa palengke.

At hindi ko akalain na alam ni Papa ang plano ko. Matamis ang ngiti niyang pinunasan ang pisngi ko, hindi ko namalayang umiiyak na ako sa tuwa at napakagat ako sa lukot kong labi.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon