Kabanata 15

6.3K 302 79
                                    

HOPE

"May naintindihan ka?" I ask out of my curiosity and my head spins in flooded data from Chance.

Magkatabi kami ni Chase sa upuan at tulad ko ay mukhang nalulula rin siya sa mga pinagdadaldal ni Chance.

"Wala nga rin eh," sabay kamot niya sa ulo at taimtim ang tingin naming dalawa kay Chance na nakatalikod at dakdak nang dakdak.

Tumango-tango ako kay Chase bilang pagsang-ayon at ilang beses na humikab. Bukod sa puyat ako ay literal na wala akong maintindihan sa mga dinadaldal ni Chance.

Akala mo siya 'yung math teacher namin na gustong ipahanap ang X sa akin?

Malay ko ba kung saan nagpunta si X?  Break na nga kami kaya bakit ko pa hahanapin. Duh!

"You have to deal with the lumber supplier or else we will lose the project. Get it."

"'Nu 'yan?" usisa ni Chase sa sinusulat ko sa papel at muli akong gumuhit.

"Binibilang ko kung ilang beses na nagsabi si Chance ng get it, okay at then."

"Pff— ano 'yan boysen?"

"Hindi, ah mas bagay kay Chance ang boyset." sabay pangalumbaba ko at nang magsakita ulit si Chance ng then ay naglagay ako ng tantos.

"You mean, mula kanina hindi mo siya pinapakinggan?" pigil na tawa ni Chase at nanlulumo akong tumango-tango sa kaniya.

Eh, paano ko naman kasi pakikinggan si Chance. Mas marami pa ang daldal niya kesa sa bulbol kong tatlong piraso.

Simula kaninang umaga ay maaga niya akong sinundo sa bahay para makapag-meeting kaming tatlo.

Nagpa-plano para hindi maging palpak ang switching nilang dalawa. Dahil sunod-sunod ang magiging meeting ni Chance and Chase have to deal with all of those.

Tapos kailangan din namin ayusin ni Chance ang kasal namin.

"You're dead kapag pumalpak ka mamaya." hagikgik na biro ni Chase at inirapan ko siya.

"Sa daming sinabi ni Chance para siyang may dalawang bilat sa kadaldalan." banas kong sabi at umakting pa ako na ginagaya ang mukha ni Chance kanina.

"Get it?" gaya ko sa boses ni Chance kanina at pigil na tumawa si Chase.

Kadadaldal ni Chance at muntik nang mag crash landin on you sa bibig niya ang langaw at lamok.

Biglang humaba ang ngumuso sa akin ni Chase kaya inirapan ko siya.

"Nako! Tigilan mo ako, Chase. Laway at rabies na ni Chance ang dumadaloy sa katawan ko, buti nga at hindi pa ako tumatahol."

Aba daig ko pa 'yung nabati ng nuno sa punso at ilang beses na akong nilawayan ni Chance.

Buti nga hanggang labi lang ang laway at hindi pa kami umaabot sa ibang bagay.

Yikes! Maisip ko pa lang na lalawayan ako ni Chance sa buong katawan ay kinikilabutan na ako.

"Ano ba? Bakit ka ba nguso nang nguso?" banas kong sabi kay Chase nang higit na tumulis ang nguso ni Chase.

"Please, nakakapanis ang maraming laway. Loyal muna ako kay Chance." sabay duro ko kay Chase ng lapis pero mas higit lang na kumunot ang noo ko nang humaba pa ang nguso niya sa akin.

Babaero na 'to! Gusto pa talaga ng kiss sa akin?

Kundi lang ako ninanakawan ng halik ni Chance papatulan ko naman 'tong si Chase pero ayoko naman magtaksil.

Wow! Big word, Hope. Taksil? Bakit? Kayo ba ni Chance?

Bruha! Natural lang naman na maging loyal kahit japeyk lang kami, 'di ba? Saka pangit tingnan na nilaplap na ako ni Chance tapos magpapahalik ako kay Chase?

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon