Kabanata 26

5K 305 66
                                    

HOPE

"Hoy Akla, surelalu ka ba ditey? Puro hard drinks itey." tanong ni Francis nang ihatag ng bartender ang lahat ng order ni Ysa para sa amin.

Puro mamahalin at mga hard drinks ang inorder ni Ysa. Inaya niya na ako lumabas at syempre sinama ko si Francis.

Bridal shower dapat pero dahil wala naman akong ibang kaibigan na babae ay napag-isipan na lang niyang mag-night out kami.

"Huwag ka ng choosy. Libre na nga 'yan at malay mo, mamaya may ma shombet ka diyang dakis."

"Kyondi! Bet ko 'yung felix bakat. Tapos ichupa-chups ko." hagikgik na tili ni Francis habang dineretso ng isang shot ang alak.

Kinuha ko ang isang baso ng juice at iyon naman ang ininom ko. Sakto naman na nakabalik na si Ysa dala ang iba pang mga snacks.

"Pasensya na, medyo maraming tao sa counter. Do you want anything? Sabihin n'yo lang."

"Ay, hindi na. Okay na 'to. Marami ka ng na-order. Baka hindi natin maubos." nahihiya kong sagot kay Ysa at umupo siya sa tabi ko.

"No, uubusin natin lahat ng 'to. Alam mo 'yun, tamang happy happy lang."

"Ay true! Kulang pa 'to, Hope. Order ka pa ng marami Ysa." birong sigaw ni Francis at tumawa naman si Ysa.

Medyo maingay na dito at kahit gusto ko sila sabayan sa pag-inom ay hindi ko nakakalimutan na aware si Ysa na buntis ako.

Kahit japeky lang, I still need to be careful para hindi niya kami mabuking.

"Hey, ayaw mo?" tanong at alok ni Ysa sa akin ng tequila.

Kundi lang ako nagpanggap na buntis kahit gin bilog pa 'yan hindi ko uurungan si Ysa.

"Okay na ako sa juice." tanggi ko kay Ysa ay siya ang uminom ng alak.

Wala sa itsura ang pagiging lasenggera pero mukhang malakas din siyang uminom.

"Bakla, lakas mag-shot ni Ysa akala ko shumod lang nilalaklak niya." hagikgik ni Francis at binatukan ko siya.

"Gagita, manahimik ka nga baka marinig ka."

"Hey, you should enjoy this night, Hope. Hayaan mo muna si Chase. He won't be mad dahil dating tambay din 'yun sa mga ganitong lugar." paalala ni Ysa sa akin at tipid akong ngumiti sa kaniya.

Kaunti pa lang ang naiinom niya pero namumula na ang mukha ni Ysa.

"But Chance will surely be mad kapag nalaman niyang lasing ka." sigaw ko kay Ysa nang biglang lumakas ang tugtog.

Sa pagkakaalam ko ay hindi siya hinahayaan ni Chance na uminom lang. Sa strict ba naman ni Chance, siguro kahit pag-ihi ni Ysa babantayan niya.

"Si Chance? Haha! He's not here. Remember, lumuwas siya ng France kanina para ayusin ang biglaang emergency. He's always like that, busy." sigaw din ni Ysa pabalik sa akin.

Wala nga pala dito si Chase dahil kailangan niyang harapin iyong biglaang problema ng EHB sa France. Dapat si Chance ang luluwas pero baka mapansin nila ang switching ng kambal kaya ayun, si Chase na lang talaga ang pumunta ng France.

Hindi ko na rin sinabi kay Chance na lalabas ako kasama si Ysa dahil nga baka mag-overreact na naman siya at si Chance pa mismo ang maging sanhi ng pagkabuking namin.

"Go on! Let's enjoy!" sigaw ni Ysa at kinuha niya ulit ang isa pang baso.

Sinubukan ko siyang pigilan pero may pagka-wild pala ang isang ito at halos lunukin niya pati ang shot glass.

Si Bakla naman ay tuwang-tuwa na tumayo para sabayan ang maingay na tugtog.

Hay buhay nga naman! Mukhang mag-aalaga ako ng dalawang lasing ngayong gabi.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon