Kabanata 17

5.5K 298 73
                                    

HOPE

"Grabe talaga yung nangyari sa karinderya. Dama ko 'yung tensyon kay Hope at kay Ma'am Ysa."

"True din. Pero kasi naman itong si Ma'am Ysa parang may duda sa jowa niya."

"Gagita! Sino bang hindi magdududa, identical twin talaga sila Sir Chance. Ako nga hindi ko knowing sino sa kanila si Sir Chance at Chase."

Tuloy pa rin ang bulungan nila. Umagang-umaga, sa may parking pa lang grabe na iyong mga tingin sa akin ng mga empleyado.

Sigurado ako na kumalat iyong nangyari sa karinderya. Wala naman ibang naging sagutan dahil after n'on parehas na kaming tumahimik ni Ysa but surely, it will create noise and it'll spread false rumors all over the office.

Hindi nga ako nagkamali at samo't-samo ang opinyon ng marami.

"Basta ako, kay Hope ako. Ang bait at ang jamming kaya ni Hope."

"Tss! Mabait din kaya si Ma'am Ysa. Maganda at sopistikad pa. Saka malay ba natin kung paano na lang naging jowa ni Hope si sir Chase. Who knows baka gold digger pa siya."

"Ang judgemental mo."

"Nagsasabi lang ako ng possibilities. Isipin mo 'di ba si Hope yung tumut-"

"Oo ako 'yung tumutol sa kasal ni Sir Chance at Ma'am Ysa." lumakad ako sa lamesa ko at ibinaba ko ang mga dala kong gamit.

Bigla silang natigilan at dama ko ang mga tingin nila.

"K-Kanina ka pa diyan?" tanong ni Molly na siyang nagsabi na baka gold digger ako.

"Yeah, I heard your opinion about me." ngiti kong sabi at napalunok siya.

"But let me tell you, Molly. Hindi ako gold digger. Mahirap kami pero hindi ko binebenta ang katawan ko para lang yumaman." paliwanag ko.

Kung taong walang moral lang din ako, baka sinugod ko na si Molly. Baka tinaga ko na nga 'yung dila niya at inilagay ko sa lugaw.

Pero dahil alam kong bawal sa opisina ang makipag-away at higit sa lahat ay nirerespeto ko ang mga Fuentabella ay hindi ako gagawa ng away at gulo sa kompanya nila.

Lalo na at dikit ang pangalan ko sa mga boss namin. Ayoko gumawa ng kahihiyan.

"S-Sorry, Hope."

"It's fine. But bandaids are not for bullet holes. Kaya minsan, bago ka magsalita, mag-isip ka muna."

Umupo na ako at inilabas ang sketchpad ko para magsimula mag-drawing. Kailangan ko pa gumawa ng bagong set of designs para sa plan B na hinihingi ni Chance.

Nandito naman ako para sa trabaho. Hindi ko na lang papansinin ang mga chismis.

Besides, it's my fault din kung bakit may mga chimis na kumakalat. Simagot ko kasi si Ysa gayong may ibang tao sa paligid namin.

But when I can turn back the time, I'll still choose to counter her. Bakit hindi? It's my duty to protect our contract.

"Hope, pinapatawag ka sa office ni Sir Chance." sabi ni Jexy na hawak pa amg telepono. Halatang itinawag pa iyon para paakyatin ako sa taas.

Well, I can't blame Chance if he used his power as our boss to reach me out. Naka-off ang cellphone ko mula kahapon at hindi rin ako nag-oopen ng messenger.

Napabuntonghininga ako at tipid na tumango para pumunta sa opisina ni Chance.

I'm not sure if it is Chance or Chase. But whoever calls me will surely lectured me for my actions.

Handa na ako mapagalitan nila sa pagsagot ko kay Ysa. But I'm hoping they won't lecture me, sira na kasi ang araw ko sa mga chismis.

And it lowers my energy everytime ma hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko sa issue.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon