Kabanata 27

5.2K 315 71
                                    

HOPE

"It's already late. Darating pa ba 'yang boyfriend mo." inis na tanong ni Xyd at sinimangutan ko siya bago ibinalik ang tingin sa cellphone ko.

"Pwede ba maghintay ka pa ng konti." may kalahating oras na kami naghihintay kay Chance.

Aware naman siya na may meeting kami with Xyd ngayon pero kanina ko pa rin siya tinatawagan at hindi rin siya sumasagot.

Gusto ko sana mag-alala at baka kung napaano na si Chance. Kanina ko pa siya gustong puntahan sa penthouse nila pero nag-aalangan ako.

Baka hindi pa siya gising o baka nakabaon na siya kay Ysa?

Thinking about those things took away both my smile and my concern for him.

Hindi naman kasi iyon malabong mangyari, 'di ba? Silang dalawa ang huling magkasama kagabi and after that, I never heard anything from him.

Maaga nga rin akong pumasok kanina sa opisina. Magkasabay kami ni Jared pero si Chance? Wala pa rin siya which is very impossible dahil hindi naman siya late pumasok.

"Seriously, Hope. Sa dami ng lalaking pwede mong ipalit sa akin ay si Chase pa? Tss!" kumento muli ni Xyd at walang gana ko siyang tiningnan.

"At talagang hanggang ngayon, para ka pa ring babae. Madaldal."

"And who wouldn't be? Kalahating oras na tayong nandito? If that guy really loves you, he won't waste your time. Hindi ka niya paghihintayin ng matagal. Hindi nga kita pinaghihintay noon." kumento ulit ni Xdy at hindi ko maiwasang masuka sa mga pinagsasabi niya.

"Talaga? Nakalimutan mo na atang ilang beses mo akong hindi sinipot noon." pagrereklamo ko kay Xyd.

Malaki ang issue namin noon sa oras at sa maraming bagay dahil nga estado ng pamilya niya.

Open ang relationship namin at maganda naman but when he introduced me to his family, ay nagbago ang lahat. Ayaw kasi nila sa akin dahil nga ganito lang ako.

Hindi ako mula sa mga elite o walang yaman at mataas na edukasyon na ipagmamalaki. That's why, our open relationship started to be hidden.

"At least, hindi kita pinapaasa. Kundi ako dumating, I asked Jared to fetch and pick you up." sumbat pa niya at inirapan ko siya.

May punto naman siya. Kahit naman gan'on si Xyd ay lagi niyang kasangga si Jared, inuutusan niya ito para sunduin ako at ipaintindi ang biglaang di niya pagsipot.

'Di naman kami aabot sa plano ng kasal kundi ako inalagaan ni Xyd. The only problem is his family and he married someone.

But it is no longer a big deal for me.

"Whatever!" sabay irap ko sa kaniya at sinubukan ko ulit i-dial ang number ni Chance but in this case ay namatay na agad iyon.

Ngumisi sa akin si Xyd na marinig niya mismo ang biglaang pagkapatay ng tawag. I'm not sure if he cancelled my call or he was just in another line.

"I have no doubt kung si Jared ang ipapalit mo sa akin, but si Chase? That's insane." Xyd commented and I give him a fake smile.

Si Jared naman talaga balak kong ipalit sa kaniya kaso nga bokya pa ako kay Jared.

Xyd stood up and rolled his sleeves.

"T-Teka, aalis ka na?" nagtataka kong sabi at presko niyang hinawi ang buhok. Ngumisi at mulagat ang mga mata ko nang hilahin niya ako patayo.

"Sinong nagsabing iiwan kita?"

"Xyd!" tili ko nang kaladkarin niya ako palabas at mabilis kong hinila ang bag ko.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon