Kabanata 22

5.3K 294 49
                                    

HOPE

Ipinarada ko ang motor ni Jared at sakto lang din na huminto ang kotse ni Chance. Sabayan lang ang dating namin. Well, dapat talaga mas na una ako sa kanila pero hindi ko maiwasang mag-isip at magnilaylay sa byahe kaya mas naging mabagal ang takbo ko.

And who told me na hindi ko abot ang sahig dahil maliit ako? Duh! Baka nga siya pa ang hindi umabot sa akin. Tss! Yabang-yabang. 

Naunang bumaba sila Chance at Jared kaya nagmamadali kong hinubad ang helmet ko at winasiwas ang asul kong buhok. Inilagya ang helmet sa may motor at sa pag-angat ko ng tingin ay unang bumungad sa akin ang nakamasid na tingin ni Chance. Kung makatingin siya akala mo ngayon lang siya nakakita ng babae na marunong mag-motor. Inismiran at pinandilatan ko ng tingin si Chance kaya mabilis siyang tumikhim at iniwas ang tingin sa akin.

Oo na maliit lang ako pero flexible ako. Duh! 

Habang lumalapit ako sa kanila ay pansin ko pa ang pagbuka ng labi ni Chance na tila may siansabi kay Jared not until I came closer at mas naging malinaw ang mga utos niya rito.

"Go back to your." huling salitang binitawan ni Chance at tipid na tumango si Jared.

"Wait, sabay na tayo." sabat ko agad nang makalapit ako sa kanila. Sayang pamasahe eh, parehas lang naman kami ni Jared na babalik sa EHB. Ihahatid ko lang si Chance sa itaas.

"At sinong nagsabing aalis ka?" naningkit ang mga tingin ni Chance sa akin at naging salitan ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Sabi mo go back to your work."

"I am not talking to you." mariing pagtanggi ni Chance at tumawa akong hinamapsa ng braso niya.

"Ahahah! Joke time ba 'to? Nakalimutan mo na rin bang office hours ngayon? Hinatid ka lang namin." paalala ko kay Chance at baka mamaya ay may nakakalimutan na naman siya. 

Sige na, aaminin ko na nag-aalala naman talaga ako sa kondisyon niya. Sino bang hindi mag-aalala? Baka mamaya makalimutan niya ako pasahurin, 'di ba? Ang arte pa naman niyang boss tapos walang kita? 

"I know and as your boss you have to stay with me." seryoso niyang utos at mabikis niyang binalingan ng tingin si Jared, "Sige na Jared, bumalik ka na sa opisina."

"Bakit ako? Yaya mo ba ko? Kailangan ko bumalik sa EHB kasi ipapasa ko pa—" nagulat ako ng hablutin ni Chance ang folder sa kamay ko at inabot iyon kay Jared.

Agad na kinuha ni Jared ang folder at pansin ko rin ang nagtataka niyang reaksyon. Parang gulat siya na makita si Chance na masungit? O bossy?

Eh natural naman kay Chance ang pagiging bossy, ah. May nakakagulat ba d'on?

"Ibigay mo sa production designer." inis na utos ni Chance kay Jared at walang sabi niyang hinablot ang pulso ko para hilahin.

"T-Teka... J-Jared, hintay—" 

Gusto ko mag-protesta pero mas mabilis itong bibig ni Chance sa kakautos.

"Bilisan mong maglakad." sabay hila ulit ni Chance sa akin habang nanatili akong hinahabol ng tingin si Jared.

A small smile appears on Jared's face and he waved a short good bye. As if he's telling me that he's fine. Pero alam kong hindi, eh. He needs an explanation of what happened. Nakakahiya na rin na inabala ko siya at bilang kaibigan, hindi dapat ako naglihim.

"Ano ba. Bitawan mo na nga ako." asar kong binawi ang kamay ko kay Chance and  luckily, hindi siya nagmatigas.

Binitawan niya ako at mabilis na sumara ang elevator. Hinarap ko si Chance at diretso ang tingin niya sa kawalan.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon