Kabanata 39

5K 339 69
                                    

HOPE

"Sino ka?" bungad niya sa akin at halos bumagsak ako nang makita ko na walang alinlangan o halong biro ang mga tingin niya sa akin.

Chance quickly picked up his clothes at halatang nagmamadali siyang magbihis. Nahihiya na makita kong nakahubad siya.

He's rattled and has become cautious of his surroundings, as if he's not aware that—t-that this is our house, our home, and he'll always be safe with me. 

I forced a smile and convinced myself that he was just tricking me. Yet, my knees are getting weaker and my lips shiver uncontrollably. 

Mabilis akong kumapit sa upuan para kumuha ng suporta, dahil kundi ay pakiramdam ko ay kusa akong babagsak.

"A-Are y-you kidding, right? S-Sabihin m-mong n-nagbibiro ka l-lang?" pilit kong sabi sa kaniya at sinubukan kong humakbang.

Pero ang pinakamasakit ay makita kong umatras palayo sa akin si Chance at puno nang takot at pagtataka ang mga tingin niya sa akin.

"N-No, don't come near me. I'm warning you." banta sa akin ni Chance at hindi ko nagawang humakbang palapit sa kaniya.

Hindi ako makahinga at kusang nagliyab ang bawat sulok ng mga mata ko hanggang sa malayang pumatak ang mga luha rito.

Pilit pa rin akong ngumiti at kagat ang mga labi na umiling.

"C-Chance, a-ako 'to—s-si Hope. Si Honey, you always call me Honey right?" pagpupumilit ko at marahas akong huminga, lumunok para alisin ang namumuong pagbabara sa lalamunan ko.

Kumunot ang noo ni Chance sa akin at alam kong hindi madaling paniwalaan ang mga sasabihin ko.

Akala ko handa na ako sa sitwasyon na 'to. Ang sabi ko kaya ko, kakayanin ko pero hindi ko akalain na walang katulad ang sakit gayong kahit pangalan ko ay hindi na niya maalala.

Na sa mga tingin niya ay ramdam kong ni isa sa mga segundo na magkasama kami ay nakalimutan na niya.

"I-I'm sorry but I didn't know you." he said and he abruptly look for something.

Tuluyang bumagsak ang mga tuhod ko sa lapag at nanlulumo akong huminga.

Hindi ko akalain na ganito kahirap, kasakit at kabigat sa pakiramdam ang sitwasyon. Gusto kong tumayo pero hindi ko alam kung saan ako huhugot ng lakas para lumaban.

"H-Hey, miss. Ayos ka lang ba?" lumapit sa akin ni Chance nang mapansin niya siguro na hindi ako gumalaw sa pagkakaluhod sa sahig.

Tuningala ako para salubungin ang tingin niya at umaasa ako na babalik muli ang memorya ni Chance.

Na katulad nitong mga nakaraan ay hindi lilipas ang isang oras at muling babalik sa kaniya ang lahat ng alaala niya but I was so fucking wrong dahil wala na, wala na iyong kinang sa mga mata niya sa tuwing nakatingin siya sa akin.

I-Iba na, n-nagbago na ang paraan kung paano niya ako pagmasdan.

"H-Hindi, a-ako okay." humihikbi kong sagot at agad na bumaba ang tingin niya sa tuhod ko na sinugat ng mga bubog.

"Shit! Come here. Dumudugo ang tuhod mo." nag-aalala niyang sabi at agad niya akong inalalayan na tumayo para ilayo sa mga nagkalat na basag na plato.

"Is it your home? Nasaan ang first aid kit mo?" usisa ni Chance at sinubukan niya akong iwan para hanapin ang kit but I abruptly grabbed his hands.

Agad niya akong nilingon at pilit ang ngiti ko na umiling.

"A-Ayos lang ako. H-Huwag mo akong isipin." sagot ko at pilit akong huminga ng malalim.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon