Kabanata 37

5.6K 352 139
                                    

HOPE

Pagpasok namin sa opisina ay halos lahat ay abala sa kaniya-kaniyang trabaho but they are all smiling at me.

Binabati pa nila ako ng good morning lahat at talagang parang nakakapanibago iyon para sa akin.

"Busy kayo?" hindi ko maiwasan na mapansin ko na busy ang department namin sa pagdo-drawing.

"Yas! Nanghihingi ng tatlong lay out kada isang tao ang head department para sa restaurant na bubuksan." sagot nila sa akin at bakit hindi ako na inform?

Dahil ba may existing ba akong project? Baka nga.

"Malaking project yata yan." kumento ko bago umupo sa pwesto ko.

"True! Balita ko tatlong branch agad ang bubuksan."

"Wow ah! Ano'ng restaurant ba?" Ang yaman naman ata ng may-ari noon at tatlong branch agad? Without trial and error kung papatok ba sa customer ang service nila.

"Who knows." sabay tawa nila but the thing is mukhang hindi naman sila kunsumido sa ginagawa at mukhang nag-e-enjoy.

"Pero masaya kayo? Hindi ba rush 'yan?" iyan din kasi yung project na narinig ko na pinagkakaabalahan na sa planning team.

Iyong pagbili ng pinakamagaganda at mataas na uri na materyales naman ang gagamitin nila sa project na 'to.

"Double pay lahat ngayon lalo na yung mapipili ni Sir Chance for the design and with good presentation ay may bonus." sagot ulit nila at tumango-tango ako.

Wala naman sa akin kundi ako kasama roon. Busy rin kasi ako para sa plano namin ni Chance na buksan na ang shop namin.

Actually, on process na lahat ng iyon kahapon pa. Si Chance na rin ang umasikaso para sa renewal namin sa BIR at masaya si Papa kagabi na malaman na gagawa na ulit siya ng furniture at baka next week din ay mag-operate na ang shop.

Hays! Medyo ang bilis ng phasing ng mga tao ngayon at talagang pursigido sila sa trabaho. Mukhang ako lang ata wala masyadong pinagkakaabalahan kaya hindi ko maiwasan mag-drawing.

Nag-sketch ulit ako ng mukha ni Chance. I drew him everyday. Lalo sa mga oras na busy siya. Mas naguguhit ko siya ng maayos.

Tulad na lang nitong mga nakaraang gabi. Busy siya to finish the blue print of his project. I don't know what project it is pero ayun, lagi siyang puyat para sa blue print na 'yun and I don't have any problem with it.

Kilala ko naman na hardworking talaga si Chance. As long as nakikinig naman siya sa akin sa tuwing sinabi ko na magpahinga na, then I'm fine with it.

Yes, patuloy ko pa rin mino-monitor ang kalusugan niya. Hindi ko kinalimutan ang gamot niya, ang check-up at pati na rin ang pagbantay sa daily routine ni Chance to make sure na hindi niya mapapabayaan ang sarili.

And speaking of Chance. Nag-chat siya sa akin na pumunta ako sa opisina niya. Kaya nagmamadali kong kinuha ang bag ko at lahat at nakatingin sa akin.

Parang mga ewan silang humahagikgik. Problema nila?

Hindi ko na sila pinansin at agad kong pinuntahan si Chance. Saktong pagbukas ko ng pinto ay niluwa naman noon si Jared na bitbit ang ilang mga folder.

Nakauwi na siya? Nakabalik na siya galing Palawan?

"J-Jared," nauutal kong tawag sa kaniya at ibinaba ang tingin ko gayong nahihiya pa rin ako sa kaniya.

Hindi pa kami nakakapag-usap about sa nangyari sa Palawan.

"Good to see you." bati ni Jared at ginulo niya ang buhok ko. Nagtataka ako sa inasta niya at parang good mood pa siya.

Pero mas napansin ko ang hawak niyang folder kung saan may title iyon na kahit saan project.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon