Kabanata 45

5.9K 428 183
                                    

HOPE

Si Ysa?

Si Ysa?

Si Ysa?

Si Ysa?

Si Ysa?

Paulit-ulit na tumatak sa isip ko ang mga huling salitang binitawan ni Chance. Para iyong sirang plaka na isinampal sa akin gayong a-alam ko na. A-Alam ko ng hindi na ako parte ng mga alaala na bumalik sa kaniya.

Nabasag ang katahimikan sa pagitan namin ng kusang dumulas ang baso sa kamay ko at umugong ang ingay noon sa tainga ko.

Nanatili ang mga tingin namin ni Chance sa isa't isa. Naghihintay ako na sabihin niyang biro lang ang lahat pero sa klase ng mga tingin niya sa akin ay halatang hindi niya talaga ako nakikilala.

Para akong nabato sa kinatatayuan ko  pero nanghihina ang mga tuhod na gustong bumuwal.

"C-Chance! OMG! You're awake!" Nabasag ang katahimikan sa pagitan namin sa biglaang pagsulpot ni Ysa.

Agad siyang lumapit kay Chance at pansin ko ang pagbabago ng reaksyon niya. Ang pagkabuhay ng sigla sa mga mata niya at ang matamis na umukit sa mga labi ni Chance nang makita si Ysa.

"Y-Ysa," malambing na sambit ni Chance sa pangalan ni Ysa at marahan niyang hinawakan ang pisngi nito.

They are sweetly smiling to each other. Bagay na hinhintay kong mangyari.

A-Akala ko paggising niya ay tatawagin niya na ulit ako sa pangalan ko.

Akala ko sa oras na magkamalayan siya ay hahaplusin niya ulit ang mukha ko na puno ng pananabik.

But I was wrong. Dahil kahit pangalan ko ay tuluyan niya ng nakalimutan.

"N-Naalala mo na ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Ysa at matamis ang ngiti ni Chance.

Tila sa kanilang dalawa lang umiikot ang mundo at hindi ko akalain na mas masakit pa ito kesa noong gabing winasak ni Chance ang tilapia ko.

"Bakit naman kita makakalimutan. You are my queen." He smiled at her. He called her queen. He praised her his world revolves around her.

At ang sakit. Ang sakit-sakit na alam kong mali ako, na hindi pala talaga ako ang taong kailangan niya.

Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko at tahimik akong himinga ng malalim.

"Thanks God! Naalala mo na ako!" masayang-masaya na sabi ni Ysa at mukhang hindi naman nila ramdam ang presensya ko.

Kaya mas minabuti kong kuhanin ang ang mga gamit ko. I badly want to stay pero hindi ko na kaya.

Hindi ko kayang huminga. Para akong sinasakal sa sobrang bigat at gusto ko na lang bumagsak habang nagwawala sa sobrang sakit.

Payapa akong umalis ng silid ni Chance at pilit, halos kaladkarin ko ang sarili na lumalakad palayo sa kwarto niya hanggang sa maramdaman ko mismo ang panginginig ng mga tuhod ko na kusang bumagsak.

Dumulas din sa kamay ko ang lahat ng dala kong gamit at walang humpay ang mga luha ko sa pag-agos.

A-Ang s-sakit, sobrang sakit na bakit p-palaging a-ako na lang? Ako na lang 'yung lagi niyang nakakalimutan? I don't want to blame him dahil alam kong hindi niya ginusto. Hindi niya pinili na kalimutan ako but it is still painful knowing na baka tama si Ysa.

Wala talaga akong puwang sa buhay niya at kailangan kong tanggapin na hiniraman ko lang ang mga pagkakataon na dapat siya ang kasama ni Chance.

Na ang totoo ay pinahiram lang siya sa akin ng panahon and I need to return him to his owner. Na ang bawat sandali na magkasama kami ay mga hiram na sandali na siyang ninakaw ko kay Ysa.

Chasing ChancesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon