Kabanata 49

7.6K 472 225
                                    

HOPE

"Akla! Ang gondooooo!" hagikgik na tili ni Francis habang niyuyugyog ako sa sobrang tuwa.

He's referring to my unfinished painting. Konti na lang matatapos ko na talaga ang painting ko para sa art exhibit.

I still want to attend the exhibit para na rin maipakita ko sa lahat iyong ilang buwan kong pinaghirapan.

Yes, it took me more than a month dahil mula sa mga sketch ko ang painting na ginawa ko.

"Pero wait, puro si Chance 'yan." sabay turo ni Francis sa painting nang pinagmamasdan niya mabuti ang bawat detalye sa painting.

Ngumiti akong tumango sa kaniya at lumapit sa ginagawa kong painting.

If you look at it, it is a naked man in a fetal position. Yakap niya ang sariling puso. I intentionally put his heart out of his chest. That's what will you see at its first glance pero habang tinititigan mo mabuti ang painting ay puno iyon ng mga maliliit na drawing ko mula sa araw-araw na magkasama kami ni Chance.

I drew him everyday at iyong mga drawing na yun ang idinikit ko sa board at nilagyan ng kulay gamit ang mga color paint ko.

And at his head, I put all those little things he did before he lost his memory. Those are precious memories that will forever be remembered.

"Yeah, it's him."

"Oh shit! How many sketches did you put on that painting?" tanong ni Francis at matamis ang ngiti kong nilingon ang mga sketchpad ko.

"Hmm...exactly 996 sketch."

"Oh shit! Really, Akla? Ganiyan mo siya kadalas i-drawing?" gulat na tanong ni Francis at umupo ako para ipagpatuloy ang pagkukulay.

"I drew him everyday. Mahigpit dalawang libong sketches ang mayroon ako but I chose the best sketches na siyang inilagay ko rito para mabuo ko ang mismong subject."

Well, it was so hard dahil kailangan kong pagdikitin yung mga drawing ko para magmukha siyang tao.

And luckily, I succeeded. Ang ganda pagmasdan ng art and I must say this one is the hardest and most memorable art I made.

"Mahal mo talaga siya, noh." Umupo si Francis sa tabi ko at hindi ako nagdalawang isip na tumango.

"Sobra. Sobrang mahal na mahal ko siya, Akla. Handa akong masaktan para lang sa ikabubuti niya." nakangiti kong sabi.

Masaya ako para kay Chance. Wala akong sama ng loob sa kaniya o kahit na anong hinanakit sa mga nangyari.

Naiintindihan ko naman kundi ako ang pinili niya. Kundi ako ang naalala niya at kung mas pinili niyang pakasalan si Ysa.

After all sila naman talaga at iyong kaunting panahon na magkasama kami Chance ay sapat na para masabi kong nakumpleto niya ang buhay ko.

And I'm so happy that Chance leaves me another hope and reason to live and dream.

Hinawakan ko ang tyan ko at gumugulo ang matamis na ngiti sa mga labi ko.

Tanggap ko na. Hanggang dito lang kami ng anak ko sa buhay ni Chance. Sinubukan ko naman, ginawan ko naman ng paraan para ipakilala ang magiging anak namin sa pamilya ni Chance but I think, hindi pa ito ang tamang oras.

Narinig ko ang usapan ni Chance at Tito Ryan. Masaya si Chance ngayon. Kuntento na siya sa buhay niya at tanggap ng mga Fuentabella si Ysa.

At ayoko, ayokong sirain ang maayos at masayang buhay nila. Handa naman akong palakihing mag-isa ang anak namin ni Chance.

Sisiguraduhin ko na kapag sapat na ang pang-unawa niya ay makikilala niya si Chance at ang mga Fuentabella but not to the point na makakasira kami ng pamilya. I don't know how to do it pero pipilitin ko maging mabuting ina sa magiging anak namin.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon