Kabanata 25

5.5K 285 91
                                    

HOPE

"Ihanap mo ako ng bagong organizer!" sigaw ni Chance at halos tabigin niya lahat ng nakaharang sa daan.

Tahimik lang akong ipinapatuloy ang pagdo-drawing pero hindi ako nakaligtas sa mapanuring tingin ni Chase. Nagtatanong ang mga mata niya sa kung bakit bigla na lang nagsusungit ang kakambal niya. 

Malay ko ba kung bakit parang babae itong si Chance na nagiging moody na lang. Baka lumala na tumor niya sa utak kaya ang mas nagiging masungit siya. Nagkibit-balikat na lang ako kay Chase at ibinaba ang tingin sa sketchpad ko.

"Teka, Bal. Hindi tayo pwedeng magpalit ng organizer niyo. Anak ni Mayor si Xyd and you know that we need to build a good relationship with him para mabilis maaprubahan yung mayor's permit natin at maipatayo yung sub-office ng EHB." paliwanag ni Chase at ngumiwi ako sa mga salitang lumabas sa bibig niya.

Bwisit! Bakit alam ni Chase ang tungkol kay Xyd? Shemay! Kailangan ko na umalis bago pa maalala ni Chance na nandito ako. Maingat kong kinuha ang bag ko at dahan-dahan akong tumayo. Tahimik ang paa kong umangat pero bago pa ako makahakbang ay umugong na agad ang boses ni Chance at ramdam ko ang biglaang pagbaling ng tingin niya sa akin.

"Nagkaboyfriend ka ng isang anak ng pulitiko?" banas na tanong ni Chance at higit na nalukot ang mukha ko sa nakakabwisit na boses ni Chance.

Parang nakapatay ako ng tao kung usigin niya ako. Ano ngayon kung nagkaroon ako ng ex-boyfriend na anak ng pulitiko? Hindi naman si Xyd yung mayor. Simangot akong huminga ng malalim bago hinarap si Chance.

"Bakit? Kasalanan ko bang maganda ako?" sabay irap ko kay Chance at muli na lang akong bumalik sa pagkakaupo.

Mukhang hindi naman niya ako titigilan sa mapanuya niyang pang-uusig. Feeling naman ni Chance. Mukha bang pang bangkenta at pang kape lang ang ganda ko? Duh! Kinulang pa ako nito sa height, eh paano pa kung biniyayaan pa ako ng tangkad at monay sa hinaharap? Baka pati yung patay bumangon sa hukay.

"Teka, Ex-boyfriend mo si Xyd?" namamanghang tanong ni Chase at inirapan ko siya. 

"Woah! Ikaw pala 'yung nagpatino sa fuck boy at bad boy ng drag race. Shit! Ganda mo Hope." sabay tawa ni Chase at hindi ako alam kung pinupuri niya ba ako o iniinis.

Kilala naman talaga si Xyd sa University namin kaya hindi na ako magtataka kung kilala siya ni Chase pero si Chance, I doubt it. Parehas lang naman kasi sila ni Xyd na mga narcissistic. Kaya malamang, wala siyang pakialam at tanging sarili niya lang ang nakikita niya, ay mali, tanging si Ysa lang pala ang nakikita niya simula noon at hanggang ngayon.

"Teka, chismis 'yan. Paano kayo nagkakilala ni Xyd?" makulit na usisa ni Chase at talagang umupo pa siya sa tabi ko para lang mag-marites.

Gusto ko man ikwento kay Chase pero para sa akin hindi na iyon mahalaga. Past is past and besides, hindi ko na rin gustong pag-usapan pa dahil nga sa status ng pamilya ni Xyd. In short, tapos na kami. 

"Alam mo, kalalaki mong tao pero ang chismoso mo." banas kong tinulak si Chase pero ang kulit niya at talagang gusto niya pang maki-chismis.

"Hindi ako chismoso, nagtatanong lang ako dahil hindi ko akalain na ikaw pala yung dahilan kung bakit hindi na nagba-bar si Xyd sa LNB. Eh, kauri ko 'yung gagong 'yun. Tira-pasok kasi banyo lang." hagikgik ni Chase at akmang itutulak ko siya nang hilahin siya ni Chance patayo.

"Get off, may inuutos ako sa'yo at yun ang gawin mo." seryosong paalala ni Chance at sinimangutan siya ng kakambal.

"Bal, hindi nga pwede. Remember, kailangan na natin ng mayor's permit. O baka naman... pwede mo munang ipahiram si Hope kay Xyd, para mapirmahan na ni Mayor yung permit natin." ngisi ni Chase at walang sabi kong siyang sinipa.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon