Kabanata 29

5.4K 321 71
                                    

HOPE

"Hoy, Hope. Ano ba yang itsura mo?" natatawa akong tinuro ni Chase. Isinuot ko sa ulo ang isang paper bag para takpan ang mukha ko sa kahihiyan. May butas lang ito sa gawing mata, ilong at bibig para naman kahinga at makakita pa ako.

Paggising ko ay sobrang sakit ng ulo ko at sa lahat naman ng lasing at sumuka ako lang itong hindi nila nagawang linisin. Sobrang gentleman talaga ng kambal. 

"Pahingi ako ng damit." sabay lahad ko ng kamay kay Chase para humingi ng extrang damit. Puno pa rin ng natuyong suka ang suot kong danit though, malinis naman ang mukha ko at mukhang pinunasan naman nila ako. Not sure, if it is Chance or Chase but kahit sino sa kanila, walang nag-attempt na palitan ako ng damit.

Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako dahil at least hindi nila nakita ang tinatago kong pasas sa loob ng damit at bra ko, o maiinis dahil talagang hinayaan nila ako matulog na suot ang amoy sukang damit ko.

"Oh, damit. Wait ikukuha kita—"

"No need, Chase." singit ni Chance at inilapag niya sa sofa iyong isang puting T-shirt at boxer short. May tuwalya na rin at bimpo. 

"Maligo ka at magbihis. Huwag kang sasabay kumain sa amin kung amoy kang alak at suka." seryosong paalala ni Chance at mariin kong nginuya ang ibabang labi. Suminghot pa ako para amuyin ang sarili at oo nga, amoy akong suka pero hindi namna ako amoy alak, mas matapang pa yung amoy ng juice kaya medyo sweet pa rin talaga ako.

Pero hindi, eh! Ang asim ko dahil sa sarili kong suka.

"Pff—ligo ka na."

"Thank you, ah. Nakakahiya naman sa inyo na hinayaan niyo akong matulog ng ganito." sarkastiko kong tugon kay Chance at walang tingin siyang hinila ang upuan.

"Wala akong balak makakita ng dibdib ng kapwa ko lalaki." pang-iinsulto niya sa akin at literal na umuwang ang bibig ko sa kayabangan ni Chance.

He never take a single glance on me while Chase laugh endlessly.

"Thank you." mabigat sa loob kong sagot mula sa pang-iinsulto niya. Feeling! Ambisyoso! Akala mo kung sinong gwapo at matipuno.

Sakitin naman. Inis! Pumunta na lang ako pabalik sa bakanteng kwarto. Alam ko ito yung kwarto ni Chance eh at confirmed dahil nakita ko ang mga gamit at susi ng kotse niya. Mukha lang siyang mabait perro talagang may lahing sa impakto siya.

Nagsimula na ako maligo at hinayaan ko umagos ang tubig sa katawan ko. Pumikit pa ako dahil ang sarap ng warm water. 

"M-May webs sa lupa. Ayaw ko malunod." 

"Hindi waves 'ayn. Lasing ka lang. Lets' go. Huwag ng matigas ang ulo."

"Hinid, webs yan oh! Kita muuuuu! May pesh!" 

OMG! Bigla akong dumilat nang sumagi sa isip ko ang mga pinaggagawa ko kagabi. Ang mas nakakahiya pa ay nagdive ako sa sahig para manghuli ng imaginary kong fish.

Shit na malagkit! Talagang wala na akong mukhang ihaharap kay Chance. Hindi na talaga ako iinom ng marami kapag hindi si Francis o si Jared ang kasama ko. Nanlulumo kong tinapos ang pagligo at ilang beses akong umiling sa kawalan. Parang ayoko na atang lumabas para mag-almusal.

"Hay nako naman, oh!" ilang beses akong lumakad-lakad pabalik-balik sa may pinto pero nanatili ako rito sa loob ng kwarto.

"Hope, ang tagal mo naman. Nilamon ka na ba ng bowl diyan>" sigaw ni Chase na halatang gutom na.

"L-Lalabas na." sigaw ko rin pabalik at no choice naman ako kundi lumabas pero bago yun ay kinuha ko ulit yung paper bag at isinuot ko ulit.

Nakayuko pa akong lumakad papunta sa hapagkainan at una kong naabutan si Chance na abala sa telepono niya habang humihigop ng mainit na kape. Wala si Chase at parang mas gusto ko pang kumain kasabay siya kesa kay Chance.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon